"Miguel." sambit ko ng pangalan ni Miguel. Seryoso naman itong nakatingin sa amin ni Matteo pero lumabot ang tingin niya nung na kay Ian siya nakatingin. Lumapit ito sa amin at hindi pinansin si Matteo. "Dumalaw si Matteo, kararating lang niya galing sa canada." sambit ko pero hindi niya ako pinansin. Humalik siya sa pisngi ko bago niya kunin si Ian sa akin. Hinarangan niya muna ang dibdib ko bago siya tumayo para dalhin si Ian sa kwarto. "Hindi ka pa nagpapalit." sabi ko. Ayaw na ayaw niyang lalapitan ang anak niya pag hindi pa siya nakakabihis. "Mauna na ako, Ciara. Iiwan ko na itong mga pasalubong ko sa inyo. Pasabi nalang kay Nanay at Tatay na bumisita ako." Si Matteo. "Sige, salamat. Magpakita ka din kala Nanay siguradong matutuwa sila." tumango ito bago tuluyang umalis ng bahay. S

