Dahan dahan kong minulat yung mga mata ko. Nagtataka akong makita ang kisame ng kwarto ko dahil sa pagkakatanda ko ay nasa sala ako kanina ng bahay namin kausap si Miguel. Lumabas ako ng Kwarto ko at nakita ko si Nanay na nagaayos ng mga tinatahi niya. Lumapit ako dito para magmano. "Kanina ka pa tulog, hindi na kita ginising para kumain. Kaya kumain kana dyan." Sabi ni Nanay tumangon naman ako sa kanya. Habang kumakain ako ay nakatingin ako kay nanay, pinagiisipan ko kung sasabihin ko na ba sa kanya o sasabihin ko nalang sa kanya pagnandito din si Tatay. Nandito ako ngayon sa tindahan namin at nagbabantay ako ngayon dito. Magkasabay kaming pumunta dito ni Matteo. Hindi pa niya ako masyadong iniimikan ngayon pero hindi ko naman nararamdaman na ayaw niya na sa akin. Umayos naman ako ng

