ANNIE'S POV
Thank God! Touchdown. Dito na ako sa Roxas. Marami pa naman nagbibyaheng sasakyan sa labas. Sa hotel na siguro ako dederetso. Nandun naman sila lahat. Tsaka wala naman akong susi ng bahay.
Kaya sila maso-surprise dumating ako.
Saan na nga ba ang electronic invitation na si-nend ni mama. Patay, need pala naka-formal dress. Pano ba to. Naka-pants and t-shirt lang ako. Papasukin kaya ako sa venue? Tapos may bitbit pa akong maleta. Dyahe talaga. Bahala na nga.
Pagkalabas ko ng airport ay naghanap ako agad ng masasakyan. Nagpahatid ako sa hotel kung saan ang venue ng reunion.
Pagkahinto ng taxi sa harap ng hotel. Ay may kotseng mabilis na pumasok at huminto rin sa harap ng entrance ng hotel. May bumabang lalaki. Matangkad. At may kausap ito sa cellphone. Mabilis itong naglakad papasok ng hotel.
Narinig ko na nag-greet ang mga staff na sumalubong sa kaniya.
"Good evening po Architech!"
Hindi ko naman nakita ang mukha niya kasi nauna siyang pumasok sa akin sa loob ng entrance ng hotel. Medyo kinabahan ako sa presensiya niya kasi he seems so familiar.
Deretso na siya sa may area ng elevator.
Inignore ko naman, kasi ako nagtanong pa sa reception area.
"Hi maam good evening. Welcome to Esplanade Hotel. Do you have a reservation po ba?" Tanong ng isang receptionist.
"Actually wala naman. Pero there is a reunion party in the 45th floor." Pinakita ko ang e-invitation sa receptionist.
Tumango siya. "Yes maam. Punta na lang po kayo sa 45th floor po."
"Salamat."
Nagmadali pa ako kasi nakita kong bumukas na ang elevator at nasa harap ko ang lalaki na naka coat and tie. Na kasabay kong pumasok ng hotel. May kausap pa rin ito sa phone.
The voice is also familiar. Habang nag sasalita siya. Nauna siyang pumasok ng elevator at pinindot niya ang 45th button. Kaya hindi ko na din pinindot ang 45th floor button. Pasara na sana ang elevator kaso hinihila ko pa ang maleta ko paloob. Biglang pinindot muna ng lalaki ang open button para makapasok pati maleta ko.
Nagpasalamat ako. Napatingin ako sa kaniya para magpasalamat.
Ganun na lamang ang aking pagkagitla ng mamukhaan ko siya. Si Tito Isaiah!
My Gosh! Biglang huminto ang mundo ko. Nag init ang mukha. Hindi ko na maramdaman kong pumipitik pa ang puso ko? Parang bigla kinapos ang hininga ko. Nenerbiyos ako. Pakiramdam ko may mga paru-parong nagwawala sa sikmura ko.
Siya nga. Siyang siya! Ang nag-iba lang sa kaniya medyo nagkalaman ang katawan niya. May muscle. Dati kasi medyo patpatin siya. Lalong pumuti. Medyo nag matured ang mukha. Pero ang gwapo niya! Hindi siya mukhang matanda. Hindi kamukha ni papa na haggard na dahil sa trabaho at may mga puting buhok. Sabagay mas malaki naman ang agwat ni papa at mama ke Tito. I think he is only 35 years old kasi 10 years lang naman agwat niya sa akin. Kahit sinong babaeng makakita rito siguradong lalaglag ang panty nito.
Parang ako. Nasilayan ko lang siya ngayon feeling ko malalaglag na ang panty ko!
Gaga! Tiyuhin mo yan. Sabi ng kabilang utak ko.
Wait na recognize niya bang ako? Si Annie? No! Dapat hindi niya ako makilala kaya inilihis ko ang mukha ko ng konti para di niya makita ang face ko. Buti na lang nakasuot ako ng cap. Kaya di masyado pansinin ang mukha ko.
Napansin ko napakunot siya ng noo.
Tapos bumalik sa cellphone niya.
May dinayal siya.
"Ate maureen, yes ..oo pasensiya na. Kamo andyan na ako. May inasikaso lang ako sandali kaya na-late. Dito na ako sa elevator paakyat na....okay bye... thanks!"
Bigla ng bumukas ang elevator. Nasa 45th floor na. Hindi pa ako tumitinag sa kinatatayuan ko. Feeling ko nakapako na ako dun.
Bigla siyang nagsalita. Nagulat ako.
"Miss, hindi ka pa ba lalabas?"
Umiling lang ako. Tapos pinindot ko ang 46th button. Bago pa man magsara ang elevator ay nagmadali na siyang lumabas kasi nakaharang ang maleta ko. Napatingin pa siya sa akin. Pero iniwas ko ang mukha ko. Tapos nagsara na ang elevator. Napabuntong hininga ako ng makalabas na siya.
Naku, naku, naku! Si Tito Isaiah nga. Ano ang gagawin ko? Si mama ang kausap niya kanina sa phone. Ginawa kong pamaypay ang kamay ko dahil kinapos talaga ako ng hangin. Pagdating ng 46th floor. Hindi na ako lumabas. Pinindot ko na lang ang ground floor. Lalabas na lang ako ng hotel. Dapat pala hindi na ako dumeretso dito. Hindi ko alam na nandito siya. Baka siya ang sinasabi ni mama na special guest. Pagkababa sa ground floor, palabas palang ako ng elevator nakasalubong ko si papa.
Una hindi ko pa siya nakita. Siya ang nakapansin sa akin.
"Annie?!"
"---Pa?!" Nagulat ako ng makita ko siya.
"---Annie, iha you're here! Akala namin hindi ka makakauwe."
Bigla niya ako niyakap.
"I miss you anak."
"I miss you too, Pa."
"O, saan ka pupunta galing ka na ba ng 45th floor?"
Umiling ako.
"O, di halika na. Magugulat sila na andito ka. Lalo na ang Tito Isaiah mo. He is the one who prepared all this celebration."
Pinindot niya na ang 45th floor button. Wala na talaga akong kawala. "Hindi ba nakakahiya , Pa. Hindi man lang ako nakabihis? Tsaka ano ginagawa niyo dito sa baba, di ba dapat nasa taas kayo?"
"Okay lang ang suot mo, anak. Ang importante nandito ka at nakarating ka. Haiz pano nainip ako sa taas. Nag-yosi muna ako. Tapos nag message ang mama mo nandyan na daw si Isaiah kaya bumalik na ako."
Lalo akong kinabahan ng palapit na ng palapit sa 45th floor.
Para akong maiihi sa nerbiyos.
Tinulungan ako ni papa sa maleta ko paglabas namin sa elevator.
Paglabas namin, maririnig ang boses ng isang lalaki. Nag-sasalita sa mikropono. Na-recognize ko agad ang boses. Si Tito Isaiah.
Pagpasok namin ni papa. Walang nakapansin kasi nakatingin lahat kay Tito habang nagsasalita. Tsaka sa likod na table na kami pumuwesto ng upo ni papa. Kaya hindi kami masyado napansin. Tsaka medyo dim ang ilaw. kaya nakatutok lang ang spotlight kay Tito sa stage habang nagsasalita.
Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya dahil panay kabog ng dibdib ko.
Hindi ako mapakali. Nagpalakpakan ang mga tao sa loob. Si papa naman tumayo pa at sumigaw ng "Bravo, Bravo!" Tapos ang lakas ng palakpak niya. Nagsalita ng salamat si Tito Isaiah sa kanya kaya ang spotlight at tumapat sa amin. Ang mga paningin ng tao ay lumipat sa kinaroroonan namin. Bigla ko tinakpan ang mukha ko dahil nasilaw ako sa ilaw.
Narinig ko na lang ang boses ni mama.
"Annie?! Anak ikaw ba yan?" Sigaw ni mama.
Sinugundahan pa ni papa.
"Yes, Annie is here. We are all surprise, akala natin di siya darating" Kaya nagpalakpakan ang mga kaanak namin na nadoroon.
Lalong tinutok sa akin ang spotlight. Kaya kinubli ko talaga ang mukha ko. Kung sino man yang nag-ooperate ng spotlight na iyan bugbog sarado sa akin yan.
Napasulyap ako sa gilid ng aking mga mata sa kinaroroonan ni Tito Isaiah. Nakita ko ang pananabik sa mga mata niya. Kaya bumaba siya ng stage at halos kasabay niya si mama naglakad papunta sa akin.
Kaso nauna si mama at niyakap ako.
"Oh, anak ko kala ay hindi ka na makakarating...." Tsaka hinalikan ako ng hinalikan sa pisngi.
Tahimik lang si Tito sa likod ni mama. Napansin ko biglang nagdilim ang pagmumukha niya. Nakatitig lang siya akin. Expected ko yayakapin niya rin ako pero hindi. Casual lang siya nagsalita.
"Thank God you're here, Annie." Yun lang tapos tumalikod na siya. Nagsibalikan na lahat sa kaniya kaniyang upuan tapos tinuloy na ni Tito ang kaniyang speech.
Pagkatapos nun nagpaalam na siyang umalis. Nagpaalam na siya kela mama and papa at sa ibang kamag-anak. Ako iniiwas ko ang tumingin sa kaniya. Hindi na rin siya lumapit sa akin.