Chapter 4

1067 Words
LABING LIMANG TAON na ang nakalipas wala akong balita sa kaniya. Sinearch ko na ang f*******: wala akong makitang mukha niya. Isaiah Casaberde ang pangalan niya. May lumalabas na mga kapangalan niya pero pag tinignan ko yong profile picture hindi siya. Naalala ko lang kasi. Nakita ko kasi itong teddy bear na binigay niya sa akin. Day-off ko kasi ngayon. kaya naglinis ako ng apartment ko. Dito na ako sa maynila nagtatrabaho bilang isang EMT or Paramedic. Limang taon din akong hindi nakauwe. Kasi after ng mag-graduate ako lumuwas ako ng maynila para maghanap ng trabaho. Ang hirap. Pero carry lang. Gusto ko kasi in action yong trabaho. Ewan ko ba at may kumislot sa dibdib ko nang maalala ko siya. Pero mali. Kaya ako na ang umiwas. Bata pa kasi ang isip ko noon. Ano ba alam ko sa pagmamahal. Binuksan ko ang box na may laman ng card sa loob. Nakita ko ang 2x2 picture niya. Tinago ko. Kasi noong naglinis si Lola Trina doon sa kwarto niya. Nakita ko ang mga winawalis ni Lola. Nakita ko ang picture niya kaya dinampot ko. Hindi kasi nakita ni lola. Kaya tinago ko. Siguro hanggang dito na lang ang paghanga ko sa kaniya. Patago. Inaamin ko, He is my secret love. He is my secret love! Ako lang naman nakakalam nun. Kaya nga secret. Marami din naman nanliligaw sa akin. Kaya sinubukan ko naman na makipag date sa kanila. Kaso naboboring ako. Ewan ko ba kung ano pa ba ang hanap ko sa lalaki. Nasa tamang edad naman ako para mag boyfriend. Gusto nga ni mama mag-asawa na ako, e. Kasi mag 25 na ako bukas pero wala pa akong seryosong relationship. Fling-fling lang. Pero syempre hindi ko sinusuko ang bataan ko sa kanila, no.? Para lang to sa lalaking mahal ko. Ang tanong para sa kaniya ba? Sumisigaw kasi ang puso ko na para kay Tito Isaiah. Pero ang bahagi ng utak ko tutol dahil Mali. Mali. Mali! Kaya nanggigigil ako bakit siya pa? Baka may asawa na iyon. O, baka may mga anak na din. Pinapanalangin ko na sana hindi na mag krus ang landas namin. Dahil baka magkita kami mabaliw ako! Katatapos ko lang maglinis, nagring ang phone ko. Si mama. Nagrerequest ng videocall. Kaya sinagot ko. "Hi, anak kumusta? Naku birthday mo na bukas. Kala ko ba magli-leave ka sa work? Ano, uuwe ka ba sa reunion natin?" " Ma, hindi pa sure e. Baka hindi umabot. Nakaraan pa ako nag file. Kaya baka hindi na ako maka attend ng reunion." "Naku sayang naman meron pa naman tayong special guest. Nandoon lahat ng mga kamag-anak natin." "Anong special guest? Artista ba yan?" Pang-asar kong tanong sa mama ko. "Hindi ko alam secret nga daw, e." "Itsura may pa secret, secret pa. O, sige na hindi ko alam kung makakauwe ako diyan sa probinsya." "Sayang nga anak parang sabay na din sa celebration ng birthday mo." "Huwag mo na alalahanin ang birthday ko, ma. Matatapos din naman iyon." "Okay, siya, sige na. Magpahinga ka na at alam kong pagod ka naglinis diyan." "Okay, ma. Bye!" At inoff ko na yong tawag niya. Sakto naman na biglang nag message ang HR. Kaya binasa ko. What?! Naku, pinayagan na ako mag-leave. Kaso ang unang araw ng leave ko sakto naman sa araw ng reunion. Naku tignan ko nga kung may flight na available sa araw na iyon na mas maaga. Check ko ang mga available flights. Sh*t! Wala na. Merong isa pero gabi na ang dating. Alas 8:30 na ng gabi ang dating. Sino pa ang magsusundo sa akin ng ganoong oras lahat ay nasa reunion na. Bahala na kunin ko na nga lang to. Medyo may kamahalan na rin ang ticket. Importante makauwe ako at maka-attend ng reunion. Sila ngayon sosorpresahin ko. Ha,ha,ha! ISAIAH'S POV Matagal din pala akong hindi nakauwe dito sa probinsya. Malaki na din ang pinag-asenso ng Roxas. Haiz! Sarap ng feeling. After nitong reunion akyat ako sa bukid. Na-miss ko din sa bukid. Iba pa rin ang probinsya. Maganda din tong hotel na to, a. Bagong tayo lang. Ako lang naman ang architech nito. Hanggang 60th floor. Buti na lang kaibigan ko ang mga investor's nito. Tok, tok, tok! May kumakatok sa harap ng suite ko. Hindi pa ako nakapag-ayos, baka sila mama at papa na siguro ito . Binuksan ko ang pinto. "Anak, hindi ka pa nakabihis?" Tanong ni papa. "Di pa, Pa. Siguro mauna na kayo sa buffet. Sunod na ako." Lumabas na ang mga ito. Matanda na sila. Parang kailan lang. Salamat sa kanila. Kung hindi sa kanila hindi ko marating kung ano meron ako ngayon. Hindi nila ako pinabayaan. Kaya tama lang nagantihan ko sila sa kanilang kabaitan at pag-aruga sa akin. This is it! That is why I organize this reunion para sa pamilyang naging parte ng buhay ko. Mga kamag-anak na naging sandalan ko. Biglang naalala ko si Annie. Kumusta na kaya ang batang yon? Siguro dalaga na. Baka may boyfriend na. O, kaya baka may asawa na. Matampuhin talaga ang batang iyon. Hindi ko siya ma search sa f*******:. Last three weeks ko lang naman kasi nakita ulit si Ate Maureen. Kaya kinuha ko agad ang f*******: account niya. Tapos nag-kwentuhan. Hanggang napunta sa reunion ang usapan namin. Account naman kasi ni Ate Maureen naka-lock. Kaya hindi ko makita mga friends niya. Nahiya naman akong hingin ang f*******: account ni Annie. At nahihiya din akong magtanong tungkol kay Annie. Di bale magkikita na naman kami mamaya sa reunion aasarin ko ang batang iyon. Napapangiti ako pag naalala kong lagi siyang nakasimangot. Siguro iba na ang itsura niya. Hindi ko na talaga siya nakita simula pa ng nag graduate ako ng college. Ramdam kong iniiwasan ako ng batang iyon. Nagtatampo ata sa akin. Ewan ko ba at bigla ako nanabik na makita siya. Ding! May message ako. Si Ate maureen. "Hi Isaiah, naku, bad news! Hindi matutuloy ng uwe si Annie. Baka hindi na daw siya payagan." Nadismaya ako ng mabasa ko ang message ni Ate Maureen. Sayang Birthday pa naman niya nong isang araw. And this reunion is also a celebration for her birthday. Pinaghandaan ko pa naman to para sa kaniya. To surprise her. Siguro ay kitain ko na lang siya sa maynila. Tumayo na ako para maligo at magbihis. And I need to check kung okay na lahat para sa party mamaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD