Chapter 3

1018 Words
KINALINGUHAN nagyaya sina mama ata papa na mag family bonding kami sa mall. Nanood kami ng sine. Kaso nakakaboring naman yong pinanood namin. Si papa lang ang nag-enjoy nanood. Nagyaya sina mama at ate na mag cr. Kaya sumama na ako. Mahaba din ang pila sa cr. Buti nakapag-cr naman kami agad. Paglabas ay may nabangga akong babae. Na naglalakad may nakaakbay na lalaki rito. Di ko kasi siya napansin dahil inaayos ko ang sinturon ko. "Aray! Ano ba?! Tignan mo nga ang dinadaanan mo!" Anito. "Ay, sorry po, hindi ko po sinasadya...." Nagulat ako ng mamukhaan ko ang babae. Kahit siya ay nagulat ng makita din ako. Si Betty. Yong babaeng dinala ni Tito sa bahay nila Lolo. Tapos tinignan niya ako ng matalim. Tapos inismiran niya ako. Di ba kaibigan siya ni Tito Isaiah? Kaibigan ba o girlfriend? Ma-confirm ko nga kay Tito. Kasi may kasama siyang ibang lalaki tapos nakaakbay pa sa kanya. Napansin ni Ate Trixie na may tinitignan ako. "Sino ba iyon?" "A, e wala. Saan na si mama?" "Ayun, halika na." Gabi na din ng makauwe kami. Sa labas na kami kumain mag-pamilya. Tapos nag-take out na din kami ng pagkain para kay Tito Isaiah, baka daw kasi hindi pa kumain yon sabi ni mama. Hindi pa rin kasi nakakauwe sila Lolo Kanor at Lola Trina. Nagpapagawa daw kasi si Lolo ng bahay sa bukid. Inutusan na naman ako ni mama na ihatid yong binili naming pagkain para kay Tito. Kumatok ako sa pintuan. Nagulat ako ng ang nabukas ay si Betty. Kumunot ang noo ko. Tapos nagulat ako ng nakasuot ito ng T-shirt ni Tito. Tapos naka-panty lang siya. Nakangiti ito sa akin na parang ngiting nang-aasar. Tapos bumungad din si Tito. Wala siyang damit pang taas. Pero naka-pants naman siya. Napansin ko ang butones ng pantalon niya na hindi nakasara. "----Annie?! Binigay ko sa kaniya ang balot ng pagkain. Pagkaabot niya ay kumaripas na ako ng takbo. "Annie!, sandali!" Tawag ni Tito. Pero hindi ko na siya nilingon. Pagkapasok sa bahay. Napaiyak ako. Ewan ko kung bakit. Ni-lock ko na ang pinto. Buti walang tao sa sala. Tapos madilim na din. Kaya walang nakakaalam na umiyak ako. Deretso na ako sa kwarto ko. Magkahiwalay kami ng silid ng ate ko. Kaya umiyak ako ng umiyak. Ano ba ang nagyayari sa akin. Hindi ko rin alam. Basta naiinis ako! Ilang araw ako hindi nagpapakita kay Tito. Ilang beses na siyang pumunta sa bahay. Iniiwasan ko siya. Araw, lingo at buwan ang lumipas. Hindi ako nagpapakita sa kaniya. Hanggang sa dumating ang araw ng graduation niya. Narinig ko sa sala na magcecelebrate kami magkakaanak after ng graduation ceremony niya. Narinig ko hinahanap niya ako. "----Nandun sa kwarto nagkukulong, may ginagawa ata ayaw magpa istorbo." Tapos tuloy ang usapan nila. Nandun din kasi sila Lolo Inoh at Lola Ganda, kakaluwas din nila. Dahil aattend sila ng Graduation ni Tito Isaiah. Dumating ang araw ng graduation ni Tito. Hindi ako nakasama dahil nilagnat ako. Kasama ko sa bahay si Ate Lucy ang katulong namin. Nag-aaral siya dito sa siyudad. Nag-aaral siya ng high school. Kamag- anak din namin. Gabi na ng umuwe sina mama, papa, ate trixie, lolo kanor, lola trina at tito at tita ko din na kapatid ni mama. tsaka mga pinsan ko. Hindi na nila kasama sina Lolo Inoh, Lola Ganda at si Tito Isaiah. Dahil dumeretso na ng ang uwe ng bukid. Kinuha na nga daw ang ibang gamit ni Tito. Nalungkot ako nang marinig ko kay mama. Dahil hinatid niya sa akin ang isang regalo. Galing kay Tito Isaiah. Isang box ng chocolate at may maliit na teddy bear na kulay pink na may pangalang Annie. "Okay ka lang ba anak. Wala ka na bang lagnat?" Tumango lang ako. "Kumain ka na ba, para makainom ka na ng gamot." "Tapos na, ma. Pinakain at pinainom na ako ng gamot ni Ate Lucy." "Okay, sige magpahinga ka na." Pagkalabas ni mama ay tinignan ko ulit ang box. Pagbukas ko ng box ay may maliit na card. Binuksan ko ito at binasa ko yong nilalaman ng card. "How's my favorite niece? Get well soon! I will see you. Love, Tito Isaiah. Nalungkot ako. Napaluha ako. Na-miss ko siya. Bakit ganun sa murang edad kong ito. Hindi na bumalik si Tito dito sa bahay nila Lolo Kanor. Lagi akong nakaabang sa terrace namin baka bumalik siya. Pero hindi. Isang araw may bisita si Lolo Kanor. Si Lola Ganda. Kaya pumunta ako sa bahay nila Lolo para makiisyuso. "Annie, kumusta?" Sabi ni Lola Ganda. Tumangkad ka na a. Nag bless ako sa kamay niya. Dahil yun naman ang nakaugalian. "Okay, lang po ako lola." Tapos nginitian ako. Nagsalita si Lolo kanor. "Kailan ang alis ni Isaiah?" Tanong ni lolo. "Baka sa makalawa. Doon na daw siya maghahanap ng trabaho sa maynila. Kaya ako na ang pumunta rito para kunin ang ilang gamit niya. Baka hindi na siya makadaan dito. Salamat Kanor sa lahat." Tumango lang si lolo at ngumiti. Sa narinig ko ay para akong binuhusan ng malamig na tubig sa katawan. Aalis si TIto? Umuwe ako sa bahay na nakatulala. Derederetso ako sa kwarto ko at nagkulong ako maghapon. Taon ang lumipas, narinig ko sa usapan nila mama na si Tito Isaiah ay nakapag trabaho na daw bilang Architect sa isang magandang kumpanya sa maynila. Nakapagpatayo na nga daw ng magandang bahay sa bukid sila Lolo Inoh. Lumipas pa ang mga taon...nakasaganap na naman ng balita sila mama kay Lola Ganda. Nasa abroad na daw si Tito. Nasa South Korea. Meron silang pinag-uusapan tungkol kay Tito kaya nga nasa Korea ito. Hindi ko na narinig yong ibang usapan nila kasi ang ingay ng mga na-vivideoke na kapitbahay. Uso na kasi cellphone nun. Narinig ko na lang na plano daw ni Tito na mag put up ng business ng Furnitures. Dahil isa naman sa mga hilig niya gawin. Naalala ko nga sabi niya noon. "Pag ako magnenegosyo gusto ko real estate tapos furnitures...." Nakatulala lang kami nun sa kaniya. Kasi bata pa kami wala pa kami alam sa mga plano niya sa buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD