ANNIE'S POV Napabalikwas ako nang marinig ang sunod-sunod na tunog ng cellphone ko. Agad kong kinuha ito at napakunot-noo nang makita ang pangalan ni Riza sa screen. "Annie! Magbakasyon tayo sa probinsya n’yo! Ang tagal ko nang gustong pumunta dun!" Napailing ako. Biglaan naman yata. Si Riza talaga, mahilig sa biglaang trip. "Ha? Bakit naman biglaang lakad?" tanong ko habang tumayo at tinungo ang bintana. "Wala lang! Gusto ko lang mag-relax. Tsaka, bagay din sa’yo. Parang ang dami mong iniisip lately." Natahimik ako. Hindi ko man aminin, alam kong may punto siya. Huminga ako nang malalim bago sumagot. "Sige… Kailangan ko rin ng break." Halos mabingi ako sa hiyaw niya sa kabilang linya. "Yes! Ako na bahala sa lahat! Kasama si Mark." Pagkatapos naming mag-usap, nag message ako kela

