Anino ng nakaraan

268 Words
wasak ang mundo ni Gina—iniwan siya ng kanyang long-time boyfriend para sa sarili niyang bestfriend. Sa gitna ng matinding sakit at kalasingan, nagkamali siya ng isang gabing hindi na niya mababawi—isang one-night stand sa isang lalaking hindi niya man lang nakilala. Ang lalaking iyon ay si Adrian Cortez—isang makapangyarihan at kilalang CEO ng isang nangungunang cellphone company, na hindi niya akalaing muling tatawid sa landas ng kanyang buhay. Dala ang hiya, takot, at isang lihim na tuluyang magbabago sa kanyang kapalaran, pinili ni Gina na lumayo at magsimula muli sa Amerika—habang tinatago ang katotohanang siya ay buntis. Sa loob ng limang taon, pinutol niya ang koneksyon sa kanyang pamilya, pilit tinatakasan ang nakaraan. Ngunit isang tawag ang muling magbabalik sa kanya sa Pilipinas—ikakasal na ang kanyang ate, at kailangan niyang umuwi bilang bridesmaid. Ngunit sa kanyang pagbabalik, guguho ang lahat ng kanyang itinago. Dahil ang lalaking pakakasalan ng kanyang ate ay walang iba kundi si Adrian Cortez—ang estrangherong minsan niyang nakasama… at ang ama ng kanyang anak. Sa muling pagtatagpo, haharap si Gina sa isang lalaking hindi lamang makapangyarihan sa mundo ng negosyo, kundi may kakayahang wasakin o iligtas ang kanyang lihim. Habang unti-unting nabubunyag ang katotohanan, mas lalong umiigting ang tensyon sa pagitan ng tama at damdamin. Pipiliin ba niyang ipaglaban ang katotohanan kahit kapalit ang pamilya? O mananatili siyang tahimik habang unti-unting nawawala ang lalaking maaaring nag-iisang nakatadhana para sa kanya? Sa pagitan ng kapangyarihan, pag-ibig, at kasinungalingan—hanggang saan ang kaya niyang isakripisyo para sa isang lihim na matagal na niyang tinatago?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD