CHAPTER 1: THE SECOND COMING

202 Words
December 24, 2025 10:02 PM • Eastwood City, Quezon City Sampung taon ang lumipas. Parehong gabi. Parehong panahon. Si Timothy "Timmy" Chua, labindalawang taong gulang, ay natagpuan ng kanyang yaya na nakabitin sa walk-in closet ng kanyang bedroom. Parehong estilo—leather belt, walang struggle, may suicide note. "Sorry po, Ma. Sorry po, Pa. Sana po magkabati na kayo ulit." Pero may tatlong bagay na iba: 1. May purple ribbon na nakatali sa sintas 2. Amoy champaca flower at kemikal 3. Nakasuot si Timmy ng damit na pang-Cristmas party—isang Rudolph the Red-Nosed Reindeer costume December 26, 2025 • SJS CDC Headquarters "Coincidence? I think not!" sabi ni Detective Leumas Nugas na may bara-barang tono. "Ang mga multo ng nakaraan ay bumalik para maningil ng utang." Tumayo siya sa harap ng evidence board, ang kanyang mga mata ay nakatitig sa mga larawan ng dalawang bata. Parehong nakangiti sa kanilang school pictures. Parehong may future na ninakaw. "Boss," ani Detective Bhie Inson, "ang QC PD ay ayaw buksan ulit 'yung 2015 case. Sabi nila, isolated incident lang daw itong kay Timmy." "Then we shall make them see the pattern!" sagot ni Nugas. "The universe does not create such perfect symmetry without intention."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD