December 27, 2025
9:15 AM • Chua Residence
Ang mga magulang ni Timmy ay hindi naniniwala sa nangyari. Hindi nila matanggap ang nangyari sa kanilang.Naikuwento nila kay detective Leumas Nugas buong pangyayari bago nangyari ang incidente,tahimik lamang si Detective Bhie Inson habang isinusulat sa kanyang hawak na note pad ang importeng detalye na sinasabi ng mga magulang ng biktima.
"Detective," pakiusap ni Mr. Chua, "ang anak ko... mahilig 'yan sa Minecraft! Hindi niya alam kung paano mag-tie ng proper knot! At bakit naman siya magsu-suicide? Number one siya sa klase! May bagong iPhone!"
Dinala ni Bhie Inson ang attention niya sa closet. "Sir, napansin niyo ba... ang knot? It's a double bowline with a Spanish hitch. Hindi ito kayang gawin ng ordinaryong bata. Ito ay... sophisticated."
11:30 AM • Evidence Room
"Leumas," tawag ni Bhie, "tingnan mo 'to." kaagad namang tumugon si Leumas at pinagmasdan nitong mabuti ang execution ng naturang katibayan na ito ay hindi sinadyang crime sa halip ay isa itong kaso ng emotional distress.
Inabot niya ang dalawang suicide note—isang kay Migs Santos noong 2015, at isang kay Timmy Chua ngayong 2025.
"Pareho ang font style. Pareho ang spacing. Pareho ang margin measurements."
Napatigil si Leumas Nugas. "Computer-generated. Printed. Not handwritten."