January 24, 2026
6:45 AM • San Beda College, Manila
Isang security guard ang natagpuang nanginginig sa harap ng Grade 5 classroom.
Si Carlos "Caloy" Dimaguiba, siyam na taong gulang, ay nakabitin sa flagpole—gamit ang sintas ng kanyang bagong sapatos. Parehong leather belt. Parehong purple ribbon. Parehong amoy champaca.
Ang suicide note ay nakapaskil sa bulletin board:
"Mama, Papa, wag na kayong mag-away. Masaya na ako dito."
8:15 AM • SJS CDC Office
"Three victims. Three different cities. Ten years apart, then one month apart," enumerado ni Leumas. "Our killer is accelerating." at sa kanyang palagay ay parang naghihintay ang isa pang angel
na muling umatake.
Biglang dumating ang isang email sa encrypted server nila. Ang subject line ay simple:
"12 ANGELS FOR THE NEW YEAR"
At ang attachment ay isang countdown timer—nakalagay ay "334 days, 7 hours, 12 minutes" para itong ticking bomb na anumang Oras ay maaaring mag explode sa isang maling hakbang lamang.
Bumaba ang lamig sa katawan ni Bhie. "Leumas... may mga lihim na sumusubaybay sa atin." nalilitong sapantaha ni Bhie.
Tumingin si Leumas Nugas sa malayo. "No, Bhie. He is not watching us. He is inviting us to his game. And we have less than a year to stop him before he completes his collection."