January 2, 2026 | 5:30 PM
Crematorium, Manila
Dumating sina Leumas at Bhie sa crematorium kung saan sinunog ang katawan ni Dr. Javier. Ang manager ay naghanap ng records para sa kanila.
"Detective, according to our records, may isang lalaki na monthly dumadalaw sa urn ni Dr. Javier. Palaging gabi. At... palagi siyang nag-iiwan ng purple flower."
"Purple flower?" tanong ni Bhie.
"Oo. Champaca."
Napatingin si Leumas kay Bhie. "So confirmed - siya ang killer."
"May CCTV footage ba kayo?" tanong ni Bhie.
"Meron. Pero... palagi siyang naka-mask at cap. Though... may isang beses na nakita namin ang kanyang sasakyan. White van. Parehong description sa mga nakakita kay Justin.
7:15 PM
The Urn Room
Pumasok sina Leumas at Bhie sa room kung saan naka-display ang urn ni Dr. Javier. At doon, nakita nila ang isang maliit na envelope na may purple ribbon.
"Leumas, tingnan mo," sabi ni Bhie.
Binuksan nila ang envelope. May laman na old photograph - isang batang lalaki na may Dr. Javier. At sa likod, nakasulat:
"My father's only mistake was caring too much. Now I continue his work - saving children from parents who care too little."
At may kasamang key - parang key sa safety deposit box.
9:00 PM
Bank Investigation
Dinala nila ang key sa pinakamalapit na bank. Ito ay para sa isang safety deposit box sa Bank of Philippine Islands.
"Detective, according to our records, ang safety deposit box na ito ay under the name of Gabriel Javier. Son of Dr. Roberto Javier."
"Gabriel Javier..." bulong ni Leumas. "So 'yun ang pangalan ng killer."
09999
Binuksan nila ang safety deposit box. May laman na:
· Old journals ni Dr. Javier
· Photographs ng mga bata
· At isang listahan ng mga pangalan - kasama ang mga magulang ng mga biktima
"Leumas, tingnan mo 'to," sabi ni Bhie. May naka-attach na note:
"The sixth clue: Find where my father and I first met. Where he told me I was his son. You have 36 hours."
---
10:45 PM
Psychological Profile
"Bhie," sabi ni Leumas habang binabasa ang journals, "si Dr. Javier ay may illegitimate son kay isang estudyante. Pinanganak noong 1995. At... inampon siya ng ibang pamilya."
"So si Gabriel Javier ay lumaki na hindi alam kung sino ang tunay niyang ama?" tanong ni Bhie.
"Oo. At nang malaman niya, patay na ang kanyang ama. Kaya naghihiganti siya sa mga magulang na nagpasaya sa kanyang ama."
"Pero bakit mga bata ang target? Bakit hindi diretso sa mga magulang?"
"Kasi..." sagot ni Leumas, "gusto niyang iparanas sa mga magulang ang sakit na naranasan niya - ang mawalan ng mahal sa buhay dahil sa kanilang mga pagkakamali."
---
January 3, 2026 | 12:30 AM
The Killer's Lair
Si Gabriel Javier ay nakaupo sa harap ng computer, nanonood ng progress nina Leumas. Ngumiti siya.
"Malapit na, Father. Malapit na silang malaman ang katotohanan. At malapit na ring matapos ang aking misyon."
Tiningnan niya si Justin, na ngayon ay naka-sedate na. "Bukas, anak. Bukas ay malaya ka na."
---
2:15 AM
The Meeting Place
Sa journals, nalaman nina Leumas na unang nagkita sina Dr. Javier at Gabriel sa isang orphanage sa Mandaluyong - ang mismo orphanage kung saan pinalaki si Gabriel.
Dumating sila sa abandonadong orphanage. At doon, nakita nila ang sixth clue - isang old computer na naka-on.
At sa screen, may live feed - si Justin, nakatali, at humihingi ng tulong.
"Detective Nugas," lumabas ang boses ni Gabriel sa speakers, "nandito si Justin. May 24 hours na lang. Ang huling clue: Hanapin kung saan ko unang na-realize na kailangan kong iligtas ang mga bata. Kung hindi ninyo ako mahahanap sa loob ng 24 hours... si Justin ang magiging sixth angel."
---
4:00 AM
The Realization
"Leumas," sabi ni Bhie, "alam na natin ang identity niya. Alam na natin ang motivation niya. Pero... saan siya nag-decision na gawin ito?"
Tiningnan ni Leumas ang journals. May entry about a specific incident - noong 2015, isang batang lalaki ang nagpakamatay dahil sa family problems. At ang magulang ng batang iyon ay isa sa mga nag-accuse kay Dr. Javier.
"Bhie... nandito. Noong 2015, namatay ang isang bata - si Miguelito Santos. Iyon ang trigger. Doon niya na-realize na kailangan niyang 'magligtas' ng mga bata."
"So... simula pa noong 2015, nagpa-plan na siya?" tanong ni Bhie.
"Oo. At ngayon... binibigyan niya ng 'justice' ang kanyang ama sa kanyang sariling twisted way."
---
6:00 AM
The Countdown
23 hours na lang.
Si Leumas ay nakatitig sa larawan ni Gabriel Javier mula sa kanyang student ID noong 2012.
"Bhie, kailangan nating hanapin kung saan niya ginagawa ang lahat. At kailangan nating gawin ito ng mabilis."
"Leumas," sabi ni Bhie, "may nakalimutan tayo. Ang champaca flowers. Saan siya kumukuha ng champaca?"
Biglang may naalala si Leumas. "Sa journal... may farm ang pamilya ng ina ni Gabriel sa Laguna. Doon tumutubo ang champaca."
"Gideon!" tawag ni Leumas sa phone, "i-search mo ang mga farm sa Laguna na may champaca flowers! At i-cross reference sa pangalan ng ina ni Gabriel!”