CHAPTER 11: THE SIXTH ANGEL FLIGHT

1602 Words
January 3, 2026 | 6:30 AM Old Farmhouse in Laguna "Team Alpha, nandito na kami," bulong ni Leumas sa kanyang comms. Pumapasok ang lamig ng umaga sa kanyang katawan, pero mas nanunuot ang kaba sa dibdib niya. "Team Bravo, handa na," sagot ni Bhie mula sa kabilang side. "Nandiyan ang white van sa backyard. Parehong sasakyan nang huling namataan na sinakyan ni Justin." Ang halimuyak ng Champaca flowers ay sumasayaw sa hangin - isang amoy na pumupuno sa kanilang paligid. 6:45 AM The Last Instructions "Makinig kayong mabuti," mahinahon ngunit firm na sabi ni Leumas sa assault team. "Priority natin si Justin Torres. Sampung taong gulang, huling suot ay blue pajamas nang ma-kidnap. Ang suspect ay si Gabriel Javier, posibleng armado at delikado. May history sa paggamit ng kemikal." Si Sergeant Reyes ng SWAT team ay tumango. "Sabay tayong papasok sa main at back doors. Non-lethal force kung kaya, pero unahin natin ang bata." 7:00 AM The Assault started "GO! GO! GO!" Bumagsak ang pangunahing pinto. Pumasok ang team sa malamig at madilim na farmhouse. "Living area clear!" "Kitchen clear!" "North hallway clear!" Gumana ang malakas na pakiramdam ni detective Nugas, Animoy isang patak ng tubig na tumama sa malalim na Balon. Bigla ay may narinig si Leumas - ang pamilyar na tunog ng electric fan. Galing sa maliit na kwarto sa dulo. "Bhie, naroon!" tawag ni Leumas, parang humihinto ang puso niya. 7:04 AM The Haunting Discovery Sapilitan nilang binuksan ang isa pang pinto. At doon, nakita nila ang eksenang magpapabago sa kanilang buong buhay. Si Justin. Nakabitin sa kisame gamit ang leather belt. Ang kanyang katawan ay umiindayog nang dahan-dahan sa ilalim ng umiikot na electric fan. Nakasuot siya ng bagong school uniform - puting polo, khaki pants, at sapatos na sinadyang pakintabin na parang papasok sa paaralan. Ipinagayak siya ni Gabriel para sa kanyang "huling paglipad." Pero ito ang mga detalye na mananatili sa kanilang alaala magpakailanman: · Sariwang purple champaca flower sa breast pocket · Purple ribbon na nakatali sa belt buckle · Payapang mukha, parang mahimbing na natutulog · At ang amoy... ang nakakalunod na halo ng champaca at kemikal "JUSTIN! DIYOS KO! JUSTIN!" sigaw ni Leumas na parang nawawalan ng ulirat. 7:05 AM The Last thread of hope Dali-daling kinuha ni Leumas ang isang lumang upuan na inosenteng nakasandal sa dingding at agad nitong kinalag ang sintas. Mabagal at banayad na bumaba ang katawan ni Justin parang nahuhulog na anghel. "Medic! KAILANGAN NAMIN NG MEDIC!" hiyaw ni Bhie, narinig iyon ng buong TEAM. Iniangat ni Leumas ang bata sa sahig, niyakap ang malamig na katawan. "Justin, anak... gising... please... tulong, may doctor ba dito!" Pero ramdam na ramdam niya ang rigor mortis. Wala nang pulso. Wala nang hininga. Sarado na ang mga mata magpakailanman. 7:07 AM. The Last hope failed Si Bhie ay napaluhod sa tabi nila, nanginginig ang mga kamay habang sinusubukan mag-CPR. "Justin, baby, laban... please laban... isa... dalawa... tatlo... huminga ka, baby, please huminga..." Pero alam na niyang wala na. Ang luha ay gumuhong parang baha. "Leumas... wala na... patay na siya..." Umupo si Leumas sa sahig, kinuha ang katawan ni Justin, at niyakap ito nang mahigpit. Ang kanyang mga balikat ay nanginginig sa pag-iyak. "Pasensya na... pasensya na, anak... huli na naman kami... palagi na lang kaming huli..." 7:10 AM The Team's Trauma Ang mga miyembro ng SWAT team - mga lalaking sanay sa karahasan at kamatayan - ay nabigla sa doorway. Si Sergeant Reyes ay natulala, nakataas parin ang kanyang baril. "Diyos ko... napaka bata pa... nakasuot pa ng uniform..." Ang isang rookie officer ay lumabas at sumuka sa hallway. Ang isa pa ay umiiyak nang tahimik habang nagdarasal. 7:12 AM The Painful Letter Napansin ni Bhie ang sobre sa ilalim ng desk. Binuksan niya ito gamit ang gloved hands. Ang laman ay sulat kamay ni Justin: "Mahal kong Mama at Papa, Alam kong mahal na mahal ninyo ako. Kaya ito ang desisyon ko. Ayoko nang mag-away kayo palagi. Ayoko nang maging pabigat. Sabi ni Kuya Gabriel, minsan ang pinakamatapang na magagawa ng bata ay palayain ang magulang niya. Alam kong mas magiging masaya kayo kapag wala na ako. Tulad noong wala pa ako sa mundo. Binihisan ako ni Kuya Gabriel ng school uniform para magmukha akong presentable sa huling paglipad ko. Wag ninyong sisihin ang sarili ninyo. Ito ang choice ko. Ang huling regalo ko sa inyo. Please, magkabalikan na kayo. Magmahalan kayo ulit. Para sa akin. Mahal na mahal ko kayo. - Justin Torres P.S. Ngayon, magkakaroon na kayo ng time para sa isa't isa." 7:15 AM Mensahe ni Gabriel Biglang nag-on ang monitor sa sulok. Si Gabriel, naka-mask, ay nakangiti. "Detective Nugas, Detective Inson... congratulations. Nahanap ninyo siya. O dapat kong sabihin, nahanap ninyo kung ano ang pinili niyang maging." Parang guro ang boses niya. "Hindi ito pagpatay. Ito ay kaliwanagan. Ipinagayak ko siya ng school uniform para magmukha siyang presentable sa kanyang paglipad. Hindi ko pinatay si Justin - ipinakita ko sa kanya ang katotohanan. Na ang kanyang pag-iral ang pinagmumulan ng kalungkutan ng magulang niya. At sa pamamagitan ng matapang na hakbang na ito, naging kaligtasan niya sila." "Ang kanyang kamatayan ay magliligtas ng mas maraming pamilya kaysa sa buhay mo, Detective. Tandaan mo 'yan." 7:20 AM The Next Event Dinala nila ang katawan ni Justin sa ambulance. Walang sirena. Walang pagmamadali. Isang malungkot na prusisyon na parang libing. Si Leumas ay nakaupo sa police car, nakatitig sa wala. Ang amoy ni Justin - ng champaca at kemikal - ay nanatili sa kanyang uniporme. Sa isip niya, paulit-ulit na nagpe-play ang imahe ng umiindayog na bata sa kanyang school uniform. 7:45 AM Justin's Parents Arrival Dumating ang mag-asawang Torres. Hiwalay sila - si Aling Maria sa isang patrol car, si Ginoong Torres sa isa pa. "Nasaan ang anak ko? Justin! JUSTIN!" iyak ni Aling Maria nang makita ang body bag. Si Bhie ang humarap sa kanila, magang-maga ang mata sa pag-iyak. "Ma'am... sir... ginawa namin ang lahat..." "BAKIT? BAKIT?" tanong ni Ginoong Torres. "Bakit nakasuot pa ng school uniform ang anak ko Justin? anak ko..." Nanlumo si Mr. Torres pagkakita sa anak na wala ng buhay, dinadagukan pa niya ang kanyang dibdib habang siya ay tila nagpapaliwanag sa mga naroroon, " kailan lang nag text si Justin sa akin, sabi niya papa hindi ka pa ba uuwi gusto kong kumain ng ice cream na kasama ka at ni mama gaya ng dati...pero sabi ko saka nalang busy pa ako..." Ang sisi ay parang bala sa kanilang dibdib. Bumagsak si Aling Maria sa lupa, ang kanyang mga hiyaw ay parang kulog. "Anak ko! Justin! Diyos ko! Justin! gumising ka!" Bawat palahaw ni Aling Maria ay parang balaraw na tumatama sa puso ng mga naroroon. 8:00 AM The Leak Videos Habang ginagawa ang crime scene processing, may nahanap si Gideon na video file sa computer ni Gabriel. Naka-schedule i-upload sa social media. At eksaktong 8:15 ng umaga, habang kumakalat ang balita, lumabas ang video ni Gabriel: "Sa buong Pilipinas," simula niya. "Ito si Justin Torres. Ang batang nagmahal sa magulang niya nang husto para palayain sila. Ipinagayak ko siya ng school uniform para magmukha siyang presentable sa kanyang paglipad papunta sa langit. Ilang Justin ang nandiyan sa inyong bahay ngayon? Ilang bata ang umiiyak nang tahimik habang kayo ay nagce-cellphone?" "Bigo ang sistema. Bigo ang mga magulang. Ako ay nagbibigay lang ng boses sa mga batang ito. At minsan... ang boses na 'yon ay kailangang magsalita sa pamamagitan ng sakripisyo." 8:30 AM The Country's Awaken Ang video ay kumalat na parang apoy sa mga tuyong dahon.Na-interrupt ang regular programming ng TV. Sumambulat ito sa social media. Mga magulang sa buong bansa: · Tumawag sa mga anak habang nasa trabaho · Nag-cancel ng meetings para sunduin sa school ang kanilang mga anak · Nag-deactivate ng social media · Nag-usap sa dinner table sa unang pagkakataon sa matagal na panahon Naging number one trending ang hashtag #JustinsWakeUpCall. 9:00 AM Back in Headquarters Sa headquarters, si Leumas ay nakatitig sa anim na larawan sa evidence board. Anim na anghel. Anim na kabiguan. "Bhie," paos ang boses buhat sa pagdadalamhati, "ilang beses... parang segundo lang... bakit palagi tayong nahuhuli?" "Kasi maling kalaban ang pinaglalaban natin, Leumas," sagot ni Bhie na may bagong determinasyon sa mata. "Si Gabriel ay sintomas lang. Ang tunay na sakit... nasa bawat bahay kung saan ang bata ay nag-iisa sa crowd." Tumango si Leumas. "Palitan natin ang strategy. Labanan natin ang sakit, hindi lang ang sintomas." 10:00 AM The Vacant Seat Ipinadala nina Leumas at Bhie ang mga gamit ni Justin sa magulang niya. Kasama ang diary na nagsasabi: "Mahal na Diary, Sana magkabalikan na sila Mama at Papa. Kahit wala na ako, okay lang. Basta sila, masaya." Sa hapunan ng pamilya Torres, bakante ang upuan ni Justin. Naka-set pa rin ang plato niya. Ang kanyang mga magulang ay nakaupo sa magkabilang dulo ng mahabang mesa, mag-isa sa kanilang shared na guilt. "Maria," bulong ni Ginoong Torres, "kailangan nating magbago. Para kay Justin." Tumango si Aling Maria, ang luha niya ay pumatak sa walang lamang plato. 11:00 PM Gabriel's Next Move Habang nagluluksa ang buong bansa, si Gabriel ay nasa bagong hideout. Tiningnan niya ang listahan. Anim pang pangalan. "Justin," bulong niya sa empty room, "ikaw ang sakripisyong gumising sa bansa. Pero may mga batang kailangan pa ng liberation. May mga pamilyang kailangan pa magising." Binuksan niya ang laptop at nagsimulang mag-type: "Mahal na Detective Nugas, Ang paglipad ni Justin sa langit ay kailangan.Pero may anim pang anghel na naghihintay ng pakpak. Anim pang pamilyang kailangan ding gumising." "Patuloy ang laro. Pero ngayon... buong bansa ang nakamasid.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD