CHAPTER 8: THE DIGITAL GHOST

728 Words
January 1, 2026 | 8:00 AM SJS CDC Headquarters "Nakuha ko na!" sigaw ni Gideon. "Ang file ay nagsi-reveal ng location kung saan ginawa ang MathMasters app - isang co-working space sa BGC. Pero... wala na raw doon ang tenant." "Anong pangalan ng company?" tanong ni Leumas. "DreamWeaver Digital Solutions. Pero ang registered owner... si Elena Santos." Napatigil si Leumas. "Santos? Katulad ng unang biktima?" "Oo. At... patay na si Elena Santos noong 2017. Identity theft." "Galing," sabi ni Bhie. "Ginamit ang pangalan ng patay para hindi ma-trace." 10:15 AM BGC Co-Working Space Ang co-working space ay moderno at puno ng mga startup companies. Ngunit ang unit 7B, kung saan nag-operate ang DreamWeaver Digital, ay bakante na. "Mr. Nugas," sabi ng building manager, "ang tenant ng 7B ay nagbayad ng cash advance para sa isang taon. Palagi lang siyang nag-o-online meeting. Hindi ko mismo nakita ang itsura niya." "May CCTV ba kayo?" tanong ni Bhie. "Meron. Pero... palagi siyang nakamask at cap. At palaging gabi dumadating." Tiningnan ni Leumas ang unit. Malinis, walang fingerprint, walang personal na gamit. Parang multo ang pumunta rito. 12:30 PM The Second Clue Habang nasa co-working space, biglang may tumawag kay Leumas. Parehong boses. "Detective, nasa tamang lugar kayo. Pero huli na kayo ng dalawang buwan. Ang ikalawang clue ay nakatago sa pinakamahalagang lugar para kay Miguelito." "Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ni Leumas. "Hanapin niyo ang lugar kung saan siya tunay na masaya." Agad na naalala ni Leumas ang sinabi ng ina ni Migs - may maliit na garden sa likod ng bahay nila kung saan tumutubo ang champaca. 2:00 PM Santos Residence - Backyard Ang garden ni Migs ay well-maintained pa rin ng kanyang mga magulang. Mga halaman ng champaca, rosal, at ilang herbs ang maayos na nakahanay. "Leumas, tingnan mo 'to," tawag ni Bhie. May maliit na purple ribbon na nakatali sa isang champaca plant. At may nakakabit na maliit na USB drive. "Ang galing," bulong ni Leumas. "Alam niyang babalikan natin ito." 3:45 PM Tech Lab Nilagay ni Gideon ang USB drive sa secure na computer. May iisang file lang - isang video. At sa video... nakita nila ang totoong Angel Maker. Naka-mask pa rin, ngunit makikita ang mga mata - matalim, malamig, at puno ng determinasyon. "Congratulations, Detectives. Nahanap ninyo ang pangalawang clue. Ngayon, hayaan ninyong ipaliwanag ko ang aking misyon." "Hindi ako killer. Ako ay liberator. Inililigtas ko ang mga batang ito mula sa emotional torture na hindi nila deserve." "Bawat bata ay may karapatang maging masaya. At kung hindi nila makamtan iyon sa buhay na ito, ibibigay ko sa kanila ang kapayapaan sa susunod." "Ang susunod na clue ay makikita sa lugar kung saan unang nagkita ang mga magulang ni Timmy Chua. At may deadline kayo - 48 oras. Kapag hindi ninyo nahanap... may isa na namang anghel ang lilipad." 5:30 PM Profile Analysis "Leumas," sabi ni Bhie, "ang killer na ito... highly intelligent. May background sa technology, psychology, at forensics. At... may personal connection sa bawat biktima." "Oo," sagot ni Leumas. "Parang... may galit siya sa mga magulang na negligent. O kaya... may personal na trauma related sa childhood neglect." "At ang pinakanakakatakot," dagdag ni Bhie, "ay para siyang nagsasagawa ng social experiment. Ginagawa niyang laboratoryo ang buong Kamaynilaan." 7:00 PM The Race Against Time "Gideon, i-trace ang lahat ng possible connection between the victims' parents," utos ni Leumas. "Bhie, tawagan mo ang mga magulang ni Timmy - tanungin mo kung saan sila unang nagkita." Habang naghihintay, biglang may dumating na alert sa system. "Boss," sabi ni Gideon, "may na-hack tayong database. May kumuha ng files tungkol sa... sa childhood mo, Leumas." Tiningnan ni Leumas ang kanyang computer. May nag-log in sa kanyang personal email - at may nag-download ng files tungkol sa kanyang kapatid na namatay noong bata pa dahil sa neglect. "Bhie..." nanginginig ang boses ni Leumas, "alam niya ang tungkol kay Adrian." "Sinong Adrian?" "Ang kapatid ko. Namatay noong 1998. Akala ng lahat, aksidente. Pero... neglect din ang tunay na dahilan." 9:15 PM The Killer's Message Biglang nag-pop-up ang message sa lahat ng screen sa headquarters: "Detective Nugas, alam ko ang iyong sikreto. Alam kong bakit ka nagiging detective. Ikaw at ako... hindi magkalayo. Pareho tayong may mga sugat na hindi nagagamot. Ang pagkakaiba lang... ako ay handa nang mag-operate." "48 oras na lang, Detective. Magkita na lang tayo sa dulo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD