LMA 01:
•Third Person•
Walang sapin ang paa niya habang naglalakad patungo sa bintana ng kanyang kwarto. Nasa ikaapat na palapag siya ng kanilang mansyon, at dala niya ang kumot para gamitin itong lubid pababa. She's a modern Rapunzel, hindi nga lang mahaba ang buhok niya pero katulad ni Rapunzel ay hindi rin siya nakakalabas ng mansyon.
Sikat na sikat ang pamilyang Fontanilla dahil sa kayamanan ng pamilya nila. Kaya minsanan lang siyang pinapalabas ng kanyang mga magulang dahil sa banta sa kanyang buhay.
Napailing siya at tiningnan ang lugar kung saan siya babagsak mamaya, kinuha niya muna ang litrato ng lalaking hinahangaan niya at hinalikan iyon.
"Makikita na rin kita Prince charming ko, may naisip na rin akong gawin para mapasaakin ka," saad nito.
Namumula pa ang pisngi dahil kilig na nararamdaman.
--
"Nana Lourdes, alam niyo po ba what is the secret to make your relationship last matagal po?"
Tumawa ang kasambahay nila nang marinig ang pagtatagalog ng amo, matagal na nitong ini-ensayo ang dila para hindi masamang pakinggan ang pagsasalita nito ngunit hindi pa rin nito iyon nababago.
"Don't laugh, Nana. Hindi po ako marunong but I love to speak tagalog po. Someday I'll be more fluent"
Tumigil naman sa pagtawa ang ginang at tinuro ang anak nito na si Fiona, na ngumingiti rin habang nakatingin sa kanila na nag-uusap. Lumapit siya kay Fiona at tinaas ang dalawang kilay para kumbinsihin ang kasambahay na sabihin sa kaniya ang sagot.
"So alam mo ba 'yun, Ate Fiona?"
Slang pa rin ang pagsasalita nito ngunit naiintindihan naman ng dalaga. Pumalakpak siya at mabilis na pinaupo ito sa katabi na upuan, iniwan naman kaagad sila ni Nana Lourdes para makapag-usap ng maayos.
"Bakit may mahal ka ba? Hindi ka naman nakakalabas ng bahay, ah? Pero kung mayroon sasabihin ko sayo pakainin mo lang ng hilaw na pagkain! Tiyak di na 'yan aalis sa tabi mo!"
Kumunot ang noo niya at tiningnan si Fiona, nakakaintindi siya ng tagalog pero hindi niya naiintindihan ang gusto nitong sabihin. Hinawakan nito ang kamay niya at ngumuso, tiningnan naman niya ang tinuturo nito.
"Like fruits po?" sambit niya nang makita ang mansanas na nakapatong sa binti niya.
Tinawanan siya ng kasambahay sabay iling, para ipahiwatig na mali ang sinabi niya. She bite her index finger while thinking about the answer.
"23 ka pa lang, Lady Yue, at hindi ka man lang nakakalabas sa mansyon ninyo para makipaghalubilo sa mga tao."
Doina pouted her lips, and give Fiona a puppy look. Lahat ng tao sa mansyon ay ito ang kahinaan, nanggigigil sila sa tuwing nagpapa-cute na ang amo. Kinurot muna ni Fiona ang pisngi ng dalaga at kinuha ang cellphone sa bulsa. Break time niya kaya pwede siyang gumamit ng cellphone.
"What app is this? What's that, ate? Oh! My gosh my eyes!" nagtitiling saad ng dalaga.
Napailing si Fiona nang makita ang amo na nagtakip ng mata. Inosente talaga ito sa lahat ng bagay, kaya napakahirap kapag nag-iisa lang ito.
"Ang bad po, ate. They don't have any clothes po ba?"
Natawa naman kaagad ang kasambahay sa sinabi niya, tinuturo pa nito ang isang book cover na tinatakpan lamang ng kamay ng lalaki ang dibdib ng babae.
"Book cover 'yan, Lady Yue, at dapat na basahin mo muna to para malaman mo ang tungkol sa pag-ibig."
Nagdikit ang dalawang kilay ng dalaga at umiling, wala itong cellphone dahil hindi ito pinapayagan ng ama. Puro libro at kung may laptop man ay para lang rin sa mga negosyo na dapat niyang aralin.
"But I don't have cellphone po ate," malungkot na saad ni Doina.
Inilahad nito ang cellphone sa kanya, nagtataka naman niya itong tinitigan. Kung papahiramin siya nito ay di niya pa rin alam kung paano iyon gagamitin.
"You want me to use that thing po?"
Tumango naman kaagad sa kanya ang kasambahay, nagpasalamat siya at kinuha nalang iyon.
"I'll give it back to you if I'm done na po. Huwag kang mag-alala, Ate Fiona, di ko po to sisirain. Promise."
Ginulo lang nito ang buhok niya at nagpaalam na sa kanya para bumalik sa trabaho. Pumunta naman siya kaagad sa kwarto niya para magbasa ng sinasabi nito.
"Ah, ah? Bakit nila sinasabi 'yan? This is weird I can't picture out-oh! She said he enter her v*gina. Nagkasya ba siya sa loob ng girl? Oh my gosh."
Naitapon ng dalaga ang cellphone na hawak at hinawakan ang dibdib. Kinakabahan siya sa mga binabasa niya.
"Ganoon ba 'yun? Dapat ba talagang pumasok sa loob?" tanong niya sa sarili at tumingin sa salamin, matangkad siya at sa mga nababasa niya ay mas matangkad pa ang mga lalaki.
Tiningnan niya ang hita niya at nagdikit na naman ang noo niya sa mga ideyang pumapasok sa kanyang isipan.
"I don't think so. A huge man will enter her body? Woah! Ito ba ang sinasabi ni Ate Fiona? Pero hindi naman kakainin 'yun but he will enter, hmm. Aish I don't care, Leandro Trayne De Silva wait for me!"
-
Kinuha niya ang bag na tanging pera lamang ang laman. She asked for her dad a large amount of money. Binigyan naman siya nito ng five hundred thousand cash, dahil aalis ang mga magulang niya patungong Spain ay pinagbigyan na siya nito.
Binigyan din siya ng black card para magamit daw niya pang shopping, iniwan niya lang sa kama ang card para di malaman ng ama niya kung saan siya pupunta.
"Ate Fiona, bilis!"
Hawak kamay silang dalawa na umalis ng mansyon na walang nakakaalam.
-
Napatakip si Doina ng kanyang tenga nang marinig ang sigawan at malakas na musika sa loob ng club. Hindi siya sanay sa ganoong lugar ngunit kailangan niyang akitin ang lalaking matagal na niyang pinapantasya.
Isang linggo na silang nasa Pilipinas at dahil naiinip na siya kakahintay na mag cross ang landas nila ng binata ay siya na mismo ang gumawa ng paraan. Katulad sa nabasa niyang eksena sa libro ay lumapit siya sa lalaking umiinom sa may bar accounter.
Pinaglandas niya ang kamay sa likuran nito, ramdam naman niya ang reaksyon ng katawan nito sa ginawa niya. Lumapad ang ngisi sa magandang mukha ng dalaga, at humarap sa lalaki.
"Hi! Do you want to have a hot night with me right now?"
Parang may sariling utak ang labi niya nang bigla nalang itong magsalita, nang makita ang gwapong mukha ng binata. Madilim ang mukha na tumingin sa kanya ang lalaki bago sinuri ang kabuuan niya. Napalunok siya sa ginawa nito, nahihiya na tuloy siyang ipagpatuloy ang ginagawa.
"Oh, I'm sorry. I thought you-"
Natigil ang sasabihin niya nang hinawakan ng lalaki ang kamay niya at pinaupo siya sa kandungan nito. Ramdam niya ang pag-iinit ng katawan dahil sa ginawa nito, nanginig siya nang marinig ang makalaglag panty nitong boses.
"Uggh, I love the sound of your bowses." Tumawa ang binata sa narinig.
"Your voice give me a hard on, darling."
Magsasalita pa sana ang dalaga nang maramdaman niya ang pagdikit ng labi ni Trayne sa kanyang tenga. Nanindig ang balahibo niya, ito ang unang lalaki na gumawa noon sa kanya.
Hindi siya nakapagsalita at hinayaan na lamang ito na gawin ang gusto nito sa katawan niya, katulad ng nabasa niya ay naglandas ang kamay nito sa kanyang katawan tila ba may hinahanap roon.
"Let's go."
Nanlaki ang mata niya nang marinig ang baritonong boses nito. Gusto niyang pigilan ang sarili ngunit nakita na lang niya ang sarili na nasa loob na ng kotse nito.
--
Kakarating pa lang nila sa condo ay sinunggaban na kaagad ni Trayne ang labi niya, para itong mauubusan ng pagkain sa marahas na paghalik sa kanya. Tinulak niya ito saglit dahil hindi siya makahinga sa ginawa nito.
"F*ck why?"
Naiinis ba ito dahil tinulak niya? tinaas muna niya ang kamay dahil akmang lalapit na naman ito sa kanya, ngunit di niya ito napigilan na hapitin ang bewang niya at ipalapit ang katawan dito.
"I don't know how to kiss, I me--"
Inilagay nito ang kamay sa kanyang labi, pinipisil iyon tila ba tinutukso siya. Nang umalis ito roon ay agad niya itong hinabol, narinig naman niya ang nakakabighaning tawa ng lalaki kaya tiningala niya ito. Nagtama ang paningin nila, itim ang kulay ng mata nito na sumasalamin sa kulay asul niyang mata. Kinagat niya ang labi nang di na niya makaya ang mga titig nito.
"Move your lips and kiss me lady"
Di pa siya nakakasagot nang inangkin na naman nito ang labi niya, para siyang mahihimatay sa ginawa nito. Nag-iinit ang katawan niya, lalo na at hinalikan na siya ni Trayne sa may leeg. He kiss, suck and licked her neck, hindi niya alam kung ano ang gagawin napakapit siya sa matitipunong braso ng binata nang akala niya mawawalan siya ng balanse.
"Hmm, this thing feel weird. I't give me chills and satisfaction than the books I read."
Lalayo na sana siya dito nang bigla siyang buhatin ng lalaki. Muntikan na siyang napasigaw sa ginawa, ngunit nang makita niya ang ngisi sa gwapong mukha nito ay natameme siya.
"I'm not yet done with you, darling."
Napalunok ang dalaga at nagpaubaya na lamang dito kung saan man siya nito dadalhin. Heaven, maybe? Nabasa niya iyon.