LMA 12:

1057 Words
•Trayne• Marahan kung kinapa ang nasa gilid ng aking kama, nang hindi ko mahanap si Yue ay kaagad akong nagmulat ako ng aking mata at inikot ang paningin sa buong kwarto. "Yue?" tawag ko sa pangalan nito. Ngunit walang Yue na sumagot sa akin. Mabilis akong tumayo sa kama at isinuot ang boxer at T-shirt na nakakalat sa sahig. Iniisip ko ang kalagayan ni Yue ngayon, lalo na at ako ang nakauna sa kanya. Paglabas ko ng kwarta ay kaagad akong nakaamoy ng nasusunog. Kumunot ang aking noo habang naglalakad patungong kusina. "Yue? What happen?" I asked. Tipid niya akong nginitian bago malakas na umiyak. "Why are you crying, baby? Nasaktan ka ba?" Kaagad ko siyang nilapitan at niyakap. Hinaplos ko na rin ang kanyang likod para pakalmahin siya. Baka napaso ito habang may niluluto o nasugatan dahil sa paggamit ng kutsilyo. "Trayne, iyong hotdog..." Suminok ito kaya napatigil siya sa pag-iyak. Inayos ko siya sa pag-upo at tiningnan ang kanyang mukha na hilam sa luha at pawis. "Iyong hotdog. Sinunog ng apoy while I'm cooking." Kung hindi lang ito umiiyak ay tiyak kong matatawa na ako sa sinabi nito. Kasalanan pa ng apoy na nasunog iyong hotdog? Hinalikan ko na lang siya sa noo at pinatayo. Iginiya ko siya patungo sa may niluluto niya at tiningnan iyon. Napangiwi ako nang makita ang sobrang itim na hotdog na naroroon. "Do you want me to teach you how to cook?" Nakita ko ang pag-kagat niya sa kanyang pang-ibabang labi bago tumango. "Stop biting your lips, baby." Matiim ko siyang tinitigan. Pinipilit na pakalmahin ang sarili ko at baka may mangyari sa amin dito sa kusina. Ayaw kong biglain si Yue, lalo na at alam kong naninibago pa ito. "Why? Am I ugly?" tanong niya, ang kainosentihan nito ay halata sa kanyang mukha at tono ng kanyang pananalita. Umiling ako at hinawakan ang kanyang panga. "You look so fine, baby." "Then, why—" "This..." Putol ko sa kanyang sasabihin at inangkin na ang kanyang malambot na labi. Napangiti ako nang bigla nitong hinampas ang dibdib ko at namumulang tumingin sa malayo. "Hindi ba masyadong maaga para sa se—" Pinitik ko ang kanyang noo at inakbayan siya. "Akala ko mahihiya ka sa ginagawa natin—hahahaha." Malakas akong napatawa nang marinig ang nagrereklamong tunog ng kanyang tiyan. "Why are you laughing? I'm hungry nga kasi." Kinurot ko lang ang kanyang pisngi at pumunta na sa refrigerator. Kinuha ko roon ang hotdog at bacon. Pagkatapos ay bumalik na ulit ako sa tabi niya at kinuha ang kawaling may sunog na hotdog. Inilagay ko iyon saglit at kumuha ng panibago. Nagsisimula na akong magluto nang maramdaman ko ang pagyakap nito sa aking likod. Pangarap ko lang 'to dati at sa ibang babae sa bestfriend ko. Hindi ko aakalain na matutupad ko nga ito sa babaeng estranghero para sa akin. "Ang bango naman," Marahan akong natawa nang ipinasok nito ang kanyang ulo sa aking kaliwang braso. Naiipit tuloy ang mukha nito sa gitna ng aking braso at kili-kili. "Mas may balak ka pa yatang singhutin ako kaysa matutong magluto." Mahina itong humagikhik habang tumatango. Kinurot ko ang kanyang ilong bago ibinalik ang pokus sa pagluluto. "May pupuntahan ka ba ngayon?" "Pupunta kami ni Ate Fiona sa may patag. Ikaw may work ka ba ngayon?" tanong nito sa akin. "Kung wala pwede kang sumama sa amin." "Wala akong trabaho mamaya. Sasamahan ko kayo," sagot ko at pinatay na ang apoy. Ipinaghain ko na rin siya para hindi na siya masyadong nag-gagalaw. "But I think you should rest, Yue. Wala bang masakit sa iyo ngayon?" Namula na naman ito sa tanong ko at tiningnan ang kanyang paa. "May problema ba?" "Okay lang naman ako, Trayne..." Tumigil ito saglit at kumain ng hotdog. "I'm shy." Hinalikan ko lang ang kanyang pisngi at nagsimula na ring kumain. — "Tahanan ko, smile!" Napangiti ako nang tumuon sa akin ang kanyang camera. "Ang ganda mo," I mouthed. Maganda na si Yue pero mas gumanda ito ngayon lalo na at iniihip ng hangin ang kanyang mahabang buhok at kumikinang iyon sa tama ng sinag ng araw. "Am I your ideal?" tanong niya habang malapad na nakangiti. Napatigil ako roon lalo na at alam ko sa sarili ko na si Lilac ang ideal type ko. "I'm joking. Ano ba namang mukha iyan!" "Yue, halika rito—" "Chase me!" Natawa ako sa sinabi niya at tiningnan ang mga taong nanunuod sa amin. "Trayne, dali!" Seryoso akong tao. Ayaw ko sa mga taong isip-bata pero sa tuwing kasama ko si Yue, parang may ibang ako na lumalabas ng kusa. Hindi ko alam pero sumasabay na lamang ako sa mga gusto nito. Wala na akong pakialam kung anuman ang isipin ng iba. Basta makita ko itong nakangiti at masaya ay buo na ako. "Yue, stop running baka may mangyaring masama sa'yo," usal ko. Hindi ko alam kung wala ba itong sakit na nararamdaman o iniinda lamang nito iyon. Hahabulin ko na sana siya nang biglang may tumawag sa akin. Kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa at sinagot iyon. "Rey? May problema ba?" tanong ko rito. Hindi naman ito tumatawag sa akin kapag day off ko. "May importanteng kliyente ba na dumating?" Importanteng kliyente—sila iyong mga kliyente na dumaan na sa akin, ngunit nagkaroon ng problema sa kabilang panig. "Sir, si Mr. Sanchez. Gusto niya daw po kayong kausapin." Kumunot ang aking noo sa narinig mula sa kanya. "Anong kailangan niya?" mahina kong tanong, bago ibinaling kay Yue ang paningin. Kasama na nito ngayon si Fiona at patuloy pa rin sa pagkuha ng litrato. "Hindi ba pwedeng ipagbukas na lang iyan?" "Sa inyo niya lang po sasabihin ang problema. Pero tungkol daw po ito sa kabilang panig." Napabuntong-hininga ako at nagpaalam na sa kanya. Mabilis akong naglakad patungo kay Yue at niyakap ito sa kanyang likuran. "Problem?" agarang tanong niya. "Kailangan kong pumunta sa office may importanteng kliyente ang dumating." Umikot ito at tiningnan ako sa mga mata. "Iuuwi ko na ba kayong dalawa o dito lang muna kayo?" "Gusto ko sanang manuod ng sunset," dismayado niyang usal. "Can I stay here?" "Sige, pero tatawagan mo ako kapag nakauwi na kayo o kung gusto mong magpasundo. Okay?" Tumango ito at hinalikan ako sa labi. Hinawakan ko naman kaagad ang bewang niya at ibinalik ang kanyang halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD