•Trayne• Nakatingin ako sa babaeng papalapit sa akin. Hiningi ko ang kamay niya noong nakaraang buwan sa kanyang mga magulang. Pumunta ako sa Australia kasama ang buong angkan ng mga De Silva. Dalawang linggo rin akong namalagi roon para kumbisihin ang kanyang ama, habang tinutulungan ito sa kanyang negosyo. Pagkatapos kong mapahanga ito ay natanggap ko rin ang matamis nilang oo. "Amg swerte naman!" Tinapik ni Caleb ang balikat ko habang nakatingin sa babaeng papalapit sa amin, kasama ang mga magulang nito. "Ang ganda ng bride—" "She's mine, Caleb. Pero hindi naman kita masisisi kong humanga ka sa kanya. Maganda talaga ang asawa ko," nakangisi kong saad at inabot na ang kamay ni Yue sa akin. "Iingatan ko po ang prinsesa niyo, Sir Fontanilla—" "Call me dad, son," natatawang saad ng ama

