bc

SHE WAS ONCE MY WIFE (Was Once Series 3)

book_age18+
798
FOLLOW
2.1K
READ
billionaire
HE
second chance
powerful
heir/heiress
blue collar
drama
bxg
campus
like
intro-logo
Blurb

GAEL FERNANDO GOZON is a man who loves his wife Freya more than himself. Even though he doesn’t have the approval of his family, he tied the knot with a woman who gives him the definition of love. To have a peaceful life with his wife, he came up with a decision to brought her to Los Angeles and start a new life.

FREYA CORAZON CORTESI is a woman  who truly support her husband. The fact that her husband fought for her means a lot to her. One thing she promised to herself, always giver her love and be the wife to him.

One day, Gael received bad news from their parents. It stated in the message that their company was in a financial crisis. His parents badly needs his help. The only thing he can do to save their company from downfall is to get marry the daughter of a well known billionaire—his ex girlfriend’s family.

Gael ignored it. He cannot give up the love of his life—his wife. But when an incident happened that involves his siblings, he was forced to change his mind. He doesn’t want them suffer because of him. He thought their fate was in his hands.

In the decision he made, he broke his wife’s heart. He didn't want to hurt her but he doesn't have a choice. He filed for a divorce and went back to the Philippines with a broken soul.

Freya was dying inside especially when her ex husband left her without saying any words. She just woke up in a cold morning alone and empty.

When Gael finally arrived in the Philippines, everything was ready for his engagement party with ex girlfriend. At that time, there was nothing he could do but do the reason why he came home—marrying the woman he no longer loved.

Will setting his ex wife free make him at peace? Or make him live miserably?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
KAGIGISING LANG NI Freya mula sa pagkatulog at parang sasabog na ang puso niya sa labis na sakit na nadarama. Huling araw na nila na magkasama ni Gael sa Los Angeles dahil babalik na ito sa pamilya nito sa Pilipinas. Nilingon niya ang lalaking mahal sa tabi niya na mahimbing pa rin na natutulog. Habang tinitignan niya ito, nagsimula ng pumatak ang luha sa mga mata niya. Nang iginiya niya ang tingin sa ibabaw ng drawer sa gilid ng mahal niya, napahawak siya sa dibdib nang makita muli ang decree absolute. Iyon ay isang kasulatan na nagpapatunay na tuluyan na silang hiwalay ng lalaking bumuo sa pagkatao niya. Umusog siya palapit sa mahal niya at niyakap niya ito nang mahigpit. Ayaw niya itong pakawalan pero buo na ang desisyon nito. Kailangan ito ng pamilya nito sa Pilipinas. Kailangan nitong magpakasal sa dating kasintahan para maisalba nito ang pamilya nito mula sa pagkalubog. Alam niyang mahal siya ni Gael. Araw-araw niyang nararamdaman iyon. Pero hindi rin magiging masaya ang asawa niya sa piling niya kung alam nito na maghihirap ang pamilya nito nang dahil dito. Ito na lang ang pag-asa ng mga ito. Bilang babaeng nagmamahal dito nang lubos, handa siyang palayain ito kahit ikadurog pa iyon ng puso niya. Nang magising si Gael sa higpit ng yakap niya, humarap ito sa kaniya. Pagkatapos, hinawakan nito ang mukha niya at marahan na pinunasan ang luha sa mga mata niya. Nang matitigan niya ang mga mata nito, napahagulgol na siya. Hindi niya lubos na maisip na sa susunod na araw ay hindi na niya muli itong makikita. “M-Mahal,” sambit ni Gael sa kaniya. Napailing siya sabay bangon sa hinihigaan niya. Pagkatapos, niyakap niya ang kaniyang mga tubod habang walang tigil sa paghagulgol. Ang sakit ng nararamdaman niya. Naninikip ang puso niya. Nahihirapan na siyang huminga. “G-Gael. M-Mahal ko,” aniya. Hindi niya ito kayang tingnan. Napabangon si Gael at niyakap siya nang mahigpit mula sa likod. Naririnig niya na rin ang paghikbi nito kaya mas dumoble ang sakit na nararamdaman sa puso niya. “K-Kaya mo ba talaga akong iwan? Gael, hindi ko alam kung paano magsisimulang muli na wala ka,” aniya. Walang tigil pa rin siya sa paghagulgol. “Isasama na lang kita sa Pilipinas. Ibabalik kita kina Mama at Papa,” sagot nito. Naramdaman niyang hinalikan siya nito sa leeg. Napailing siya. “D-Dito lang ako, Gael. Mas masasaktan lang ako kung nandoon ako. M-Mas masasaktan lang ako na makita ka na kasama ang bagong asawa mo. M-Mababaliw ako.” “Freya mahal ko, I am so sorry kung naging mahina ako. Hindi ko napanindigan ang pangako ko sa iyo, na hanggang kamatayan. . . t-tayo.” Umayos siya ng upo at hinarap ang lalaking mahal na basang-basa na rin ang mukha sa sariling luha. Habang tinitigan ito, mas nadudurog ang puso niya. Hindi niya sukat akalain na magtatapos sila sa ganoon. “Hindi ka mahina, Gael. Naging matapang ka sa desisyon mo.” “Pero iiwan kitang nasasaktan.” “Oo, masakit dito.” Napahawak siya sa dibdib niya. “Pero naintindihan kita dahil anak din ako. Kung ako ang nasa posisyon mo, I will do the same.” Kinuha nito ang mga kamay niya at hinalikan. “Freya, kapag makabangon na kami muli. Babalikan kita. Hintayin mo ako, ah?” “Paano mangyayari iyon kung sa pag-uwi mo ay may bago ka ng asawa? Ganito na lang, maging mabuti ka na lang sa kaibigan ko. Siya naman ang una mong minahal, ’di ba? Bago ako? Ganoon na lang siguro ang gawin mo. Okay lang ako rito. Magiging okay lang ako rito. Bumuo kayo ng pamilya na hindi ko naibigay sa iyo rito. Maging mabuti kang ama sa magiging anak ninyo.” Natapos niyang masabi iyon ay napatayo siya at napatakbo patungo sa kanilang balkonahe. Hindi niya na kayang magpanggap pa na ang tapang niya. Pagdating niya roon, napatingala siya sa kalangitan habang hindi maitago ang galit sa mukha niya. “Bakit Ninyo hinayaan na mangyari ito? A-Anong malaking kasalanan ang nagawa ko? B-Bakit magdudusa ako nang ganito? Makapangyarihan na nasa itaas! A-Ano ang nagawa ko!? A-Ano ang nagawa ko sa Inyo para parusahan Ninyo ako nang ganito!?” ~~~

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
96.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.8K
bc

His Obsession

read
74.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook