bc

Inlove with that criminal

book_age16+
2
FOLLOW
1K
READ
spy/agent
dark
arrogant
royalty/noble
mafia
twisted
mystery
bold
ambitious
evil
like
intro-logo
Blurb

Living in the province of La Costa is peaceful, I'm enjoying it even I'm staying behind the walls protecting the Mansion, not until...I was exposed to the truth about here.

***

This is written in mixed language such as Tagalog and English

chap-preview
Free preview
Simula
Simula A snowman in black NAKAKABAGOT, yan ang tangi kong nararamdaman dito sa loob ng bahay, hindi ako pinapayagang lumabas ng bahay, maliban saaming Hacienda na nandito lamang sa likod bahay, dahil sa mga kaaway ni Papà. Kaya ngayon? Hanggangang tingin lang ako sa magandang tanawin na masisilip mula sa aking bintana, kilala ang La Costa sa mga sikat nitong atraksyon, mula sa mga dagat hanggang sa mga kagubatan, Inggit na inggit ako sa mga bakasyonista dito, dahil nakikita nila ang magandang lugar kagaya nito. Malawak ang La Costa, hindi lang magagandang tanawin ang kilala dito maging ang mayayamang pamilya na naninirahan dito, mula sa mga Castellar, Falcon, Zalcedo, at Gerino. Halos lahat nga ng lupain dito ay pag-aari na ng mga malalaking pamilya, kabilang na ang pamilya ko. Isa akong Zalcedo, kilala ang aming pamilya dahil sa likas naming katalinuhan at malalaking hacienda at palayan. Ngunit, kahit gaano pa man kami kayaman ay hindi pa rin ako masaya, mayaman nga kami ngunit parang palagi nalang akong nag-iisa, ang mga magulang ko ay palaging inaasikaso ang mga trabaho at ako naman ay naiiwan lang dito, samantalang ang aking mga kapatid naman ay nasa ibang bansa. Pilit kong iwinaksi ang kalungkutan na aking naiisip at napagpasyahan kong bumaba na lamang para makatulong sa mga kasambahay. Pagkababa ko ng hagdan ay agad akong sinalubong ni Prima, “Clandestine! Nabalitaan mo na ba?” tanong niya saakin. “Ang alin, Prima?” kuryoso kong tanong dito. “Dadating na ang mga Castellar!” nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig mula sa kanya. “Talaga? Bakit? Madalang silang umuwi maliban na lamang kung may okasyon ang bayan.” Takhang tanong ko. “Nakalimutan mo na ba? Malapit na ang pista, at panigurado…dadating din ang iba pang pamilya.” Sabi niya habang nakakrus ang nga braso sa kanyang dibdib. Tama nga si Prima, malapit na ang pista ng bayan, at paniguradong dadating ang mga mayayamang pamilya sa La Costa, sana ay umuwi din ang aking mga kapatid. “Ang mga Gerino kaya? Dadating?” tanong ko sa kanya. Sana ay hindi. “Sana hindi, paniguradong guguluhin nanaman nila kayo.” Nalungkot ang ekspresyon naming dalawa. “Hay, tama na nga ito.” Pinilit kong alisin ang negatibong bagay sa aking isip. “Halika, magpunta tayo kila Nana Asing, tumulong nalang tayo.” Si Nana Asing ang mayordoma sa mansyon, mabait siya saamin, itinuturing niya kaming parang mga tunay na apo bagaman sya lang ang nag-iisa sa buhay. Hinanap namin sa buong mansyon si Nana Asing at natagpuan namin ito ni Prima sa likod bahay, “Nana Asing!” sabay naming sigaw ni Prima. “O, mga bata! Tamang tama ang dating niyo, nagluto ako ng meryenda.” Sabi niya at patuloy lang sa ginagawa. Lumapit kami ni Prima at habang palapit kami ay naamoy namin ang amoy ng niluluto ni Nana, “Ang bango.” Kumento ni Prima. “Oo nga, nakakagutom.” Sagot ko naman. “Aba siyempre! Ako ata ang nag luto.” Pagbibiro naman ni Nana. “Nana, may nabanggit na po ba si Papà sainyo?” tanong ko. “Tungkol saan? O heto, tikman ninyo itong niluto ko.” Tanong niya habang inaabutan kami ng niluto niyang bilo bilo. “Malapit na po kasi ang pista, nagbabakasakali lang po ako na makauwi ang mga kapatid ko.” Nakaramdam ako ng lungkot sa aking sinabi. “Nako hija, panigurado naman ay makakauwi na ang mga kapatid mo.” Sabi niya habang inililigpit ang mga pinaglutuan niya. “Pano nyo naman po nasabi?” takhang tanong ko. “Balita ko ay ipapakilala na ng Kuya Carlos mo ang kanyang mapapangasawa.” Marahang bulong niya saamin ni Prima. “Mapapangasawa?” gulat na tanong ko. “Ikakasal na si Kuya Carlos?” lumingon naman kami nang magsalita si Prima. “Parang gulat na gulat ka naman ata?” tanong ni Nana kay Prima. “Wala naman, Nana. Nakakagulat lang.” sabi niya at nagtawanan kami. Pero seryoso? Magpapakasal na si Kuya Carlos, kung gano’n ay magkakapamilya na sya, mabuti na iyon kaysa naman nilulunod niya ang sarili niya sa kanyang mga trabaho. Natapos kaming kumain ni Prima at tumulong na din kami sa pamimigay ng meryenda sa mga tauhan sa Hacienda, nang matapos naming ipamigay ang mga meryenda ay hinugasan na namin ang mga hugasin. Dumating ang araw kinabukasan, kasama ko ngayon si Prima at nandito kami sa Hacienda tumitingin ng tanim na bulaklak. “Ang ganda talaga ng mga bulaklak dito sa Hacienda ninyo, Destine.” Sabi niya habang inililibot ang paningin sa mga bulaklak. “Alagang alaga ng nga trabahador, nakakatuwa.” Kumento ko din. “Senyora! Andito pala kayo.” Ani ng isang pamilyar na boses. Nagkatinginan kaming dalawa ni Prima, “Primo!” sabay naming tawag sa kakambal niya. Tumakbo kaming dalawa papalapit sa kanya, “Kailan ka pa nakauwi? Bakit hindi mo sinabi?” sunod sunod na tanong ko sa kanya. “Kaninang umaga lang ako nakauwi galing maynila, ‘ni hindi ko nga naabutan si Prima sa bahay.” Tila ba'y nagtatampo pa nyang saad. “Kambal, palagi ko namang binabantayan si Destine kagaya ng bili—” natigil magsalita si Prima nang takpan ni Primo ang bibig niya. “Bakit?” tanong ko sa kanilang dalawa. “Namumula ang tenga mo, Primo.” Puna ko din sa tenga niya na ngayon ay kasing pula na ng kamatis. “W-Wala! Tara, maglibot libot muna tayo sa Hacienda.” Aya niya. At iyon nga ang ginawa namin, nilibot namin ang hacienda, nandito na kami ngayon sa mga alagang hayop. “Parang buntis si Mina.” Sabi ni Prima habang pinapakain ang bakang si Mina. “Ha? Oo nga ‘no?” sabi ko din nang makita kong medyo malaki ang kanyang tiyan. “Anong pinag-uusapan nyo?” tanong naman ng ngayon ay kadarating lang na si Primo. “Tignan mo si Mina, parang buntis.” Turo ni Prima. “Oo nga, sabihin natin kay Mang Kiko.” Sabi nya at umalis kami. Habang naglalakad kami papunta sa kubo ni Mang Kiko sa di kalayuan, nakita kong bumagal ang paglalakad ni Primo para makasabay saakin. “Destine.” Ani niya sa mababang boses. “Bakit, Primo?” Tanong ko sa kanya. “M-May…sasabihin sana ako—” naputol siya nang biglang sumigaw si Prima. “Ang bagal nyo naman!” sigaw niya at tumakbo kaming dalawa papalapit sa kanya. “Tss. Ang haba kasi ng binti mo.” Panguuyam naman ni Primo sa kakambal. “E ikaw nga e! Kalalaking tao ang bagal mag lakad!” asar ni Prima pabalik sa kanya. “Tama na yan! Magpaunahan nalang tayo papunta sa kubo ni Mang Kiko.” pag-aaya ko. Matagal tagal na din mula ng huli kaming mag ganito nila Prima, nang makatapos kasi kami ng highschool ay palagi na kaming busy sa kanya kanyang gawain. “Tara! Ang mahuli may tae sa puwet!” sabi ni Primo at naunang tumakbo. Tumakbo na din kami ni Prima at ngayon ay kapantay na namin si Primo ngunit mas binilisan niya pa kaya nauna ulit siya ng ilang hakbang saamin. Sa sobrang pakikipagkumpetensya ko sa kanila ay napatid ako sa isang nakausling bato kaya naman nadapa ako mabuti na lamang at hindi natamaan ang mukha ko sa pagbagsak. “Destine okay ka lang?” Natigil sa pag takbo ang kambal at alalang lumapit saakin. “A-Aray…” sabi ko habang nakaupo at tinitignan ang sugat ko sa tuhod. “Masakit ba?” tanong ni Primo habang hinihipan ang sugat ko. Habang ginagawa niya iyon ay hindi ko maiwasang titigan ang kanyang mukha, maitsura si Primo, mula sa kanyang kulay asul na mga mata at matangos na ilong, makapal ang kanyang kilay at mapula ang mga labi, ang kanyang mga panga ay tila ba'y may anggulo, bata pa lamang ako ay may pag-hanga na ako sa kanya. “O-Okay na ako…” pinilit kong tumayo. “Prima! Halika at tulungan mo akong dalhin si Destine sa Mansyon.” Sabi niya at pinagtulungan nila akong dalhin sa mansyon. Nang makarating kami sa mansyon ay sumalubong saamin si Nana Asing, “O! Jusko kayong mga bata kayo, anong nangyari?” tanong niya nang makitang may sugat ako. “Napatid lang po sa bato.” Sabi ko. “Bakit ba kasi kayo nagtatakbuhan, ang tatanda n'yo na, kung makaasta kayo ay parang mga bata.” Sermon pa ni Nana saamin habang kaming tatlo ay naka kamot lang sa aming mga batok. Nang magamot na ako sa aking sugat ay nagpasya nalang kaming magpunta sa sala para manood ng penikula, binuksan ko ang telebisyon at pinapili sila ng penikula. “Anong gusto nyon panoorin?” tanong ko sa kanila. “Horror!” sabi ni Primo. “Comedy!” sabi naman ni Prima. “Hindi pwedeng sabay.” May ibinulong si Primo kay Prima at nakita kong tumango tango si Prima, “Horror nalang!” sabi pa niya. Agad kong pinindot ang Horror movie at inilapag ang remote sa coffee table, nakaupo kami ngayon sa long sofa at kumakain ng pop corn. Maganda ang palabas habang tumatagal ay nakakatakot na itong panuorin, “Ahhh!” Napatili ako nang may biglang lumabas na jumpscare scene kaya naman napakapit ako kay Primo. Nakayakap ako sa maskuladong braso ni Primo at nakasuksok ang mukha sa likod niya nang marealize ko ang posisyon namin ay agad ako bumalikwas lalo na din at narinig kong tumikhim si Prima. “Sorry…nagulat lang.” paghingi ko ng paumanhin kay Primo. “Okay lang…kumapit ka lang sakin kapag natatakot ka.” Sabi niya. Natapos ang pinapanood namin at napagpasyahan na ding umuwi ng kambal, ngayon ay kumakain na kami ng hapunan. “Kumusta ang araw mo, Destine? Balita ko ay naaksidente ka daw sa pakikipaghabulan sa kambal.” Tanong ni Mama. “opo, pero maayos naman na po ang pakiramdam ko.” Sagot ko kay Mamà. “Mabuti naman.” Sabi niya at ipinagpatuloy ang pagkain. “Sya nga pala, Destine…anak.” Agaw ni Papà sa aking atensyon. “Ano po iyon, Papà?” “Dadalaw saatin ang mga Falcon bukas para makipag-usap tungkol sa Pista sa susunod na linggo.” “Talaga po?” “Oo, Anak. May plano ka ba para bukas?” tanong ni Mamà. “Wala naman po masyado, baka maglibot-libot lang po kami ng Kambal sa Hacienda.” Sabi ko at nginuya ang pagkain sa kutsara. “Hapon pa naman dadating ang mga Falcon bukas, May oras ka pa para maglibot.” Sabi ni Papà. “Salamat po.” Kinabukasan ay natuloy nga ang plano naming tatlo ng kambal na magpunta sa Hacienda, napagdesisyunan naming mag-picnic nalang, habang naglalatag kami ay naguusap usap kami tungkol sa pagdating ng mga Falcon mamayang hapon. “Alam mo ba, Destine? Yung pinakabatang anak ng mga Falcon ay bali balita daw na babaero.” Sabi niya saakin. “Talaga?” takhang tanong ko. “Oo, pero ang sabi e masmaitsura daw ang panganay.” Sabi pa nya. “Sinong panganay? Si Xavier?—” naputol ako nang magsalita si Primo. “Ako yung nandito pero ibang lalaki pinag-uusapan nyo, di hamak naman na mas maitsura pa ako sa mga Falcon na iyon.” Sabi niya habang magkasalubong ang mga kilay. “Seloso.” Sabi ni Prima. “Hindi ako nagseselos!” pasigaw niyang saad. “Talaga? E bakit ka sumisigaw?” tumaas ang kilay ni Prima. “Tama na yan, kumain nalang tayo, niluto ni Nana ang nga paborito nating pag-kain.” Awat ko sa kanilang dalawa. Havang kumakain kami ay hindi kami masyadong nagsasalita, ngunit binasag ni Prima ang katahimikan, “Ang sarap talaga ng luto ni Nana, pero mas masarap ako.” Nanlaki naman ang mata namin ni Primo sa narinig. “San mo natutunan yan?!” may halong pag-babantang tanong ni Primo sa kambal. Madalas man silang mag-asaran ngunit alam mong mahal nila ang isa’t isa, ayaw ni Primo na naapi si Prima para bang isa siyang sundalong handang makipag giyera para ipagtanggol ang kapatid niya, habang si Prima naman ay umaaktong parang walang pakialam ngunit maalalahanin siya para sa kapatid niya. “Madalas itong sabihin ng ibang tao sa bayan, Primo.” Sabi ni Prima sa kakambal. “Pero hindi mo dapat ginagaya ang mga bagay na ganyan.” Pikong sabi ni Primo sa kapatid. “Tama si Primo, Prima…sa pag-kakaalam ko ay malisyoso ang ibig sabihin niyan.” Gatong ko pa. “Talaga? Sorry na kambal.” Sabi niya habang nagpapacute. “Matitiis ba kita? Sige na kumain kana.” Lumambot ang ekspresyon ni Primo. Si Primo ang pinakamatanda saamin tatlo, mas matanda siya kay Prima ng tatlong minuto habang mas matanda sila saakin ng Isang linggo, kaya parang sya na din ang nakakatandang kapatid naming dalawa. Nagpatuloy kami sa pagkain hanggang dumating na ang hapon, naging abala kaming lahat, hindi na ako pinatulong ng mga kasambahay dahil ang sabi nila ay mag handa nalang daw ako para sa aking sarili. Nagsuot ako ng magaang damit, Mint Green ang kulay ng dress na suot ko at tinernohan ko ng kulay putting sinturon at sandalyas na syang bumagay sa kaputian ko. Inilugay ko ang buhok ko ay ikinulot ng bahagya ang dulo nito, hindi ako naglalagay ng mga kolorete dahil may allergy ako doon. Matagal tagal din ang pagaayos ko, alas sinko na ng hapon nang kumatok si Prima sa kwarto ko, “Destine, andyan na ang mga Falcon.” Sabi niya. “Sige, susunod na ako.” Dali dali akong bumaba at saktong naabutan ko pa si Mama at papa sa sala. “Ang ganda naman ng anak ko.” Puri ni Mamà saakin. “Aba’y syempre, mana saakin.” Sabat naman ni Papà. “Tigilan mo ako Christiano!” pag-alma naman ni Mamà. “Mà, Pà, maganda ako dahil sa inyon dalawa.” Ngumiti ako sa kanila. “Naku! Nambobola na ang dalaga ko.” Sabi ni Mamà at kinurot ng bahagya ang aking pisngi. Maya-maya lang ay pumasok na ang mga Falcon, magagara ang kanilang pananamit, nagbeso beso naman at yakapan ang mga magulang namin habang kaming tatlo ngayon: Ako at ang dalawang anak ng mga Falcon ay walang pakialam sa isa’t isa. Kung ilalarawan ko sila ay para silang mga anghel, perpekto ang pag-kakahubog ng kanilang maskuladong mga katawan at gwapo nilang mukha, nakakalunod ang mga mata nilang kulay Berde. “So…Crisia, is this my inaanak?” tanong ni tita Xaria kay Mamà. “Yes, kitang kita naman na kasing ganda ko hindi ba?” sabi ni mama at nagtawanan silang dalawa. Bumeso saakin si Tita Xaria, “Nako, ang laki mo na, hija.” Sabi niya habang tinitigan ako mula ulo hanggang paa. “Parang noon ay hanggang beywang lang kita.” Sabi niya. “By the way, these are my sons, this is Xedrick, and this is Xavier, they were your playmates, dati.” Pakilala saakin ni tita Xaria sa mga anak niya. “Hi, Clandestine.” Maliwanag na ngumiti saakin si Xedrick habang si Xavier naman ay wala man lang sinasabi. “Hello.” Sabi ko at nginitian din sya. “Nako, Hija, pasensya ka na dyan kay Xavier, masungit lang talaga iyan.” Sabi ni tita Xaria saakin at ngumiti. “Okay lang po.” Paninigurado ko sa kanya. “So? Tara na sa Dining Area, the food is ready.” Anyaya ni Mamà sa mga bisita. Unti unti nang naghulasan ang mga bisita ngunit naiwan kaming dalawa ni Xavier, nakatayo at pinagmamasadan ang mga likod ng kasama namin. I’m with a snowman in black suit. Nagulat naman ako nang bigla siyang nagsalita, “I’m Xavier.” Sabi niya. “Clandestine.” Sagot ko. His brows arched, “f**k, why aren’t you smiling how you smile to me like how you smile to my brother?” tila ba ay napikon sya at umalis at iniwan akong nalagalag ang panga sa ginawa niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Taming The Naughty Billionaire (Filipino)

read
544.4K
bc

SADISTIC PLEASURE ( Tagalog )

read
205.3K
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
548.3K
bc

The Billionaire's Maid [R18]

read
717.5K
bc

THE SACRIFICES OF A BROKENHEARTED JM MONTEMAYOR-Tagalog

read
84.4K
bc

Flame Of Lust (R-18) (Erotic Island Series #2)

read
474.8K
bc

The Escort (Tagalog)

read
180.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook