3 years later.. "Julianne Hernandez!" Agad akong napatayo sa gulat nung marinig ko ang boses na iyon na malakas na tumawag sa pangalan ko. Nanlaki ang mata ko sa nabungaran. Shit. Si Mr. Mercado! Architecture professor ko. "Natutulog ka na naman sa klase ko!!? Am i boring you, that you can't even stay awake in my class!?" I mentally face palm. 'Lagot ka na naman Julianne!' Nakangiwing tiningnan ko sya. Nanlilisik ang mga matang nakatingin lang sa akin ito ngayon. Naglalabasan din yung mga ugat nito sa leeg dahil siguro sa pagpipigil ng galit. Yung mga classmates ko tuloy pinagtatawanan yung itsura nito ngayon. Siguro kung hindi ako yung nasa sitwasyong ito ay matatawa din ako. Nakakatawa naman kasi talaga yung itsura nya. But unfortunately ako yung dahilan kung bakit sya galit kay

