"Julianne! Wer n u!? Ang tgl mo nmn gutom na ako! Bilisan mo pnta k d2 sa caf!"
Read 7:23am.
I read the text message my best friend sent me and grimace.
'I'm dead, tinawag na ako sa pangalan ko ni besh kaya naman I'm pretty sure na gutom na talaga ito and she's not kidding anymore.'
I sighed then drove faster. Well, actually palagi naman itong gutom. Napailing na lang ako. Looks like hindi rin nag breakfast sa bahay nila any babaing iyon.
Bumaba ako kay Cams, at nagmamadaling pumasok sa loob ng campus after I parked. I named my car 'Cams' since it's a Black Camaro. The car was from my grandparents and binigay ito sa akin noong 17th birthday ko. I'm pretty used to name my things and that obviously includes my car. I'm a forgetful person and maybe naging habit na lang iyon para maalala ko kung saan ko nilagay ang mga bagay bagay, I'm quite used to it by now dahil mula noong bata pa ako at ginagawa ko na iyon.
Actually, I rarely use my car kapag papasok sa school, Sobrang ingat na ingat ako sa kotse and I'm afraid na baka magasgasan pa kaya naman usually at nag c- commute lang ako. Plus baka gawin lang along school service ng magaling kong best friend na ayaw kong mangyari.
"Hi! Julianne!"
"Hey, Julianne Good morning!"
I smiled widely then waved back sa mga bumabati sa akin sa hallway. Sanay na rin ako because that's my routine for almost everyday. I'm quite friendly. At kasali rin ako sa Volleyball team ng Stanford since freshman year kaya siguro maraming nakakakilala sa akin.
Binilisan ko ang lakad nung mapansin na malapit na ako sa cafeteria, i immediately saw my best friend na nakasimangot habang nakaupo sa usual table namin doon.
'I'm dead'
Lumapit agad ako muna sa counter para mag order.
"Good Morning po manang! Limang tuna sandwich nga po tsaka dalawang bottled water!" Nakangiting bungad ko kay manang Shelley, staff dito sa cafeteria. Close kami nyan! *wink wink*
Matagal na si Manang dito sa School, 20 years na daw. Simula first year ako, sya na ang naabutan kong nagtitinda dito sa cafeteria, nakaka kwentuhan ko kasi sya, lalo na kapag may mga vacant subject ako at walang matambayan.
"Good Morning Julianne anak! Mukhang maganda ang bakasyon mo hane?" Anito habang nilalagay ang inorder ko sa isang tray.
"Syempre naman po manang, super enjoy po!" Sabi ko habang kinakalkal ang bag ko, kinuha ko doon ang isang paper bag at iniabot sa kanya,
"Tententenen! Dried mangoes po, galing Cebu!!"
"Ito talagang batang ire Oo, nag abala pa! Aba'y salamat dito hane? Tatanggapin ko na, dahil alam ko namang kukulitin mo ako ng kukulitin pag di ko kinuha"
Natawa ako sa sinabi nito, dahil tama nga naman iyon. I just love giving gifts to people kahit na walang okasyon. natutuwa kasi ako. Lalo na kapag nakikita ko yung tuwa kapag may binibigyan ako.
Pagkatapos kong bayaran ang mga binili ay nagmamadali na akong pumunta kung nasaan ang bestfriend ko.
napangiwi ako agad. Ansama kasi ng tingin nito sa akin.
'Patay! gutom na talaga to!'
Kinakabahang ngumiti ako Pagka tapat ko sa harapan nya.
"Hi! Besh! Good morning! Ang ganda ng araw noh!? Nakaka good vibes grabe!"
Nilapag ko agad ang hawak na tray sa harapan nito. I need to distract her fast!
"Besh oh sandwich! Kain na tayo!" Mula sa nakakamatay na titig nito sa akin ay Nabaling ang tingin nito sa hawak ko. pagkatapos ay ngumiti ng malawak.
I mentally rolled my eyes
'Hay bipolar talaga! Buti na lang nakalusot'
Agad nitong kinuha ang apat na sandwich at tinirahan ako ng isa.
I shook my head, habang umuupo. Inaasahan ko na kasing mangyari iyon. Buti nga tinirahan pa ako nito ngayon ng isa. palagi kasi nitong kinukuha lahat ng pagkain ko.
Mabait naman at maaasahan naman itong bestfriend ko. Wag mo nga lang tong gugutumin!
Elementary pa lang kami ay mag bestfriend na kami ni Anne. Wala akong kapatid na babae, ito naman, only child. kaya naging close kami agad. Magkasing edad lang kasi kami nito. Simula elementary classmates din kami. Nagkakasawaan na nga kami ng mukha at hindi na nagugulat kapag magka klase na naman kami the next year, which was hilarious kaya rin kilalang kilala na rin namin ang isat isa.
Parehas kaming volleyball player dito sa Stanford high, open spiker ako habang setter naman ang posisyon nito. Kaya na rin siguro palagi itong gutom dahil athlete kami, well, i would give her that. nasobrahan nga lang ito sa pagka PG. Their family is one of the most prominent clan in the country. The girl is rich, hindi nga lang halata. Puro mga matatagumpay na negosyante ang buong pamilya nila, pero lagi namang nagpapalibre ng pagkain!
After i sat there properly ay Sinabayan ko na lang din itong kumain. Gutom na ko my Gad! Naalala ko hindi pa pala ako nag b-breakfast! Kasi naman inuna ko pang pakainin si Pikachu eh.
"Beshm nashanm na nga pala yunmg pashalubong ko!" My best friend muttered habang nginunguya ang kinakain nito and I face palmed myself internally because of the sight. Gross.
'Hays Nawawalan talaga ng manners sa pagkain tong si besh kapag gutom eh'
"Nandoon sa kotse, kunin na lang natin mamaya, sigurado namang pupunta ka rin sa bahay after class para makikain eh"
"Hmmkay' tumawa lang ito and i rolled my eyes.
" Nga pala besh, nakita ko yung crush mo kanina"
Agad namang pumaling ang ulo ko mula sa pagkain ng tuna sandwich paharap sa kanya dahil doon sa sinabi nito. Ngumiti naman ito ng nakakaloko sa akin.
"Yan tayo eh, pag yung crush na yung pinag uusapan active na active!"
I pouted. Well no one can really blame me! This is understandable! Ang tagal ko nang di nakikita si Haven my labs!! sa IG at sss ko na nga lang ito nakikita dahil nga nag Holiday vacation. Sa New york ito nag spend ng Christmas and New year. Well that was based on her social media sites.
Okay. I will admit I'm stalking her sometimes— okay. all the time.
Kahit lagi akong sinusungitan nito okay lang at least sinusungitan lang! sa iba nga sobrang taray non eh. Tsaka bully din minsan.
'Teka may pinagkaiba ba ang pag susungit sa pagtataray!?' Napaisip naman tuloy ako bigla.
'Ah basta! Namimiss ko na si Haven my labs!'
"San mo sya nakita?" Agad na tanong ko sa bestfriend ko.
"Uyyy gusto malaman!!"
"Tsee!! San nga!?"
She smirk at me before she spoke.
"Dun sa may Admin office kanina, kasama friends nya, kasama din yung nakakaasar na Cindy na yun!' Anito sabay simangot
Pinsan ni Haven si Cindy. At hate na hate naman nitong bestfriend ko, ewan ko ba kung bakit ang init ng dugo nito dun sa isa, siguro dahil lagi syang inaasar, pero ayaw namang masyadong magkwento kung bakit sya inaasar Kaya hindi ko rin alam kung bakit sila ganyan!
Napatigil ako sa pag nguya at pag iisip ng mapansin kong biglang tumahimik sa loob ng cafeteria. Medyo marami na rin pala kasi ang tao dun ngayon,
'Unang araw kasi after vacation kaya siguro mga sinisipag pa magsipasok ng maaga'
" Wag ka nang lumingon, tutulo na naman yang laway mo" nakangising sabi ni Anne.
Kumunot ang noo ko 'Okay? Problema neto?'
Pinagpa tuloy ko na lang ang pagkain, gutom kaya ako. Pinagsasabi ng babaeng to? Nasapian na naman! Minsan kasi talaga kung ano ano ang pinagsasabi nyang si Anne kaya hindi na ako nagtataka! Psh.
Pero napatigil uli ako sa pag nguya nung makaamoy ako nung familiar na pabango..
Lavander..
Isa lang naman alam kong may ganong pabango.... Nanlaki ang mga mata ko ng ma realize kung sino iyon.
"Hi! Elise,Jane,Lily!"Tumingin muna sakin si Anne ng nakakaloko bago tinuloy ang pagbati sa mga tao sa likuran ko. "Oh Hi! Ms. Haven!"
Parang biglang nanigas yung leeg ko hindi ko maigalaw Shems talaga!!' Hindi ako makalingon sa likod! My Gad! Nag ka stiff neck na yata ako! Pakiramdam ko Nanlalamig na rin yung mga kamay ko.
"Bakit sakin hindi ka nag Hi?' May narinig akong nagsalita sa likuran ko, and based on her voice it's probably Cindy.
Agad na tumaas yung kilay ng bestfriend ko sa harap ko.
" Sorry i don't talk to animals, humans lang kinakausap ko!"
Nakanang ang taray ni besh!
Lumapit sa tabi nito si Cindy.
"Sus! Kunwari ka pa! Alam ko namang namiss mo lang ako Hon eh! Wag kang mag alala kahit nung nasa New york ako nandito pa rin ang puso ko sa Pilipinas! Andito ka eh!'
Kasama pala itong nagbakasyon ni Haven sa New york kung ganon.
"YUCCKKK!? EWWW tigil tigilan mo nga ako at baka maisuka ko ang kinain ko dahil sa pinagsasabi mo!" Anang Best friend ko na umakto pa talagang nasusuka.
Tumawa ng malakas si Cindy. At tila lalo namang naasar si Besh dahil doon.
"Shut it! Cindy! Just buy foods na nga lang for us! Gosh, im starving!" Saway ng boses anghel sa likuran ko.
I instantly froze on the spot. 'Jusq naman, bakit ganon!?' Lalo akong na stunned. Kahit nagpapaka bratinella na naman ito ang amo pa din ng boses!
Asan ang hustisya lord?
Nese kenye ne telege eng lehet pete eng pese ke' haha chos
Dali dali namang pumunta na sa counter si Cindy para mag order ng foods, syempre takot din ito sa reyna! Nakakatakot naman talaga si My Labs pag nagalit.
Dumaan ang reyna sa harap ko papunta sa table nila, or should i say sa "Popular table" wala kasing nangangahas na umupo doon dahil alam nilang pwesto yun ng reyna. Na Queen bee ng school at syempre Ultimate crush ko!
Haven Venice Lazaro..
Pakiramdam ko nag hugis puso yung mga mata ko pagka kita ko sa kanya, i probably resembles the actual heart eyes emoji right now!
Urgh! Si Heart kasi eh! kumakabog na naman!
TUGTUGTUGTUG
parang yung t***k ng puso ko lang yung naririnig ko,
Teka bakit naka civilian to!?
'That's the Perks being the school owner's daughter probably'
Oo nga pala anak nga pala ito ng may ari ng school. Sabagay, first day naman ngayon.
Naka black dress ito ngayon na above the knee ang haba, na talaga namang bagay na bagay dito, well, kahit naman siguro ano isuot dito babagay pa din at magmumukhang designer clothes.
Wala din itong kahit anong kolorete sa mukha ngayon. And I Instantly smiled when I noticed that. 'sa totoo lang mas bagay nga dito pag walang make up.'
"Hi! Baby Li!" Her friends all greet me habang dumadaan ang mga ito sa harapan ko. They all call me 'Baby' for some reason. Well, besides Haven of course. I didn't know kung bakit ganoon ang itinatawag ng mga Ito sa akin but I just shrugged it off.
But Baby Li!? Seriously? I will cringe every single time then laugh it off. siguro they're trying to be creative and kinuha sa Ju-LI-anne yung 'Li' which was amusing. sino kaya nakaisip noon? Sila lang kasi tumatawag sakin ng ganon.
"Hi! Guys! Kumusta vacation nyo?" Ganting bati ko naman sa mga ito, ng nakangiti. syempre labas yung cute kong dimples. 'Malay naman mapatingin yung reyna at ma inlove sa charms ko.' I grinned widely dahil sa naisip.
"Hmm Okay naman, Baby Li! Actually magkakasama kaming lahat sa N.Y dahil doon kami nagbakasyon lahat. Kasama nila Haven."
Si Elise yung sumagot. Isa din ito sa mga sikat sa school, Captain ng Cheerleading team. Maputi. Chinita. Tapos Maganda, mas maganda nga lang si my labs! Mga kaibigan sila ni Haven. Lahat sila cheerleaders.
"Ahh i see, mukha ngang nag enjoy kayo doon! Actually nakita ko yung mga pics nyo sa IG" I replied smiling. Of course hindi ko na sinabing sa IG ko yun ni Haven nakita dahil baka masabihan pa akong stalker, which is true at some point but of course Haven didn't have to know that!
"Talaga!? Baby Li!! Na---" hindi na nito naituloy ang sasabihin pa ng may kumalabog sa kabilang mesa. Of course napatingin kaming lahat doon. Nasa harapan lang kasi namin yung table nila.
And there she is. The queen. Nakaupo. At nakataas pa yung kilay samin.
I instantly grimaced dahil sa sama ng tingin nya sa akin and scratch the back of my head.
Because God. I know that she looks so mad and unapproachable but she looks so Hot at the same time! This isn't fair you know! How can she looks so damn ravishing even without make up on?
Heart, kalma muna okay? Wag masyado magpalpitate baka atakihin ako nyan ehh!
Soo ito pala yung pumalo ng malakas doon sa table, buti na lang at wala pang laman iyon. We're actually used to this kind of attitude of hers so this scene is not surprising anymore. The queen is quite moody but why on earth I still find it hot though?
"Are you guys gonna sit here ba!? Or you wanna make landian muna dyan!?" Anang reyna habang nakataas pa rin ang kilay na nakatingin sa amin. I giggled quietly dahil ang cute nitong magsalita.
"Ahh eh b-baby Li, sige punta na muna kami doon' Jane hurriedly said pagkatapos ay nagmamadaling nagsipuntahan ang mga ito doon sa kabilang table.
Naka cross arms ang reyna habang nakaupo. Magkaharapan kami kaya nagkaka eye to eye kaming dalawa. At. Nakataas pa rin ang kilay nito sa akin.
Green eyes..
And suddenly I need fresh air.
parang biglang uminit dito sa loob ng cafeteria. Gad!
Ayon sa mga reliable source ko--- since i'm her self proclaim number one fan and because she's my ultimate crush kaya nakikinig ako sa mga usapan sa campus tungkol sa kanya..
Irish yung Mom ni Haven, si Mr. Lazaro naman yung Dad naman nya ay Fil-Am pero dito sa Pilipinas lumaki.
Ganito pala ka dyosa kakalabasan pag pinaghalo halo yung mga lahing yun. Napangiti ako. Ang perfect kase ng facial features ni Haven.
Hanggang ngayon, wala pa rin akong ideya kung bakit laging mainit ang ulo sa akin ng dyosang ito. Wala naman akong ginagawa ah? Ni hindi ko nga sya magawang kausapin, dahil para akong ewan na laging kinakabahan kapag malapit sya! Yung puso ko ayaw kumalma! Hays. Sawi talaga ako pagdating sa ultimate crush ko.
Nginitian ko na lang sya. Kahit nakataas pa rin ang kilay nya sakin, 'Baka, madala sa killer smile di ba?'
Pero parang walang effect kasi inirapan pa ako lalo ng reyna.
Nakarinig ako ng tumatawa sa harapan ko. At yung walanghiyang bestfriend ko iyon! Aba't nagawa pa talaga akong pagtawanan? Tss.
"At anong tina tawa tawa mo dyan besh!?" Taas kilay kong tanong
"Pfffffffttt, ang epic kase ng itsura mo Besh eh para kang baliw dyan! Eh kung kinakausap mo kasi si Haven! Makipag kaibigan ka! Friendly ka naman diba? Hindi yung paligaw ligaw tingin ka dyan, kahit lapitan hindi mo magawa! Hay nako Besh!" Nag pause muna Ito sa pagsasalita para lang tumawa. I scoffed.
"----at tsaka besh!! May sasabihin pa ako, kaso baka hindi ka makatulog mamayang gabi sa sobrang kilig pag sinabi ko, kaya wag na lang" anito pagkatapos ay nagkikibit balikat.
Agad nanlaki ang mga mata ko doon
"Besh ano yun!!?"
"Wag na nga, ayoko sabihin!''
I frowned instantly. I'm sensing her evil motives already at alam ko na naman binabalak ng babaing ito!
"Sige na Besh, ililibre kita sa JCo mamaya!"
"Talaga besh!?" Anitong nagniningning pa ang mga mata. Habang nakangisi. Psshhh sabi na eh may binabalak to! Plano nya to! Sigurado.
"Oo na, oo na! Ano ba kasi yun!?"
Lumapit naman ito sa akin at nag aktong may ibubulong, lumapit din ako agad para madinig ang sasabihin nito. Kahit naman ganyan yan si besh reliable source yan.
"Kanina pagpasok nila Ms. Haven sa cafeteria.. Haven is looking around na parang may hinahanap... Tapos, alam mo kung kanino nag stop yung searching eyes nya?" Tinaas baba pa nito ang kilay habang tinatanong iyon. And I think I can die because of the suspense. Tssss!! Pa suspense pa tong babaing to! Nakatalikod kasi ako sa entrance ng cafeteria, si Anne yung nakaharap doon.
"KANINO!?" I impatiently asked while tapping my fingers on our table.
Nag pause muna ito para sa dramatic effect bago magsalita.
"Sayo.. Tapos ngumiti ng malawak na parang namiss ka nya.."
She paused. "Pero wag kang aasa—"
I cut her words nung ilagay ko and palad sa bibig nya para hindi na nito maituloy ang iba pang sasabihin. I can't breathe!
Natigilan ako. I think I will start to hyperventilate— no that's too dramatic but holy fudge! I'm dying!
Okay??? heart!? Kalma.
Nag breathe in breathe out exercise muna ako..
PERO HINDI KO NA KAYA!
Agad kong hinila si Besh palabas ng Cafeteria to lash out my inner fangirl bago pa mabawasan ang cool image ko sa harapan ni Haven.
This is a good day indeed.