Chapter III

3291 Words
Julianne Hernandez "Besh naman, wag mo naman masyadong lakasan yung bagsak ng pinto ni Cams!!" I shook my head a little annoyed at my best friends antics. Kakauwi lang namin galing school and of course, she decided na sumabay sa akin dahil dala ko naman daw si Cams. Usually, sa kanya kasi talaga ako sumasabay pumasok sa school kapag hindi ako nag co-commute, may driver kasi si Anne. Rich kid eh, at tsaka Isang subdivision lang rin naman kasi kami. konting kembot lang bahay na nila, kaya mas convenient talaga kung sa kanya na lang ako sasabay. After i locked my car, ay naglakad na rin ako papasok sa bahay dahil nauuna na ng konti sa akin ang kasama ko. For sure makikipag kapitbahay na naman ito dito si Besh at makikikain, hawak na rin nito yung pinangako ko sa kanyang Jco kanina. Mukhang naisahan na naman ako ah? Alam na alam talaga ng babaeng ito ang mga kahinaan ko tss, pero okay lang at least masaya ako ngayon. I smiled so widely like an awestruck fool upon remembering what happened earlier. Kahit buong araw man akong hindi pinansin ni Haven pagkatapos ng eksena sa cafeteria at ayos lang! "Sus! Masyadong mahal na mahal eh kala mo naman tao yan! Kotse lang yan!" Nandila pa ito bago pumasok ng bahay. And I instantly frowned at her childishness pagkatapos at napailing na lang. Talaga itong si Besh, nauna pa sa may ari ng bahay! Tsss sigurado nauna na rin yon sa kwarto ko... "Kamahalan gusto nyo po ng juice!? Nakakahiya naman?" pagkapasok ko ng kwarto ay nandon na nga ito. Nakaupo na agad ito at pinapaki alaman ang Xbox ko. " Sige, alipin! Orange juice ah! Ayoko ng ibang flavor! Kumuha ka na rin ng plate!" She replied. Not even looking at my direction, she's still looking for god knows what in my CD rack. "Tsss.. " "Anong hini tsss tsss mo dyan? Ahas ka ba? Pang ahas na sound yun ah!?'' Anito sabay tawa " Baliw!" Pagkatapos magpalit ng damit ay lalabas na sana ako ng kwarto para sundin ang utos nito nung tawagin na naman ako nito. "Besh!!" "Ano na naman!?" "Pahiram nung shirt mo na may print na panda huh ako na hahanap dito sa closet mo, sige baba ka na!" Sabi nito sabay gesture pa nang parang nagtataboy ng aso. "Hala! Hindi pwede yun! Favorite shirt ko yun! Iba na lang hiramin mo kahit alin dyan!'' " ihhh yun nga yung gusto ko Besh ih!" May papadyak padyak pa itong nalalaman. I rolled my eyes. Pshhhh parang bata talaga ''Ayoko'' Nag pout na ito "Ganyan ka naman, sino ba naman kasi ako? Ako lang naman yung dahilan kung bakit masaya ka the whole day, ako lang namang nagsabi sayo nung tungkol dun sa nakita ko sa cafeteria kaya buong maghapong hugis puso yang mga mata mo, ako lang na---" Tinaas ko ang mga kamay ko para awatin na ito sa iba pang sasabihin "Oo na , oo na. Nangongonsensya pa eh hiramin mo na! andun sa closet sa pinaka dulo" Ngiting tagumpay naman agad ito, napailing na lang ako. Sabi na nga ba eh dinadramahan lang ako nito tss "Yehey! Thank you besh! Sige na kuha ka na ng Juice! Don't forget, Orange huh!'' I scratch my nape and sighed.  "Hays! Oo na! Oo na!" ---------------- "Huy besh! Ano bang balak mo sa unrequited crush mo kay Haven huh? Ang tagal na nyan ah!" Natigilan ako nung biglang itanong yun ni Anne. Kasalukuyang nag m-movie marathon kami ngayon dito sa kwarto ko. "Besh," humarap ako sa kanya "Okay lang ba talaga sayo na babae yung nagugustuhan ko?" Natawa ito pagkatapos ay inikot ang mga mata. "Alam mo Besh, sa tagal na ng crush mo kay Haven, nasanay na rin ako.. Tsaka anong magagawa ko kung iyon ang sinasabi ng heart mo? Hindi naman natin mapipili kung sino ang mamahalin natin, hindi mo pwedeng piliin kung kanino gustong tumibok ng puso mo.. Titibok na lang yan bigla pag nakita mo na yung taong iyon.." She smiled at me a little then pat my shoulder gently. "Basta ang importante masaya ka. At the end of the day naman kasi yun yung mahalaga, You only live once nga diba? kaya gawin na natin kung anong magpapasaya sa atin.." "Naks, besh ikaw ba yan?" Kahit medyo naluluha ako nagawa ko pa din na itanong iyon. It's unusual for Anne na magseryoso and I'm seriously not used to it. "Baliw!" Tanggap talaga namin katangahan ng isat isa. And I'm not going to be sappy and tell her this but I'm so lucky to have her. Which made think... si Mom and Dad kaya? Anong magiging reaksyon kapag nalaman na babae yung nagugustuhan ko? "—So.. Ano ngang balak mo Besh?" She questioned further at napakamot na lang ako sa batok because I really don't have any idea. "hindi ko alam Besh!! Hindi naman ako marunong manligaw! Alam mo yan. NBSB ako tapos NGSB din. First time ko ngang magka crush sa girl eh" Natawa ito bigla sa sinabi ko.  "Oo nga eh andaming may gusto sayong boys noh, simula pa dati." She bursted out laughing and clap her hands like a retarded seal that is out of breath "psshh ako pa ginagawang tulay ng mga admirers mo! akala naman nila?! natatandaan mo ba yun?" Napasimangot ako ng maalala iyon. "Oo tandang tanda ko, pinag kanulo mo ako kapalit ng isang box ng pizza kay Juancho!" I looked at her with betrayed eyes and frowned. Yung kaklase namin dating nerd yung tinutukoy ko sinuhulan lang sya nito ng pizza binigay na yung number ko?! Jusq "Bakit Besh, hinatian naman kita dun sa pizza ah! Sayang din kasi Besh YC yun. Tapos sabi nya pa, sya daw gagawa ng assignment ko whole month!! tao lang ako! Natutukso din!" Natawa na lang kaming dalawa nung maalala iyon. "You really like her do you?'' Biglang tanong nito. And looked at me seriously. " Who?" "Edi si Haven!" She giggled. And I did too. " Yes. So much" mabilis na sagot ko. "Hindi pa ba halata Besh? Araw araw yata akong nagpapapansin sa masungit na yun." "Eh ano pang ginagawa natin!? Gumawa na tayo ng plano kung pano sya mahuhulog sa charms mo Besh!!" She looks at me excitedly. "Pano naman natin gagawin yun aber? Eh ni lumapit nga sa kanya hindi ko magawa eh! Tapos, ang sungit sungit pa non sakin!" Nakasimangot na sagot ko agad. I sighed internally because this looks like a loss case already. "Teka lang may naisip ako!!" Tumayo si Anne at kinuha ang bag nito, pagkatapos kumuha ito doon ng notebook at ballpen pagkatapos at iniabot ang mga iyon sa akin. "Anong gagawin ko dito?" Kunot noong tanong ko sa kanya. Ano na naman bang pinag iisip ng babaing to? "Magsulat ka dyan ng 'To do list!! Things to do to win Haven Lazaro's heart ganern!" To do list to win her heart?.. "Sure ka ba dito besh? Parang papalpak to eh" "Ano ba yan besh!! Ang nega mo naman! We haven't even start yet! Kaya mo yan! Kailangang tapos na yan bukas ahh" Napakamot ako sa ulo.  " eh anong ilalagay ko dito besh?" Anne face palmed herself pagkatapos ay sinabunutan ang sariling buhok. " hopeless case ka na talaga besh!! Sumaskit bangs ko sayo, kahit wala naman akong bangs!!" She rolled her eyes at me. "Ganito na lang isipin mo, ilagay mo dyan kung ano yung mga gusto mong gawin kasama sya... lahat ilista mo.. Okay!?" Mga gusto kong gawin kasama sya? Napangiti ako agad noong maisip iyon.  syempre marami akong gustong gawin kasama si Haven my labs!! baka nga mag work tong plano ni Besh! "Sige besh! I will do my best, kaya ko to!' ---------------------- *To do list to win haven's heart.* 1. Make her smile. 2. Sing a song for her. 3. Give her flowers. 4. Show her that i care, 5. Unexpected hugs 6. 2am calls. Just to tell her 'I miss her' and she's all i think about before i sleep. 7. Good morning texts 8. Tell her shes the most beautiful woman i have ever met. Every. Single. Day. 9. Buy her favorites 10. Spoil her 11. Cook breakfast for her. 12. Tell her------- Agad kong isinara ang notebook na binabasa ko ng marinig kong bumukas ang pinto ng classroom namin. Iniluwa noon ang taong iniisip ko at laman ng puso ko. I grimace internally. Even my thoughts are cringe worthy. I can't believe I turned out like this! I looked up and saw Haven. Kasama nito ang mga kaibigan nito. mag kakaklase nga pala kami sa subject na ito. I'm pretty sure I'm gazing at here dreamily now. And I'm so done for. God. Why does she have to be this pretty? It's all her fault right? I'm just a human who happened to be blinded and enthralled by this goddess' beauty that even Aphrodite can't compare. She's wearing her appropriate uniform now, and I never seen anyone na naging ganoon kaganda sa pagsusuot lang ng simpleng uniform! 'Pero teka? Parang ang aga yata ng mga ito ngayon?' Ako kasi, sinadya kong agahan ang pasok para i-review yung mga sinulat ko doon sa to do list kagabi. ako pa nga nauna dito sa classroom kaya binabasa ko iyon. Nagulat lang ako ng dumating sila. " Hi! Baby e-este Li! Hi! Li! You're here early!" Si Elise iyon "Hi guys! Uhmm, napaaga lang ng pasok, kayo din maaga ah!" Nakangiting bati ko. "Eh kase yung isa dyan, may gustong tao na makita dito, first thing in the morning pa lang! Pati tuloy kami nadamay sa pag aga ng gisi---Aray!!" Si Lily. Hawak hawak nito ang kaliwang.. paa? Huh? Ano yun? "Are you okay, Lily? Anong nangyari sa paa mo?" "Ha!? Ah, eh w-wala to Li! May Guilty lang na.. Na.. Ipis! Iyon ipis nga, na dumaan, nagulat ako kaya tumama yung paa ko sa chair!" I scrunched my eyebrows and look at them curiously. parang ang weird kasi ng mga ito ngayon. Nanlalaki din ang matang nakatingin si Lily kay Haven?. Si Elise, Cindy and Jane naman parang nagpipigil ng tawa. "Dude hayaan mo na yung mga yan maaga kasi nagising kaya wala sa sarili, lalo na yang si Lily" Cindy laugh out loud then tap my shoulders lightly to assure me that everything's just fine. "Ahhh.. O-okay" I replied. A little skeptical but choose to shrug it off. Umupo na rin ako sa assigned seat ko bago pa magsimula and klase. Makalipas ang ilang minuto ay Unti unti na ring  nagpapasukan ang mga ibang estudyante sa loob ng room namin. Everyone knows that you're dead if you're late. When the clock strikes at eight o'clock, katulad ng inaasan ay dumating na si Mr. Alvarez. Hindi ko Alam kung may body clock ba ito sa katawan pero kahit kailan ay hindi pa ito na late. Palaging sakto ito sa oras kung dumating. Which is unfortunate for a normal student like me. Nagsimula itong mag discuss about sa law of physics and I groaned internally..  hindi talaga ako mahilig sa science,  pero nagbabasa naman ako. Alam kong terror teacher si Mr. Alvarez kaya naman I always make sure to do advance reading. Mahilig kasi itong magpahiya ng mga estudyante. I didn't know what exactly his beef for high school students. But it's getting out of hand, and I'm not up for some embarrassing moments specially dahil kaklase ko si Haven. I don't want her to think that I am that dumb. "Can anyone explain to me the law of physics and what law are considered fundamental?" He suddenly asked and I want to roll my eyes so badly. Seryoso ba ito? kaka back to school pa lang, paduguan agad ng utak mga bes!?'  kaloka to si Sir, For sure, wala kaming notes di nya pa naman Natuturo yun eh. As expected, walang gustong sumagot. Iniwas ko ang tingin kay Sir, mahirap na! Baka matawag pa ako ng wala sa oras! " Anyone!?" Ulit pa ni Sir. "Wala ba talaga?" Umiling ang guro na animo disappointed. "Ikaw Mr. Reyes! Answer the question!" Namutla naman agad ang tinawag, nagtawanan ang mga kaklase ko. si Jun iyon. Yung palaging nabu bully dito sa school, lagi itong pinag ttripan payat kasi ito. tapos naka salamin pa, tahimik rin kaya laging napag didiskitahan ng mga bully. Naawa tuloy ako bigla. "Stand up Mr. Reyes! Pag di mo nasagot at walang sumalo sayo, to answer the question mag s-squat ka dyan sa corner the whole period!" Nagtawanan lalo ang mga classmates ko. "Di ba sabi ko mag advance reading kayo!?'' Napailing ako. grabe talaga tong kalbo na to, hindi nya ba nakikita napapahiya na yung tao!? Nakakaawa na oh! Hindi pa rin sumasagot si Jun. Nakayuko lang ito. "Okay Mr. Reyes, dun ka sa corner mag squat hanggang matapos ang klase ko!-----" "Wait-- Sir! I will try to answer the question!" Agaw ko sa atensyon ni Mr. Alvarez.. Tsss.. Gaga ka talaga Julianne pinapahamak mo na naman sarili mo! Kastigo ko sa sarili. bahala na! Nandito na to eh, Tumahimik  bigla ang buong klase. "Good. Ms. Hernandez! Paalala lang, pag hindi tama ang sagot mo dalawa kayo ni Mr. Reyes mag s-squat doon sa gilid." Dagdag pa nito. I almost roll my eye and scoffed. Well i did. Internally at least. Geez i don't want detention. kung pwede lang pina assassinate ko na ang kalbong ito! "Y-yes sir" "Okay. I will repeat the question.. explain to me the law of physics and is that law considered fundamental?" 'I'm dead.' 'I'm officially dead.' 'This is my punishment for butting into someone else's business.' I racked my brain for answers and hopefully may naalala ako sa mga nabasa ko. "Uhmm, sir. As far as i know, Over the years, one thing scientists have discovered is that nature is generally more complex than we give it credit for. Laws of physics are considered fundamental, but many of them refer to idealized, closed systems, which are hard to obtain in the real world. Also, some are altered slightly in different circumstances." I scrunched my eyebrows thinking deeply. "The laws that Newton developed, for example, are modified by the findings of the.... Theory of relativity , but they are still basically valid in most regular cases that you'll run into." "Very well said, Julianne. Well, nabanggit mo na rin naman si Newton, can you describe the Three laws of motion that he developed?" Dagdag nito and I clenched my jaw then smiled sweetly after para hindi nito mahalata. Because Seriously!? Magdadagdag pa ito ng tanong!? Hindi ba halatang yun lang ang kaya ng braincells ko para sa araw na ito!? Natigil si sir nung may nagtaas ng kamay at nagsalita sa likuran. "What's with the back up question, Mr. Alvarez? The deal is just she's gonna sagot only one question and they're off the hook. It's unfair if you will gonna make tanong continously!!" I froze on my spot when I heard that voice. Unti unti akong lumingon sa likuran only to see a frowning queen bee of the school. Wait. Is this real? She's really standing up for me? Pinagtatanggol ako ni My labs!? Lord. Hindi ko yata kaya ito!! Help me! "No. Ms. Lazaro. it's not unfair. besides, wala akong deal na sinabi na it would be only just one question-----" "It's okay Sir, i will just answer your follow up question' Muli, sumingit na ako sa usapan nila. Dahil ako ang mas natatakot sa sama ng tingin ni Haven kay Sir.  mahirap na, baka mapaaway pa si Haven my labs ko, at mapatalsik pa si sir dito sa school! Kasalanan ko pa kapag nagkataon. "Okay continue Julianne." "Uhmm, Sir Isaac Newton developed the Three Laws of Motion, which describe basic rules about how the motion of physical objects change. Newton was able to define the fundamental relationship between the acceleration of an object and the total forces by acting upon it sir. " "Good. Thats correct! So, Ms. Hernandez have you ever heard The branch of science called thermodynamics? Can you explain it's history?---" "DAMN! THIS IS RIDICULOUS!" Napangiwi ako nung muli kong marinig si Haven sa likod. She sounds so pissed by the way. Which scares me. Tumayo pa ito sa upuan nito while crossing her arms. Halatang inis na inis na talaga ito. Teka? Bakit ba ito naiinis? Right. Sobra naman kasi na talaga si Sir! Hindi makatarungan ito! "Language!! Ms. Lazaro!!" I'm still your teacher here!!'' Tinaasan lang ito ng kilay ng reyna. And my jaw almost drop. Did I mentioned that she looks so hot whenever she does that? I'm not even exaggerating I freaking swear! "I will answer your question Sir. i would like to answer in behalf of Ms. Hernandez" The girl with the bright green eyes uttered. "Siguro naman that will be your last tanong na?!" She rolled her eyes again and I giggled internally. Conyo ito magsalita but it's sound so cute on her. Yung iba kasi nakakainis kapag nakakarinig ako ng ganoon. Mr. Alvarez smirked. " Sure Ms. Lazaro you can answer the last question, if your answer is correct then, Mr. Reyes and Ms. Hernandez will be off the hook!" Mukhang confident pa itong hindi masasagot ni Haven ang tanong nito. Seryoso ba ito? Hindi ba alam ni Sir na— My thoughts cut short when Haven smirked back bago nagsalita. "You were asking about thermodynamics right, Sir? And it's history?" "Yes." "Well, thermodynamics deals with systems that are able to transfer thermal energy into at least one other form of energy mechanical, electrical, etc. or into work." She started. Her voice sounded so bored while she's looking into our teacher direction. "The laws of thermodynamics were developed over the years as some of the most fundamental rules which are followed when a thermodynamic system goes through some sort of energy change ."She continued "The history of thermodynamics begins with Otto von Guericke who, in 1650, built the world's first vacuum pump and demonstrated a vacuum using his----Haven stop speaking noong mapansing halos lahat kami nakanganga na. When she mentioned some of the dates my brain stops absorbing it already. She sounds like a freaking human dictionary, it's insane! Si Sir naman kasi eh! Nakalimutan na ba nitong achiever sa U.S yung hinahamon nito ng tanong!? Haven used to compete and represent their school back in the states. I heard that she even won first place back then. " Do you still want me to finish what I am saying Sir Alvarez?" She asked further. Hindi pa rin bumababa ang nakataas nitong kilay Simula pa kanina. "N-no n-need Ms. Lazaro, i think naipaliwanag mo naman na ng----" "May i go out now? Pagpuputol nito sa iba pang sasabihin ni Sir. "Ahh y-yes you may go." Tila wala sa sariling sagot ni Sir. He looks so dazed though. Nung marinig nito ang isinagot ng guro ay mabilis na naglakad ang reyna papunta sa akin hanggang makarating ito sa harapan ko. WAIT!?--- SA HARAPAN KO!!? OO NANDON NGA ITO NGAYON SA HARAPAN KO! "Halika na!" She spoke with urgency. Wait. Ano daw? Halikan— no! She said Halika na Right? My mind is still trying to process it all because this sounds too good to be true! Nag crossed arms na ang dyosa sa harap ko at itinaas na naman ang kilay. "Are you gonna come with me, Or i'm gonna drag you out!?'' " H-HUH!?" "TSK. STUPID!" The queen spat. sabay hawak sa kamay ko at hinila na ako palabas nang classroom. She's holding my hand palabas, and I didn't know whether I should be thankful to our terror teacher or nah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD