bc

My Stepbrother Enzo

book_age18+
69.6K
FOLLOW
591.9K
READ
billionaire
possessive
escape while being pregnant
CEO
student
stepbrother
sweet
small town
passionate
like
intro-logo
Blurb

"Wala bang magagalit sa gagawin mo? I... mean... your... girlfriend?" Lakas-loob na tanong niya.

Ngumisi ito sa kanya bago sumagot. "I don't do relationships, Bella. I can get any woman I want without committing to one."

Napalunok siya. Kung sa bagay, sa gwapo at yaman ni Enzo, walang babaing tatanggi rito. Panigurado, sasama agad ang mga babae sa isang sulyap lang nito.

"How about you, Bella Ramos? Do you have a boyfriend?" Balik-tanong nito sa kanya.

Agad niyang iniling ang ulo. "No, I never had a boyfriend before," amin niya.

"As in never?" Paninigurado pa nito.

Nagyuko siya ng ulo. Hindi naman siguro nakakahiyang aminin na no boyfriend since birth pa siya kay Enzo. "Never. It just... Well..." Hindi niya alam kung paano sasabihin ang bagay na iyon nang hindi siya mapapahiya o magmumukhang pangit sa binata. "There were guys who courted me. I just... didn't like any of them," nanginginig na paliwanag niya.

Sumilay ang tabinging ngiti sa mga labi ni Enzo. Hindi siya sigurado kung pinagtatawanan siya nito sa hindi pa niya pagkakaroon ng nobyo sa edad niyang eighteen o ano.

"That's good. At least walang maghahabol." sagot nito sa kanya.

chap-preview
Free preview
Chapter-1
Kanina pa siya nakatitig sa puntod ng kanyang ama at madrasta. Hindi pa rin siya makapaniwala na sa isang iglap lang ay mawawala ang mga mahal niya sa buhay. Parang hindi pa rin niya lubos na nauunawaan ang nangyayari. Wala na ang Daddy niya at ang Tita Imelda niya. Wala na ang mga magulang niya. Humugot siya ng malalim na hininga. Tatlong araw na siyang hindi natutulog. Kumakalam ang sikmura, pero kahit tubig ay hindi niya malunok. Nanginig ang mga daliri niya habang nakahawak sa gilid ng lapida. Pakiramdam niya ay babagsak na ang katawan niya. "Dad, Tita," umiiyak na tawag niya sa mga magulang. Walang hinto ang pagpatak ng mga luha niya sa harapan ng puntod ng mga ito. Bigla siyang nahilo. Naramdaman niyang babagsak siya sa lupa. Isang malaking kamay ang humawak sa magkabilang braso niya. Napasandal siya sa matigas na dibdib ng taong nasa likuran niya, sa takot na baka bumagsak na lang siya bigla. "Bella, umuwi na muna tayo para makapagpahinga ka," bulong ng lalaking kinasasandalan niya. "Hindi," nanghihinang sagot niya. Iniling niya ang ulo. Nagpumilit na makatayo mag-isa. Inalis niya ang kamay ng lalaking umaagapay sa kanya. "Kaya ko!" Matigas na sabi niya sa lalaki. Sinubukan pa niyang itulak ito palayo, na siyang muntik pa niyang ikabagsak sa lupa. Kung hindi lang mabilis ang kilos ng lalaki at agad siyang nahawakan sa braso, baka bumagsak na siya sa lupa. "Bella, hija. Hindi mo na kaya. Tayo na at umuwi muna para makapagpahinga ka," sabi ng Yaya Lucing niya. "Kaya ko pa po," nanghihinang sagot niya. Sinubukan niyang muling tumayo nang tuwid. Umiikot ang buong paligid. Dumilim ang paningin niya at naramdaman na lang niya ang pagbagsak niya sa kamay ng lalaking nanatili sa likuran niya, bago pa man siya tuluyang mawalan ng malay. Nang magmulat ng mga mata, nasa sariling silid na siya. Dahan-dahan siyang bumangon at ginala ang mga mata sa buong silid. Nakita niya ang lalaking kampanteng nakaupo sa malaking sofa na pang-isahan. Nakaharap sa kama niya. Kumunot ang noo niya. "Enzo," sambit niya sa pangalan ng lalaking nakaupo. "Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong nito nang mag-angat ng ulo at sulyapan siya. Nanatili naman itong nakaupo at nakatingin sa kanya. Marahil si Enzo ang nag-uwi sa kanya kanina mula sa sementeryo kung saan siya nawalan ng malay. Kay Enzo siya bumagsak kanina. Nawalan siya ng malay sa sobrang pagod, stress, at lungkot na nararamdaman sa biglaang pagkawala ng Daddy niya at ni Tita Imelda. "Okay lang," tipid na sagot niya. Sumandal siya sa headboard ng kama. Muli niya itong sinulyapan. Blanko ang mukha nito. Wala siyang mabasang anumang ekspresyon sa gwapong mukha nito. Pero alam niyang katulad din niya itong nagluluksa. Baka tinatago lang nito ang sakit at ayaw magpakita ng kahinaan sa kanya. Hindi nga naman pwedeng pareho silang mahina ngayon. Si Enzo ang stepbrother niya. Anak ito ng Tita Imelda niya sa una nitong asawa. Mas may edad sa kanya si Enzo. Binata na ito nang ipakilala ng Tita Imelda niya sa kanila. Nasa elementarya pa siya noon. Dalawang beses lang nagtungo si Enzo sa bahay nila nang nabubuhay pa ang Mama nito. Sa ibang bansa kasi ito nag-aaral dahil naroon ang ama nito. Ang huling uwi nito para dalawin ang ina ay nang makapagtapos ito ng kolehiyo. Iyon ang pangalawa at huling beses na nagtungo si Enzo sa bahay nila. Sa pagkakaalam niya, ayaw sa kanya ni Enzo. Simula pa noong una silang magkita, nagparamdam na ito ng pagkadismaya sa kanya. Naaartehan daw ito sa kanya at nakakairita ang ugali niya. Kaya naman hindi sila naging malapit noong mga panahong pumapasyal ito sa bahay nila. Nandito ngayon si Enzo dahil sa pagkawala rin ng Mama nito. Isang aksidente ang kumitil sa buhay ng mga magulang nila. Nagtungo ang Daddy niya at si Tita Imelda sa karatig bayan para dumalo sa isang party ng kaibigan ng mga ito. At isang malagim na aksidente ang nangyari na kumitil sa buhay ng mag-asawa. "Magpahinga ka na muna. Ako na ang bahala sa mga nakikiramay," saad nito. Tumayo ito mula sa kinauupuan. Lumakad palapit sa kamang kinaroroonan niya. Gwapo si Enzo. Kahit noon pa mang kabataan nito ay may angking kagwapuhan na ito. Sadyang mukha lang itong masungit. Masyadong seryoso at supladong tingnan. Well, ganoon naman yata talaga ang ugali nito. "Maya-maya lang, okay na ako," sagot niya. Katatapos lang ng libing ng mga magulang nila. Marami pa rin ang dumadating sa bahay nila para makiramay. Kaya kailangan niyang magpakatatag para harapin ang mga nakikiramay na kamag-anak at mga malalapit na kaibigan. "Magpalakas ka muna. Marami tayong dapat pag-usapan at ayusin," sabi nito sa kanya nang huminto ito sa paanan ng kama na kinahihigaan niya. "Ano iyon?" Kunot-noong tanong niya. Sa pagkakaalam niya, wala namang dapat pang ayusin o pag-usapan tungkol sa mga magulang nila. "Magpahinga ka na muna, Bella," tugon lang nito na tila nag-aalala sa kalagayan niya. Tatlong araw na mula nang dumating ito sa bayan ng San Miguel galing sa siyudad. Ito kasi ang nag-aasikaso sa mga negosyo ng ama nito. Dumating ito para tumulong sa pag-aasikaso sa mga kailangan sa pagburol at paglibing sa mga magulang nila, pero hindi ito namamalagi sa bahay nila. Sa VincElla Hotel ito nanunuluyan nitong nakaraang mga araw. Ang VincElla Hotel ang kilalang luxury hotel sa bayan ng San Miguel. "Ipagpapaakyat na lang kita ng pagkain," sabi pa nito sa kanya. Bago ito tumalikod at nagtuloy na sa paglabas ng silid. Bago pa man siya makasagot para tumanggi. Hindi kasi siya nagugutom. Wala siyang gana kumain sa ngayon. Bumuntong-hininga siya nang maiwan mag-isa sa loob ng silid. Hindi na naman niya magawang pigilan ang pag-iyak. Umiyak na naman siya nang umiyak. Paano na siya ngayong wala na ang Daddy niya? Sino ang pipirma sa enrollment form niya next sem? Eighteen years old lang siya at kasalukuyang nag-aaral pa. Nasanay siyang nandiyan lagi ang ama para gabayan siya. Hindi niya kayang mabuhay nang wala ang ama. "Daddy," umiiyak na sambit niya, kasabay ang paghagulgol niya ng iyak. Mag-isa na lang talaga siya ngayon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
3.8K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
31.4K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.4K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook