"Just relax and hold my hand, sweetheart," bulong sa kanya ni Enzo nang makaupo na sila sa first class flight. Masyadong ginalingan ni Dale at isang first class flight pa ang niregalo nito sa kanila. Sa flight pa nga lang mukhang makakapag honeymoon na sila. Private kase at talagang napakaganda. Si Enzo na ang mag de-decide sa bagay na iyon. Kung kakayanin naman niya bakit hindi. First time niyang sumakay sa eroplano, kaya iba ang kaba at takot niya. Halos hindi nga niya magawang bitawan ang kamay ng asawa, mahigpit niyang hawak iyon sa unang paggalaw palang ng eroplano. Mariin na ring nakapikit ang kanyang mga mata. Mukhang wala na ring dugong dumadaloy sa kamay ni Enzo sa higpit ng pagkakahawak niya sa kamay nito. "Just relax and think about me," bulong sa kanya ng asawa. Sana nga

