"May kliyente ka pala kaya natagalan ka," sabi ni Bella sa kanya nang makapasok na ito sa loob ng opisina niya. "Ah.. Yeah, yeah," nasagot niya at mabilis na humakbang sa may pintuan at sinara ang pinto. Sinadya na siya ng asawa sa opisina niya, dahil gutom na talaga ito. At kung hindi pa niya ito mapagbibigyan eh baka magwala na. "Tapos na. May oras na ko sa iyo ngayon," saad niya at hinila sa bewang ang asawa. Agad niyang naramdaman ang munting umbok ng tiyan nito sa abs niya. Palaki na nga ng palaki si baby De Silva. Kaunting panahon na lang at magkakasama na silang tatlo. "Really?" Nakasimangot namang tanong nito na agad hinaplos ang pisngi niyang may balbas. Alam niyang isa sa kahinaan ng asawa ay ang balbas niya. Madaling mawala sa sarili Bella once na madikit at makiliti sa balb

