Chapter-16

2019 Words

“Good morning po, Ma’am Bella,” bati ni Sara, nakangiti. Anak ito ni Manang Lupe at ni Mang Maning na gwardya. 16 years old, high school, ayon kay Enzo. Tinanong niya kasi, para may idea siya kung sino ang makakasama niya sa bahay. Umalis si Enzo nang hindi man lang siya naipakilala sa mga kasambahay bilang asawa. Masakit. Pero ano’ng magagawa niya? Hindi niya pwedeng pangunahan si Enzo. Hayaan na lang niya itong magsabi sa mga kasambahay. Alam niyang nagtataka na ang mga ito kung sino ba talaga siya at bakit nasa bahay siya ni Enzo, at magkasama pa sila sa iisang silid. "Good morning," nakangiting bati niya kay Sara. "Nakahanda na po ang almusal sa komedor, Ma’am Bella." "Sige, salamat," tugon niya at lumakad na patungong komedor. Kahapon pa nakaalis si Enzo patungong Europe.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD