After 1 year. "Happy1st birthday Kenzo," malambing na bati niya sa anak nang pag gising niya ay agad lumapit siya sa crib ni Kenzo sa loob ng master bed room. Tulog pa si Kenzo kaya maingat niya itong hinalikan sa noo, para hindi magising. "I love you, Kenzo," bulong pa niya sa anak. Ito ang pinaka mahalagang araw sa buhay niya at buhay ni Kenzo. Ito ang araw na pinanganak niya si Kenzo. Ang araw na halos isumpa niya si Enzo sa sobrang sakit na dinanas niya habang nag le-labor noon. Pero napawi naman ang lahat nang paghihirap at sakit niya ng masilayan ang napakagwapong si Kenzo. "Good morning." Napapitlag pa siya sa biglang paghalik sa kanya ni Enzo sa pisngi, at pagyakap nito mula sa likod niya. "Ssshh, baka magising si birthday boy," bulong niya sa asawa. "Happy birthday Kenzo,"

