Prologue
I'm here standing right in front of you with my parents at my side smiling at you. You just smile at them but I know inside that you don't mean what you are saying.
"Alagaan mo si Trina ha, prinsesa namin yan kaya wag na wag mong sasaktan."
"Yes Dad, I'll take care of her from now on."
Nang binigay na nila ako sayo, napapikit nalang ako dahil sa tingin mong nagbibigay sakit sa aking damdamin.
Alam ko namang siya ang nais mong maiharap sa panginoon imbis na ako. Alam ko namang ako lang ang nagmamahal sa ating dalawa.
..................
"Hindi mo nalang sana tinggap yung desisyon ng mga magulang natin! Napaka selfish mo naman Trina!"
Nang marinig ko yan mula sa'yo, ay nagsimulang rumagasa ang luha sa aking mga mata.
" Yan lang naman ang alam mo, ang umiyak. Para ano?! kaawaan kita? ng ibang tao? Alam mo, ikaw lang Ang nagbibigay ng sakit sa iyo!"
Kahit na harap harapan mo sa aking ipamukha na mahal mo siya kahit na kasal tayo ay tinitiis ko dahil mahal kita. Tinitiis ko ang lahat ng sakit kahit sobra na.
..............
"Tama na please. Oo, susuko na ko. Sabihin mo na lahat ng masasakit na bagay sa akin dahil baka ito na ang huling pagkikita natin."
Sobrang tagal ko nang nagtiis, kinaya ko kahit ang bigat bigat na. Pero gaya nga ng sabi nila, may hangganan ang lahat.
"Paalam mahal, kung magbago man ang isip mo at kung maisip mo man na mahal mo na ako. Sana ibigay mo nalang ang pagmamahal na yun sa kanya. Ayaw kong maranasan niya ang naranasan ko dahil nagmahal ako ng mag-isa."