Kabanata 03

1678 Words
At dahil hindi nagsasalita ang bunsong kapatid ni Tina,,, ay hinayaan lamang ito ni Tata Ago,,, Nagpaalam nalang ito na uuwi na lamang,,, Ngunit hindi pa rin nagsasalita ang bunso ni Tina... Hanggang sa tuluyan nang nakauwi si Tata Ago,,, At nag iisip ng kung anu ano,,, hindi talaga malinaw sa kanya,,, kung bakit ganoon na lamang sa kanya ang pamilya ni Tina,,, Kung may galit man daw ang mga ito sa kanyang pag alis,,, bakit sa tagal naman ng panahon ay ganun pa rin sila... Hanggang sa may bisita sa bahay si Tata Ago,,, Si hulyo,,, sya ang kababata ni Tata Ago na madalas nitong makasama sa kahit anong gawain,,, isang napaka buting kaibigan nito at masayahin,,, ngunit medyo napaadalang na rin ang kanilang pagkikita,,, simula noong lumipat na ng bahay ang pamilya ni Hulyo,,, medyo malayo kila tata Ago,,, Lagpas pa nga sa bahay ni Tina... inaya syang uminom ng alak ni Hulyo at hindi naman nya pinahiya,,, Hindi tulad ng dati,,, wala na ang saya sa mukha ni tata Ago,,, kaya naman naninibago sa kanya si Hulyo,,, Hulyo: Oy, Ago! ano bang problema? bakit parang ang lalim naman at ng iniisip mo?" tanong ni Hulyo kay Tata Ago Ago: AHHH... wala to... Nag aalala lang ako kay Tina,,, yung madalas kong maikwento sayo,,, Galit kasi sa akin ang pamilya nya,,, pero ang hindi ko lang maintindihan,,, bakit ayaw nilang ipakita sa akin si Tina..." Naluluhang sinambit ni tata Ago Hulyo: Sige lang Ago! iiyak mo lang yan,,, Basta alam mo naman para sa kanila ang ginawa mo,,, wala kang dapat ipag alala..." Wika ni Hulyo Napanatag naman ang kalooban ni tata Ago sa mga sinabi ni Hulyo sa kanya,,, pakiramdam nya ay napaka sarap talaga kapag mayroog kang isang tunay na kaibigan,,, yung kaibigan na sasamahan ka kahit saan,,, sa kahit anong problema ay nariyan... Natapos nga ang inuman ng dalawa at lasing nang uuwi si Hulyo,,, dahil yung bahay ni Hulyo ay may kalayuan sa bahay nila Ago,,, ay madadaanan nito ang bahay ni Tina... Kinabukasan,,, may kumakalabog sa pintuan ni tata Ago,,, Isang kapitbahay,,, Hinihingal pa ito noong makita ni tata Ago... "Ago... Si Hulyo,,, nabiktima ng tyanak!" hinihingal na pagbalita nito Halos hindi na makapag salita si Tata Ago sa kanyang nalamang,,, dali dali itong nagtungo sa lugar na pinangyarihan,,, dito na nga nya nakita ang bangkay ni Hulyo,,, naka lumpasay ito sa gilid ng kalsada,,, may kagat sa leeg at wakwak ang katawan,,, nawawala rin ang atay nito,,, na hinalang kinain ng Tyanak! Naghuhumiyaw si Tata Ago sa kanyang pagkawala,,, ngunit wala na itong magagawa pa,,, kundi ang gapiin ang nasabing Tyanak... Ilang buwan pa ang nakalipas,,, may bagong biktima nanaman ang Tyanak na iyon,,, Tulad ng nangyari kay Hulyo,,, wala na rin itong atay at may kagat ito sa leeg... May mga saksi sa pangyayaring iyon,,, patunay nila na ang tyanak ang gumagawa noon,,, dito na mas lalong nagambala ang buong bayan,,, Si Tata Ago ay hindi na makapigil sa kanyang ninanais! Buo na ang kanyang loob na wakasan ang masamang gawain ng Tyanak! Kinagabihan,,, sa lugar na madalas magpakita ang tyanak na iyon,,, Doon nag abang si Tata Ago at nag iisa lang ito,,, wala nang gustong sumama kay tata Ago,,, sapagkat natatakot na sila sa posibleng mangyari,,, nakakatakot naman talaga ang nasabing nilalang na iyon,,, pwede silang mabawian ng buhay sa konting pagkakamali lamang. Halos isang linggong ganoon ang ginagawa ni tata Ago,,, ngunit hindi nya mahagilap ang Tyanak,,, tila ba ayaw nitong magpakita kay sa kanya,,, Ngunit hindi sya sumuko,,, hanggang isang gabi,,, kabilugan ng buwan,,, may narinig syang ingay,,, isang iyak ng sanggol sa di kalayuan sa kanyang kinaroroonan... Dali daling pinuntahan ito ni tata Ago,,, at nang makita nya ay ang sanggol na nakabalot muli ng puting tela,,, alam na nyang ito ang kanyang hinahanap upang tugisin,,, dahan dahang nilalapitan ito ni tata Ago,,, at dali daling binuhusan ng holy water,, alam nyang ito ay mabisa,,, sapagkat nagawa nya na ito noong una nilang paghaharap. Tulad noong una,,, Hindi nakatagal ang Tyanak at humiyaw ito nang napaka tining,,, sobrang sakit sa tenga,,, napaka lakas ng hiyaw,,, siguradong narinig ito ng mga tao na hindi naman ganoon kalayo sa kanilang kinaroroonan... Hanggang sa bigla biglang lumusob ang Tyanak kay tata Ago,,, agad itong naka lapit sa kanya at kumapit sa kanyang dibdib,,, hawak hawak naman nya ang leeg ng tyanak upang hindi sya nito makagat,,, Yun kasi unang atake nitong gagawin,,, kapag nakagat ka na nito sa leeg ay sisipsipin nya ang iyong dugo,,, hanggang sa manghina ka,,, at kapag ikaw ay nanghihina na,,, doon na nya wawakwakin ang iyong katawan,,, upang kainin ang pinaka gusto nitong parte ng iyong laman loob.. Hindi nito kasi kayang buksan na basta basta ang iyong katawan,,, kung ikaw ay malakas pa,,, Hindi ganoon katalas ang kuko nito,,, kaya nangangailangan pa ito ng ilang sandali,,, bago tuluyang mabuksan ang iyong katawan... Yun ang napag aralan ni tata Ago sa tyanak na iyon,,, mula sa mga kwento kwento ng mga taong nakakita dito,,, yung mga taong nakatakbo mula sa nilalang na ito... Kaya hindi binitawan ni tata Ago ang leeg ng tyanak,,, kahit na kinakalmot na sya sa kanyang braso,,, inalis nya ang kanyang kaliwang kamay sa leeg ng tyanak at dali daling hinugot ang matulis na kahoy na ibinabad nya sa banal na tubig,,, noong nakita ito ng Tyanak ay bigla itong naging mahinahon at naging isang sanggol muli... Umiiyak ito habang hawak hawak sa leeg ni Tata Ago,,, ngunit alam nyang panlilinlang lamang ito,,, kaya gagawin nya pa rin ang kanyang planong pag puksa rito,,, alam nya kasing kapag hindi nya napuksa ang tyanak ay marami pa ang mabibiktima nito... Sasaksakin na ni Tata Ago ang tyanak nang biglang may Pumalo sa kanyang Ulo,,, dahilan ng kanyang pagkawala ng malay,,, Pagkagising ni tata Ago,,, nasa isang bahay sya,,, yung bahay ay pamilyar sa kanya,,, at hindi sya maaaring magkamali,,, nasa tahanan sya nila Tina... Dito na nga nya nakita ang ama ni Tina at ang iba pang myembro ng pamilya,,, Ago: Anong nangyare? bakit ako nandito? nasaan ang tyanak?" Tanong nito Tatay ni Tina: Ago, pasensya kana,,, ako ang dahilan kung bakit ka nawalan ng malay,,, dapat ay malaman mo na ang katotohanan..." wika ng tatay ni Tina Ago: Ha? ano pong katotohanan? hindi ko kayo maintindihan.." naguguluhang tanong ni Tata Ago Tatay ni Tina: Kung ano man ang marinig mo,,, o ano man ang malaman mo,,, siguraduhin mong hindi makakarating sa iba,,, Yung tyanak na nanggugulo at nambibiktima,,, Anak yun ni Tina..." paliwanag ng tatay ni Tina Ago: Hah? Ano? paanong? hindi maaari..." Hindi makapaniwalang tanong ni Tata Ago Tatay ni Tina: Noong araw na umalis ka,,, lubos na dinamdam iyon ni Tina,,, lagi na lamang syang nakakulong sa kwarto,,, hindi na ito kumakain,,, Laging umiiyak itong si Tina,,, hanggang isang gabi,,, may kalabog kaming narinig mula sa loob ng kwarto nya,,, kaya dali dali namin itong pinuntahan,,, at pagpasok namin sa kwarto ni Tina,,, halos hindi kami makapaniwala sa aming nakita,,, May isang napaka panget na nilalang ang aming nadatnan,,, Mabalahibo ito,,, at nakasiguro kaming,,, ito yung aswang na nang gugulo sa aming bahay,,, Noong makita kami nito,,, bigla na lamang itong nawala at parang naging isang insekto,,, na lumipad palabas ng kwarto,,, nakita namin si Tina na nakatulala at wala nang saplot,,, Alam namin na pinagsamantalahan sya ng aswang,, at Ilang buwan lang ang nakalipas ay isinilang na nga ni Tina,,, ang tyanak na iyon,,, pag pasensyahan mo na Ago,,, ngunit kahit na ganoon ang Tyanak ay Apo ko pa rin ito,,, nariyan sya sa kwarto,,, kapag araw ay normal itong bata,,, at mabait ito,,, ngunit kapag kabilugan ng buwan ay biglang na lamang nagiging isang sanggol muli at kapag may lumapit sa kanya ay aatakihin nya ito..." paliwanag ng tatay ni Tina Ago: Ganon pala ang nangyari,,, kasalanan ko ito,,, kung hindi ko lamang sana iniwan si Tina,,, hindi ito mangyayari,,, Nasaan na po ba sya...?" tanong ni Tata Ago Tatay ni Tina: Nariyan sya sa loob ng kwarto nya..." tugon ng tatay ni Tina Pag pasok ni tata Ago sa kwarto ay bumungad sa kanya ang tulalang si Tina,,, hindi ito nagsasalita at nakatitig lamang sa malayo,,, At sa tabi ni Tina ay naroroon ang anak nito,,, isang malusog na bata,,, ito yung sinasabing anak ni Tina na nagiging Tyanak kapag kabilugan ng buwan... Niyakap ni tata Ago si Tina,,, ngunit wala pa ring nangyayari,,, Hindi na ito nagsasalita pa... Iyak na lamang ng iyak si tata Ago sa sinapit ng kanyang mahal na si Tina... Dahil doon ay laking pagsisisi ni Tata Ago sa kanyang mga disisyon... Hindi na iniwan pa ni Tata Ago si Tina,,, at nangakong hindi titigil,,, hanggat hindi napapa galing ang kanyang mahal,,, At gumawa si Tata Ago ng isang matibay na kulungan,,, para sa anak ni Tina,,, at sinabi sa pamilya nito na ikulong doon ang Anak ni Tina kapag sasapit muli ang kabilugan ng buwan,,, Ago: Babalik ako,,, at maghahanap ng lunas para sa kanila,," yan ang huling sinabi ni tata Ago sa pamilya ni Tina Kung saan saan napadpad si Ago,,, dahil sa mga katunungan pa nya na hindi pa nasasagot,,, alam nyang hilaw pa sya sa pang gagamot,,, Ngunit hindi nya alam kung sino pa ang Manggagamot na kanyang dapat pag tanungan,,, Ayaw na nyang bumalik pa sa manggagamot na madalas nyang kausapin,,, Yun kasi ang sinisisi ni Ago sa pangyayaring iyon kay Tina,,, Kung hindi nya pinilit si Ago,,, ay siguradong kasama pa rinnya si Tina sa mga oras na ito... Hanggang sa napaka layo na ng narating ni Ago,,, napaka layo,,, sobrang layo... Nakatayo si Ago sa isang malaking bato,,, nasa ibaba nito ay may isang maliit na nayon,,, Dali dali si Ago na bumaba rito,,, kumakalam na rin kasi ang kanyang sikmura sa gutom... Hanggang sa naka kita sya ng usok,,, napaka bangong usok,,, nakaka gutom ang amoy nito,,, kaya sinundan ni Ago ang halimuyak nito at napadpad sya sa Isang bahay,,, na may babaeng naka talikod at nag iihaw ng karne...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD