Kabanata 02

1929 Words
Ang nasa loob ng kwarto ay mabalahibo,,, wangis tao ito na parang isang mabangis na aso ang mukha,,, dahil sa makakapal nitong balahibo,,, agad rin nitong napansin si tata ago,,, kaya umatras na ito ng bahagya... alam na ni tata Ago,,, na ito na ang hudyat na lulusubin na sya nito,,, ganoon raw kasi ang ugali ng mga ganitong klaseng aswang,,, kapag ito ay humakbang paatras ay maghanda kana,,, sapagkat kumukuha lamang ito ng bwelo,,, at sa hindi mo inaasahan na oras ay lulusob na ito ... ngunit bago pa man mangyari iyon,,, dali daling hinampas ni tata Ago ang nasabing aswang,,, gamit anh dala dala nitong buntot pagi,,, ngunit hindi tinamaan ang aswang na iyon,,, mabilis itong nakaiwas,,, napaka bilis kimilos at agad agad ay nasa itaas na ito,,, tila ba naka sabit sa bubong ng bahay na parang isang butiki,,, ganoon kabilis at naglalaway pa na nakatitig kay tata Ago... Ngunit kailangan nyang tatagan ang kanyang loob,,, sapagkat kaunting pagkakamali lamang,,, ay siguradong katapusan na nya,,, inilabas na ni tata Ago ang mga pangontra nyang dala,,, isang Anting-anting,,, isa ito sa mga ibinebenta ni tata Ago sa kanilang bayan,,, epetibong epektibo ang nasabing anting anting,,, sapagkat noon makita na ito ng aswang,,, ay hunaharipas na ito sa pagkalas,,, humahanap ito ng butas na lulusutan,,, Ngunit isa lamang ang daan palabas,,, yung ay ang pinto ng kwarto,,, ngunit doon nakapawesto si tata Ago,,, mayroong siwang sa bintana,,, ngunit sa kanyang sukat ay impossible itong makalusot rito,,, kaya naman si tata Ago ay dahan dahang nilalapitan ang aswang na iyon... Hinampas agad ni tata Ago ng kanyang buntot pagi,,, ngunit hindi nanaman ito tumama,,, napaka bilis talaga ng aswang,,, Agad itong. aka punta sa bintana,,, ngunit alam ni tata Ago na hindi ito makakalisot roon,,, kaya noong lalapitan na muli ni tata Ago ang aswang,,, ay laking gulat nito noong bigla itong naglaho,,, Nakita na lamang ni tata ago,,, na mayroong isang insekto ang lumilipad at palabas ng bintana,,, hindi na nya ito naabutan at tuluyan nang nakalayo,,, maya maya pa ay pumasok na sina Tina at ang buong pamilya nito,,, hindi nila nasaksihan ang pangyayari,,, kaya nagtanong sila kung ano ba ang naganap,,, Tata Ago: "Hindi ko kaya,,, Masyado itong mailap,,, saka hindi ko alam kung anong klase ba ito ng aswang,,, kailangan ko pang magsaliksik,,, hilaw pa ako sa kaalaman," nakayukong sambit ni tata ago Agad naman syang nilapitan ni Tina at pinakalma ang sarili,,, pinagaan ni Tina ang loob ni tata Ago,,, upang hindi ito mawalan ng pag asa,,, ang pamilya naman ni Tina,,, ay lubos pa ring nagpasalamat sa kanya,,, naniniwala sila sa kakayahan ni tata Ago,,, Kaya doon muna nagpalipas ng gabi si tata Ago,,, nagkakasayahan sila sa hapag kainan,,, at itinuturing nilang hindi iba si tata Ago,,, Naging komportable ito sa pamilya ni Tina,,, tila ba Nahuhulog na talaga ang loob nya sa dalaga,,, Si Tina ay may magandang mukha,,, napaka amo nito at may matangos na ilong at manipis na mga labi,,, mapula pula ang pisnge na medyo matambok,,, kaya naman si tata Ago ay hindi mo talaga masisi,,, kung bakit ganoon na lamang kabilis nahulog kay Tina... Ilang buwan pa ang nakalipas,,, hindi na raw muli pang nang g**o ang aswang sa bahay nila Tina,,, At sa loob ng ilang buwan na iyon,,, nagkapalagayan ng loob ang dalawa,,, dito na nga nagtapat si tata Ago ng kanyang nararamdaman kay Tina,,, ngunit si Tina ay hindi nagsalita,,, hindi nagbigay ng tugon sa pagtatapat sa kanya ni tata Ago... Umalis lamang ito,,, at hindi na lumingon pa,,, hinayaan na lamang ito ni tata Ago at tulad ng dati,,, nagmukmok syang mag isa sa loob ng kanyang bahay,,, buong gabi ay umiiyak ito at iniisip si Tina,,, wala syang tampo sa dalaga sapagkat naiintindihan naman sya ito... Kinabukasan,,, nagulat na lamang si tata Ago,,, noong may kumatok sa kanyang pinto,,, kahit wala pang mumog ay dali dali nya itong binuksan,,, iniisip ni tata Ago na isang may karamdaman ang kanyang bisita,,, ngunit nagulat sya noong makita ang bunsong kapatid ni Tina... Hindi na ito nagsalita,,, at inabot kay tata Ago ang isang sobre,,, may laman itong liham mula kay Tina,,, pagka abot na pagka abot sa kanya,,, ay umalis na ang bunsong kapatid nila Tina,,, Dahan dahan itong binuksan ni tata Ago,,, at nanlaki ang kanyang mga mata noong mabasa nya ang nakapaloob sa sulat... Nakalagay kasi rito ang pangalan ng Isang lugar,,, iyong lugar na pasyalan sa kanilang bayan,,, naka paloob rito na magtungo sya roon,,, mamayang alas tres ng hapon,,, hindi nya alam kung para saan ito,, ngunit natutuwa si tata Ago sapagkat makikita nya pang muli si Tina... Sa pakiramdam ni tata Ago,,, ay napaka bagal ng oras,,, ganoon talaga yata kapag mayroong bagay na gusto ka nang mangyari,,, Hanggang sa dumating na ang oras na kanyang hinihintay,,, Pagtungo nya roon,,, natanaw nya na kaaga si Tina na nakaupo sa isang upuan,,, nakatalikod pa ito sa kanyang kinatatayuan,,, hanggang sa nilapitan nya ito,,, nabighani nanaman si tata Ago sa mukha ni Tina,,, nakangiti ito sa kanya at binigkas ang salitang,,, halos magpatalon sa puso ni tata Ago.. ... Isang napaka tamis na OO ang sinambit ni Tina,,, dito na nga nagsimula ang kanilang buhay magkasintahan,,, ngunit lumipas ang mga panahon,,, bumalik muli ang aswang sa bahay nila Tina at nang gugulo muli,,, Wala nang maisip na paraan si tata Ago,,, kaya nag tungo sya sa isa sa kanyang mga kakilala na mang gagamot rin,,, yung pinuntahan nya ay ang isa sa mga nagturo sa kanya kung paano manggamot,,, matagumpay na naituro nito kay tata Ago ang dapat nyang gawin... Alam na ni tata Ago ang makakapag patigil sa pang gugulo ng aswang,,, ngunit mayroong sinabi sa kanya ang kanyang pinagtanungan na mang gagamot,,, "Ago,,, basta tandaan mo! hindi ka dapat makipag relasyon sa kahit na kanino,,, hindi dapat tayo nakikipag relasyon,,, dahil mailalagay mo sila sa panganib,,," wika nito kay tata ago Tata Ago: Ngunit paano si Tina? mahal ko sya,,, at nagmamahal kami" tanong ni tata Ago.. "Wala kang ibang dapat gawin,,, kundi ang hiwalayan ito... madaramay lamang sila at hindi mo ikatutuwa ang mangyayari,,, kung talagang mahal mo ito ay iiwan mo sya,,, yan ang dapat mong gawin..." wika nito Natahimik si Tata Ago sa kanyang narinig,,, inalala nya si Tina na baka madamay pa,,, mahal na mahal nya si Tina,,, kaya naman hindi nya hahayaan na mapahamak ito,,, At noong naroon na si Tata Ago sa bahay nila Tina,,, upang gapiin ang aswang na nang gugulo rito,,, ay hindi nya masabi kay Tina,,, kung ano ang mga nabanggit ng mang gagamot na kanyang pinagtanungan,,, Hindi sya makatingin ng deretso kay Tina,,, at kahit kausapin sya nito ay hindi nya ito pinapansin... Kaya ginawa lamang ni tata Ago ang sinabi ng manggagamot,,, may ibinigay ito sa kanya na iiwanan lamang sa bubong ng bahay,,, isa rin itong mabisang pangontra Ilang araw at gabing inabangan ni tata Ago ang aswang,,, ngunit hindi na ito bumalik pa,,, dito nga tinapos ni tata Ago ang kanyang relasyon kay Tina... Masakit man sa kalooban ni tata Ago,,, ngunit kailangan nya itong gawin upang hindi na madamay pa si Tina,,, hindi man nya alam ang kahihinatnan,,, ginawa nya pa rin ito,,, galit na galit naman si Tina sa kanyang pag alis,,, nang hindi man lang sinasabi ang dahilan... Hindi na nagkita pang muli sina tata Ago at si Tina,,, hanggang sa nakalipas ang ilang taon,,, may napapabalitang nag hahasik ng lagim sa kanilang bario,,, mayroon daw isang sanggol ang iiyak sa malapit sa kalsada,,, at kapag ito ay nilapitan mo ay kakagatin ka nalang nito hanggang sa maubos ang iyong dugo at bawian ng buhay... Isang gabi,,, naglalakad raw sa kalsada noon ang magkaka kaibigan na Bella at Flores,,, nang may narinig silang iyak ng sanggol,,, na malapit lamang sa kanilang kinaroroonan,,, agad naman nila ito hinanap at nang makita nila ito ay nakabalot pa ng puting tela... Nakita nila ang isang sanggol na may maamong mukha at nakaka tuwa,,, kinarga ito ni Bella at hinele hele upang hindi na umiyak,,, nang bigla na lamang daw itong sakmalin sa kanyang leeg,,, si Flores naman ay tumakbo papalayo dahil sa takot,,, hindi na raw sya hinabol ng nilalang na iyon dahil naka kagat pa raw ito sa leeg ni Bella... Hindi na nya alam kung ano ang nangyari sa kanyang kaibigan,,, at nang maghingi sya ng tulong sa taong bayan ay naabutan na nila ang walang buhay na katawan ni Bella,,, may dugo dugo itonsa leeg at mukhang totoo ang sinasabi ni Flores,,, doon na nga nagsimula ang kwento kwento sa kanilang bario,, tungkol sa Tyanak!!! Noong nalaman ito ni Tata Ago,,, ay agad syang nagtungo sa lugar kung saan nagpapakita ang tyanak! alam nyang delikado ito kaya lagi syang may dala dalang pangontra,,, Habang kasama si tata Ago sa taong bayan na naghahanap sa Tyanak,,, ay naisip nya si Tina,,, alam nyang malapit lamang ang bahay nila Tina sa lugar kung saan madalas mambiktima ang tyanak na iyon... Nang biglang may narinig silang iyak ng isang sanggol,,, nang gagaling ang iyak sa kakahuyan na malapit lamang sa kalsada na kanilang kinaroroonan... Dahan dahan nila itong tinungo upang makita at mawakasan na ang pambibiktima ng Tyanak.... Hanggang sa natunton nila ang ingay na kanilang naririnig,,, nakita nila ang isang sanggol na nakabalot sa puting tela,,, Alam na nilang ito na ang tyanak na nambibiktima ng mga tao,,, Agad sinabuyan ni tata Ago ang sanggol,,, ng banal na tubig na galing pa sa isang sikat kapilya sa kanilang bayan... Nag iiyak ang sanggol at dali dali itong bumangon sa pagkakahiga nito,,, kitang kita ng lahat ang itsura ng tyanak,,, may matutulis na mga ngipin at nanlilisik ang mga mata,,, paniniwala ni tata Ago na ang tyanak raw na ito ay isang sanggol na hindi nabigyan ng pagkakataon na mabuhay... Malamang sa malamang ay inilaglag ang bata habang nasa sinapupunan pa lamang ito,,, Hindi raw kasi makaka akyat sa itaas ang Kaluluwa ng taong hindi pa nabibinyagan sa simbahan... Kaya naririto ito sa lupa at naghahasik ng kasamaan.,,, Hinabol nila ang tyanak na mabilis na kumakaripas,,, napatigil naman si tata Ago noong makita nya ang tyanak,, na patungo malapit sa bahay nila Tina... Agad agad pumunta si tata Ago sa bahay nila tina,,, at kumakatok ng malakas sa pinto,,, ngunit noong bumukas ang pintuan ay ang tatay ni Tina ang kanyang nadatnan... tata Ago: Ahh.. Naparito po ako para magbigay ng babala, nakita kasi namin yung tyanak na dito sa bandang ito tumakbo,,, nais ko lang po kayong balaan nila Tina..." nahihiyang wika ni tata Ago Ngunit ang tatay ni Tina ay hindi nagsasalita at nakatitig lamang ng masama kay Ago... at mabilis na isinara ang kanilang pintuan... Dahil nga roon ay napaisip si tata Ago,,, kung bakit hanggang ngayon ay may galit pa rin sa kanya ang pamilya ni Tina,,, Ipinagpaliban na muna nila ang pagtugis sa tyanak,,, at kinabukasan ay nagtungo si tata Ago sa bahay nila tina,,, naabutan naman nito ang bunsong Kapatid ni Tina,,, na nagluluto ng kanilang ulam ng mga oras na iyon,,, napansin ni tata Ago na parang wala ng buhay sa bahay ni Tina,,, parang napaka lungkot na rito... Wala na yung dating masayang pamilya,,, yung laging nagkaka siyahan at kumakain ng sabay sabay... Agad na nag tanong si tata Ago "Ahm... pwede ko bang makausap ang ate Tina mo?" tanong ni tata ago Ngunit naka tingin lamang ito ng masama kay tata Ago at hindi rin nag sasalita... Hindi mawari ni tata Ago kung ano ba talaga ang nangyayari...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD