JAYDEE Naalimpungatan ako na tila may mainit na humahaplos sa pisngi ko. Nang magmulat ako ng mata ay ang nakangiti kong asawa ang nabungaran ko. "Good morning my beautiful wife," bati niya saka ako dinampian ng halik sa labi. "Good morning," namamaos ang boses na tugon ko. Dahil inaantok pa ay pumikit akong muli. "Papasok na ako." Nang sinabi niya iyon ay agad akong nagmulat ng mata. Nagsalubong ang kilay ko dahil nakabihis na rin siya. Ang aga naman yata nitong pumasok? Kahit tinatamad ay bumangon ako. "Magluluto lang ako ng almusal," humihikab na sabi ko. Pinigilan niya akong umalis sa higaan at pilit na pinahigang muli. "Don't bother, wifey ko. Matulog ka muna. Past seven o'clock in the morning na kasi, baka ma-late ako. Bumawi ka na lang mamaya pagdating ko," aniya at hin

