Chapter 80

2126 Words

JAYDEE Nakabusangot ang mukha na nakatitig lang ako sa pintuan habang nakaupo sa kama. Ni hindi ko man lang makita na gumagalaw ang seradora ng pinto. Ni-lock ko ang pintuan para hindi siya pumasok ngunit mukha yatang masunurin siya ngayon at hindi magawang kumatok man lang. Nakaligo na ako lahat-lahat at malapit ng matuyo ang buhok ko ay hindi pa rin siya kumakatok sa pintuan. Mukhang tinotoo nga ng lalaking iyon na hindi matulog dito sa kuwarto. "Subukan mo talagang hindi matulog dito, Lucasensio, maghanap ka na ng bagong aasawahin mo," nanggigigil na sabi ko rito kahit wala naman ito sa harap ko. Parang gusto ko itong tirisin ng pino dahil napakamasunurin nitong lalaki. Padabog akong nahiga sa kama at humarap ng higa sa pintuan. Kahit naiinis ay gusto ko hintayin ang pagkatok niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD