Chapter 17

1965 Words

JAYDEE Mabilis na lumipas ang araw. Wala na rin akong natanggap na tawag o text mula kay Albert. Hindi ko masasabing break na kami dahil wala naman kaming maayos na closure na dalawa. Kung hiwalay na nga kami para sa kaniya, mas mabuti na siguro iyon kaysa naman ang magpakatanga ako sa harap niya. Saka ko lang din napagtanto na ang pagmamahal ko kay Albert ay hindi ganoon kalalim. Balewala na kasi sa akin ang nasaksihan ko at hindi ko na iyon masyadong dinaramdam at iniisip. Kung susuyuin niya ako ay mas mabuti. Iisipin ko na lang na pinagsisisihan niya ang kaniyang ginawa at magbabago na siya ng tuluyan. Kung hindi naman ay ayos lang. Mas mabuti na rin siguro na hiwalay na kaming dalawa dahil ayaw ko ma-stress sa kaniya. "Ate Jaydee, pwede po ba akong um-absent bukas? May aasikasuhi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD