JAYDEE Kanina ko pa hindi pinapansin si Lucas. Nakaupo lang ito sa paboritong upuan ng apat. Akala ko ay saglit lang ito sa shop pero inabot na ito ng uwian. May pagkakataon naman na tumutulong ito mag-served. Syempre, tuwang-tuwa naman ang customers na pinagsisilbihan nito lalo na mga babae. Kinukuha ko ang laptop sa kaniya pero hindi niya binibigay, may gagawin daw siya. Kung ano man iyon ay hindi ko na inalam. Umalis na rin si Josa. Pinauwi ko na rin si Luisee at pinaiwan ko si Bryan para tulungan ako magligpit. Kapag linggo, alas kuwarto palang ay nagliligpit na kami. Mas maaga kami nagsasara kapag linggo dahil walang masyadong tao. Kapag weekdays naman ay alas sais ang sara namin dahil may mga estudyante pa ng alas singko. Ayaw na ako paabutin ni Lucas ng seven ng gabi. Dahilan n

