Chapter 59

2335 Words

LUCAS Nanatili pa ng ilang araw ang kaibigan ko sa ospital. Lalo itong naging magiliw lalo na sa mga dumadalaw sa kanya. Minsan nga ay muntik na naman kami magtalo dahil gusto niya raw umuwi pero hindi ko siya pinahintulutan dahil wala pang abiso ang doktor. Wala naman siya nagawa kund 'di ang magtiis pa ng ilang araw sa ospital. Kasalukuyan niyang kausap si Josa. Galing ito sa shop at dumaan muna sa ospital para kumustahin si Dee. Nakatingin lang ako sa kanila habang nakaupo sa sofa. Hindi ko rin alam kung ano ang pinag-uusapan nila pero maya't maya ang sulyap nilang dalawa sa akin lalo na siya na kakaiba ang ngiti sa labi. Napuno ng tawanan nilang dalawa ang apat na sulok ng kwarto. Hindi ko rin tinatanggal ang mga mata ko sa mukha niya dahil pinapasadahan ko ng tingin ang bawat part

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD