LUCAS Kinabukasan ay naging busy ang araw ko. Sa umaga pa lang ay nagkaroon na ako ng meeting. Hindi ko magawang tingnan ang cellphone ko dahil nasa kalagitnaan ako ng meeting kasama ang mga investors ng kompanya. Naiwan ko rin iyon sa opisina ko kaya hindi ko alam kung may tumatawag ba o wala. Nang matapos ang meeting ay mabilis akong lumabas ng conference room. Nakakaramdam ako ng kakaibang kaba ngayong araw. Siguro dahil buong araw ay hindi ko nasilip ang cellphone ko. Kahit nasa meeting ako, ang isip ko naman ay nasa ospital. Parati ko kasi inaabangan ang tawag sa akin ng magulang ni Dee para ibalita sa akin kung gising na ba ito ngunit nakalimutan ko naman ang phone ko sa opisina. Napahinto ako ng may humawak sa braso ko. Nang lingunin ko ito ay ang nakangiting si Mr. Guevarra a

