LUCAS Pagkatapos namin mag-usap ay nagpaalam na ako sa kanila dahil kailangan ko pa pumasok sa opisina. Pagdating ko ay sinalubong agad ako ni Irma. Tila may gusto ito sabihin sa akin ngunit hindi na nito nagawa dahil pumasok na ako sa loob ng opisina ko. Ngunit nagulat ako ng makita ko si Celine sa loob. Printe itong nakaupo sa couch na animo'y siya ang boss ng kompanya. "What are you doing here, Celine?" bungad na tanong ko sa kanya. Nakangiti siyang tumayo at lumapit sa akin. Hindi ako nakahuma ng salubungin niya ako ng yakap. "You're late. Kanina pa kita hinihintay. What took you so long?" bagkus ay tanong rin nito habang naka-angkla sa braso ko. "May pinuntahan lang ako," sagot ko. Sa swivel chair sana ako didiretso para umpisahan na ang trabaho ko ngunit hinila niya ako pat

