JAYDEE Kanina pa nakataas ang isang kilay ko sa pares na magkatabi sa unahan ko habang naglalakad. Kapag tinatapunan ako ng tingin ni Lucas ay pilit akong ngumingiti sa harap nito. May pagkakataon na naiinis ako sa kaartehan ng kasama nito kaya hindi ko maiwasan na umismid. Sakto naman na lumingon sa akin si Lucas kaya kitang-kita niya kung ano ang itsura ko. Kunot lamang ang noo nito na tinitigan ako at muling bumaling ang tingin sa katabi nito na ayaw na yata bitawan ang kaibigan ko dahil sa pagkakalingkis nito sa braso ni Lucas. Bakit ba ako sumama sa kanila? Nagmukha tuloy akong chaperone. "Dee, gutom ka na ba?" muling baling sa akin ni Lucas habang ang kasama nito ay parang walang pakialam na kasama ako. Akala ko ba ay mabait ito? Iyon kasi ang pagkaka-describe sa akin ni Lucas

