JAYDEE "Hi, honey," bungad sa akin ni Albert ng pumasok ako sa opisina niya. He kissed me on the cheek. Mas gusto ko iyon kaysa halikan niya ako sa labi kung galing naman sa labi ng iba. Pasimple ko siyang inamoy. Tama nga ang hinala ko, amoy perfume ng babae ang kumapit sa damit niya at sigurado ako na galing iyon sa babaeng lumabas sa opisina niya. Pero mas pinili ko ang hindi siya usisain. Ayaw ko lumabas na pakialamera akong girlfriend. Iginiya niya ako sa couch para maupo. "Sino 'yong babaeng lumabas sa opisina mo?" nakangiti kong tanong rito. Hindi ko pinahalata na naghihinala na ako na may milagro siyang ginagawa. "Applicant," tipid na sagot nito. Halatang may itinatago dahil hindi man lang niya ako magawang tingnan ng diretso sa mata ng sumagot siya. Mabuti naman kung gan

