JAYDEE "Good morning!" masigla kong bati ng bumungad ako sa dining area. Itinaas ko pa ang dalawang kamay ko at naghinat saka humikab. Naghahanda na si mommy at Manang Fe ng agahan. "Good morning din, anak. Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni mommy sa akin. "Okay na po ako," sagot ko at naghila ng upuan. Binalingan ko si daddy na busy sa pagbabasa ng dyaryo. "Good morning, 'Dy," nakangiti kong bati rito. "Good morning din anak," tugon nito na hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Umikot ang mata ko. Hindi na nga kami madalas magkausap, busy pa ito sa pagbabasa ng dyaryo. "Bakit hindi na lang kayo manood ng tv, may balita naman doon? Hindi na kayo magbabasa, makikinig na lang kayo," agaw ko sa atensyon nito. Binaba ni daddy ang dyaryong hawak at binalingan ako. "

