JAYDEE Habang naglalakad sa mall ay may nakita akong pamilyar na mukha. Parang nakita ko na rin siya ngunit hindi ko matandaan kung saan. Hindi rin ako sigurado pero sa direksyon ko nakatingin ang lalaki. Nasa kabilang side kasi ito ng mall. Maraming tao ang namimili kahit weekdays kaya hindi ko siya makilala dahil sa mga taong dumadaan sa harap niya. Huminto ako para aninagin ang mukha niya. Baka kasi isa sa kakilala ko o ni Lucas at pilit na kinikilala rin ako. Ngunit nawala ang atensyon ko sa kanya ng tumunog ang celphone na hawak ko. Nang sulyapan ko ang lalaki ay wala na ito sa kinatatayuan nito. Salubong na lamang ang kilay na tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Nakangiti kong pinindot ang answered button nang makita ko ang screen name ng kaibigan ko sa phone ko. "Gutom ka na

