Chapter 34

2240 Words

JAYDEE Kanina pa naghuhuramintado ang puso ko sa sobrang kaba habang nasa harap ng bahay nila Lucas. Kasabay ng kabog ng puso ko ay ang panlalamig ng palad ko. Pinagpapawisan ako kahit hindi naman mainit dahil hapon na ng pumunta ako rito sa bahay nila. Huminga ako ng malalim at kinalma ko ang sarili. Hangga't maaari ay gusto kong maging normal sa harap nila lalo na kay Lucas. Nakapagtataka lang dahil hindi naman ako ganito sa tuwing pumupunta ako rito. Ngunit ngayon ay walang mapaglagyan ang kaba ko. Pagpasok ko sa bakuran ay nakita ko si Tita Lucy na abala sa pagdidilig ng mga halaman nito. Nakangiti akong lumapit sa kanya. "Good afternoon po, tita," nakangiting bati ko rito. Nagulat pa ito ng magsalita ako. Marahil ay hindi nito inaasahan na pupunta ako. Nagsasabi kasi ako kay Lu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD