LUCAS Hindi ko na alam kung paano ko isasakay sa sasakyan ang kaibigan sa sobrang kalasingan nito. Hindi na nga nito magawang tumayo. Naubos nga nito ang laman ng bote ng alak pero nalasing naman ito. Masisermonan ako nito ni Tita Jane kapag nagkataon. "Dee, kaya mo pa bang tumayo?" tanong ko sa kanya. Sinapo ko ang magkabilang pisngi niya para ipaharap sa akin at makita niya ako. Nakasubsob na kasi siya sa mesa. Ngumiti siya sa akin at pilit na minulat ang mata para makita ako. "Of course, a-ano'ng akala mo sa akin, lasing? I'm not drunk, baby…" anito sabay sinok. Napailing na lang ako sa binitawan nitong salita. Kahit lasing ay nagagawa pa nitong mangatwiran. Sinubukan nito tumayo pero nawala ito sa balanse. Naagapan ko naman ang likod niya saka mabilis na hinapit sa baywang at

