JAYDEE Kabado ako habang nakatingin sa monitor kung saan ay nakikita ko ang loob ng aking tiyan habang pinapasadahan ng kung anong aparatu ang ibabaw niyon. Pinasya ng doctor na mag-ultrasound ako para sigurado kung may laman na nga ba ang bahay-bata ko. Bawat patak ng orasan na nakikita ko sa wall ng kilinika ay tila mahalaga para sa akin. Napapahigpit din ang hawak ko sa kamay ni mommy. Baka nga nasasaktan ko na ito ngunit hindi lang nito magawang magreklamo. Pagkahatid ni Lucas sa akin sa shop ay nagpaalam naman ako kay Josa na aalis na muna. Bago ako pumunta sa bahay ng magulang ko ay kinausap ko ang nakabantay sa akin na huwag sasabihin kay Lucas na pupunta kami sa isang ob-gyne. Tumango na lamang ito bilang pagsang-ayon. Naipakilala na kasi sa akin ito ni Lucas. Para raw hindi

