JAYDEE Nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto ni Lucas habang nakahiga. Hinihintay ko siyang pumasok dahil simula ng lumabas siya kanina ay hindi pa rin siya bumabalik. Sasabihin ko sana na sa kabilang kuwarto na lang ako matutulog kapag tulog na si Lola Amor. Iyon ang kuwarto na pinsadya sa akin ni Lucas kapag biglaan na mag-sleep over ako rito sa bahay nila. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na kinasal na ako at sa kaibigan ko pa. Parang ang bilis lang ng pangyayari na naidaos namin ang kasal ng gano'n kabilis. Hindi ko na nga napagtuunan ng pansin na nagpalitan kami ng I do ni Lucas dahil sa sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Para akong lutang kanina na kahit man lang ang pagsuot namin ng singsing sa isa't-isa ay hindi ko na maalala na ginawa ko. Awtomatikong tina

