JAYDEE Mabilis na lumipas ang mga araw at natapos na rin ang isang linggo kong pahinga. Nang pumasok na ako sa shop ay binati ako ng mga staff ko. Makahulugang ngiti naman ang binigay sa akin ni Josa ng makita ako. Pakiramdam ko rin ay tumamlay ang shop pati ang mga staff ko, lalo na si Felly. Ang dahilan nito ay hindi na raw pumupunta ang nagpapaganda ng araw niya. Ang tinutukoy niya ay ang apat kong nag-gagwapuhang customer. Ayon kay Josa, simula ng hindi pumasok si Luisee ay hindi na rin pumupunta ang apat. Nakakalungkot man isipin na hindi na nila magawang pumunta rito ay hindi ko sila masisisi. Hindi ko naman hawak ang desisyon nila pagdating sa gusto nilang pumunta dito sa shop o hindi. Ang apat kasi ang naging hatak ko para dumami ang customer lalo na ang mga babaeng estudya

