JAYDEE "Ano?!" hindi makapaniwalang usal ko. "P-paano nangyari iyon? Lucas, ano'ng nangyari?" garalgal ang boses na tanong ko. Hindi ko mapaniwalaan na bigla na lang nawala ang tanging pag-asa na magdadala sa amin sa tunay na salarin. Ano'ng nangyari? "Shh… it's okay, it's okay. May isa pa naman, eh. Huwag tayo mawalan ng pag-asa. Gagawin ni Thread ang lahat para mahuli ang bumaril sa 'yo, Dee," pagpapalakas niya ng loob sa akin at niyakap ako. "G-gusto ko na bumalik sa dati, Lucas. G-gusto ko ng maging normal ang buhay ko. Ayaw ko na may nakabantay at nagmamasid sa bawat galaw ko. Ayaw kong may nakasunod sa akin. Hindi ko na magawa ang ginagawa ko dati. Ayaw ko ng buhay na ganito, Lucas," umiiyak ng sabi ko rito. "I know, I know. Me too. Alam ko na hindi ka pa napapanatag hangga

