JAYDEE Hindi agad ako nakapagsalita ng marinig ko ang boses niya. Bagamat alam ko na hiningi niya ang number ko kay Josa ay hindi ko pa rin napaghandaan ang tawag niya ngayon. "Hey, are you there?" pukaw na tanong niya sa akin. "Y-yeah, bakit ka napatawag?" sa wakas ay nagawa kong itanong. "I just want to know if you're doing fine. Hindi kasi tayo nakapag-usap ng huli tayong nagkita. Kumusta ka na?" mahinahon ang boses na tanong niya. Wala pa rin nagbago sa kanya. Kaya nga nagtataka ako noon kung bakit natuon ang atensyon niya sa akin samantalang, marami naman ang babaeng nahuhumaling sa kanya. Iniisip ko nga na baka ibibilang lang din niya ako sa mga babaeng pinaglaruan lang niya. Bagamat wala naman kaming naging relasyon noon, hindi ko naman maramdaman na pinaglalaruan lang niya

