JAYDEE Napaawang ang labi ko ng makita ko ang tumambad sa harap ko. Although alam ko kung saan kami pupunta pero hindi ko inaasahan na ganito kaganda ang makikita ko. "Ang ganda," hindi ko napigilang sabihin habang nililibot ang tingin sa na-aabot ng aking paningin. "Hindi ako nagkamali na sinama kita," aniya dahilan para sulyapan ko siya. "Make yourself comfortable, Dee. But please, I don't want you not to let anyone to come you closer. Baka umuwi tayo ng maaga kapag may nakita akong lumapit sa 'yo," bilin niya sa akin dahilan para humagikgik ako. "Yes, hubby. Isa pa, hindi na sila makakalapit dahil hindi ako aalis sa tabi mo. Baka kapag ako naman ang malingat, pagbalik ko ay may mga babae na sa tabi mo. Baka ako pa ang magyaya sa iyong umuwi kapag nangyari iyon," sabi ko naman rit

