Chapter 2

1292 Words
JAYDEE "Ano ba naman 'yan Lucas? Ang bagal mo naman. Bilisan mo kaya," reklamo ko sa kaibigan ko habang nasa likuran ko ito at tumatakbo. Kapag malapit na ito ay binibilisan ko ang pag-pidal sa bike. "This is so unfair, Dee. Ang sabi ko jogging hindi biking, you brat!" reklamo rin nito sa gitna ng paghahabol nito ng hininga dahil sa pagod sa pagtakbo. Tumawa ako ng malakas sa reklamo nito. "Bahala ka d'yan." Pagkatapos ko iyon sabihin ay binilisan ko pa ang pag-pidal. Huminto ako sandali para lingunin ito. Nakita ko itong nag-squat ng upo. Marahil napagod din kakahabol sa akin. Ngumisi lamang ako. "That's the price of bullying me," bulong ko sa sarili. Nakita kong may mga babaeng dumaan sa tabi nito. Huminto ang dalawa sa pagtakbo at bumalik kong saan naka-upo si Lucas na agad namang tumayo. Napailing na lamang ako dahil kapag babae talaga ang lumapit dito ay nagiging alerto ito. Mula sa pwesto ko ay dinig ko ang pag-uusap ng mga ito. Halata rin naman sa babae na nagpapa-cute ang mga ito kay Lucas base na rin sa pagpipigil na paliitin ang boses. Ang sira ulo ko namang kaibigan ay todo ngiti naman sa dalawang babae. "Bye girls," paalam ni Lucas sa dalawa. Sinundan ko ng tingin ang dalawang babaeng dumaan sa akin. Maarte kung tumakbo ang mga ito na halata naman na ipinapakita sa kaibigan ko. "Masusunog na 'yung dalawa. Awat na," sita sa akin ni Lucas na hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa kinaroroonan ko. Nakataas ang isang kilay na binalingan ko ito. "Bye girls," panggagaya ko sa sinabi nito. Tumawa lang ito at parang bata na ginulo ang buhok ko. "Ang cute," sabay pisil sa aking ilong. "Don't worry, ikaw lang ang babae sa buhay ko," dugtong pa nito. Inismiran at inirapan ko lamang ito. "Tse! Pangit mo," sambit ko at nagsimula na muling mag-pidal. Dinig ko ang tawa nito na animo'y kami lang ang tao sa subdivision. Dito sa aming subdivision kami madalas mag-jogging. Hindi naman kasi gano'n ka crowded ang lugar namin. Ayaw nito sa exclusive subdivision nito dahil para raw ignorante ang mga tao doon. Wala rin masyado lumalabas. Napaka-tahimik sa lugar nila dahil disiplinado raw ang mga tao doon. Palibhasa kasi ay nakatira sa mamahaling subdivision. Paano ba naman kasi ay puro Phil-Am ang nakatira. Parang sinabi na rin nito na ang lugar namin ay hindi disiplinado ang mga tao dahil marami ang lumalabas. "Dee, baka gusto mo naman magpahinga ako. Pagod na po kaya ako," reklamo nitong muli ngunit may halong paglalambing. "Nagpahinga ka na 'di ba?" sabi ko ng hindi ito nililingon. Binilisan ko pa ang pagpidal. "Ikaw din nagyaya mag-jogging o ayan nakuha mo hinahanap mo. Bahala ka mapagod," dagdag ko pa at saka tumawa. Nang mapagod sa pagpidal ay huminto ako. Nagpahinga ako sandali. Nang wala na akong naririnig na reklamo mula sa kaibigan ay lumingon ako sa likuran ko. "Wah!" "Ay!" dahil sa ginawa nitong panggugulat sa akin ay nawalan ako ng balanse. Napakapit ako sa buhok nito habang ang isang kamay ko ay sa braso nito. Naalalayan ko naman agad ang bisikleta sa tulong ng aking dalawang hita. "Aray! Bakit buhok ko na naman?" reklamo nito. Mabuti na lang din at mabilis itong kumilos at agad na pinulupot ang braso sa aking baywang kaya hindi ako natumba. "Dee, makakalbo na ako sa pananabunot mo," reklamo nitong muli at hinawakan ang kamay ko. Hinampas ko pa ito sa dibdib gamit ang isang kamay ko. "Bakit mo kasi ako ginugulat?" pagtataray ko rito saka ko binitawan ang buhok nito. Inaayos na nito ang buhok habang napapangiti. "Grabe ka. Kawawa mapapangasawa mo. Napaka-bayolente mong babae," sabi nito. "Sa'yo lang ako bayolente," sagot ko. "Wag mo nga ako sinasabunutan. May ibang sumasabunot sa akin," sabi nito saka pilyong ngumiti. "Yuck! Kadiri ka talaga Lucasensio," nandidiri na lumayo ako rito. Kinikilabutan kasi ako sa sinasabi nito. Dahil sa sinabi nito ay nabanggit ko tuloy ang buo nitong pangalan. Sumimangot ito. Tumawa naman ako dahil alam ko na kung bakit nag-iba ang itsura nito. Tulad ko ay ayaw kong tinatawag niya akong dibdib. Ito naman ay ayaw din nitong tinatawag sa buong pangalan. Parang gusto nga raw nitong ipanganak muli at ito na ang magsu-suggest ng sariling pangalan. "Pupunta ka ba sa bahay? Kinukulit kasi ako lagi ni lola kung kailan ka raw bibisita," tanong nito sa akin saka uminom ng tubig na dala. Nagpahinga muna kami sa lilim ng puno. Nakaupo kami sa malaking ugat niyon. Dahil masakit na ang sikat ng araw na tumatama sa aming balat ay huminto na kami. Pawisan na rin si Lucas. Kinuha ko ang nakasampay na towel sa balikat nito. Pinunasan ko ang mukha nito. Naliligo na kasi ito sa sariling pawis. Pinatalikod ko rin ito para punasan ang likod. "Pupunta ako ng hapon," sagot ko habang pinupunasan ang likod nito. Pagkatapos ay binalingan ko naman ang aking cellphone. "Don't use your motorcycle. Magpahatid ka na lang," suhestyon nito. "Eh, kung ayoko?" pang-hahamon ko rito. Bumuntong hininga ito at ginulo muli ang aking buhok. "Ang tigas talaga ng ulo mo," sabi na lamang nito. "Fine, magpapahatid ako," tugon ko ng hindi ito tinitingnan. "Did he call you?" tanong nito. Umiling ako bilang tugon. "Tatawagan ka rin n'ya. Hindi ka rin n'ya matitiis," anito na tila sigurado sa sinabi. Nakangiti ito ng sulyapan ko. Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. "Alam mo naman na sa aming dalawa ako ang hindi nakakatiis," malungkot kong turan. Hindi ito sumagot bagkus ay kinuha nito ang cellphone ko at nakita kong pinindot nito ang camera niyon. "Picture tayo," pag-iiba nito sa usapan. Iminwestra nito ang cellphone at pinindot ang front camera sa harap naming dalawa. "Smile, Dee," sabi nito kaya naman ay napilitan akong ngumiti. Natatawa na lang ako sa mga pose nito. Baliw talaga ang kaibigan kong ito. Pagkatapos ng maraming take ng picture ay tiningnan ko iyon. Napapanguso ako habang tinitingnan ko isa-isa ang kuha namin. Kahit mag-wacky face ito ay gwapo pa rin ito. Bawat tingin namin sa kuha nito ay sinasabi nitong gwapo ito. Napakalakas talaga ng bilib sa sarili. Which is true naman. Bata pa lang kami marami na ang nagkakagusto kay Lucas. Lalo na ng tumuntong ako ng High School. Doon ko mas lalong nalaman kung gaano ka-popular ang kaibigan lalo na sa mga kababaihan. Nang malaman ng mga kaklase ko na kaibigan ko si Lucas ay ako na yata ang naging taga dala ng mga sulat nito sa kan'ya. I am a first year student that day while Lucas is graduating on college. Nagagawi lang siya sa school ko kapag susunduin niya ako. "Uwi na tayo," yaya na nito. Tumayo ito saka ako inalalayan tumayo. Binigay nito sa akin ang bottled water. "Drink first," sabi nito habang binubuksan ang takip ng bottled water. Uminom ako. Pagkatapos nang ilang lagok ay binigay ko na sa kan'ya ang bottled water ngunit hindi niya kinuha. Nagtatanong naman ang matang tiningnan ko siya. "Ubusin mo," utos nito. I rolled my eyeballs. "Yes boss," sinaluduhan ko pa ito bago ako muling uminom. Tumawa naman ito sa ginawa ko. Pag-uwi namin ay si Lucas na ang nag-bike habang nasa likod naman ako naka-angkas. Pagdating sa bahay ay doon na rin ito naligo. Kung umasta si Lucas ay tila pagmamay-ari nito ang bahay namin. Malaya itong lumalabas-masok sa bahay namin. Hindi na kasi iba si Lucas sa mga magulang ko. Para na rin kasi nilang anak ang kaibigan ko. Pagkatapos mag-almusal ay umalis na si Lucas. Sa kabilang subdivision pa kasi ang bahay nito. Pinaalalahanan pa ako nito na huwag kong gagamitin ang motorsiklo na palagi kong ginagamit kapag pumupunta sa bahay nito. Tumango lamang ako bilang tugon. I like it when he scolds at me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD