Chapter 3

1461 Words
JAYDEE Malawak ang ngiti ko nang pumasok ako sa bahay nila Lucas. Kitang-kita ko kasi kung paano ito pagalitan ni Lola Amor. Ano na naman kaya ang ginawa ng magaling kong kaibigan at ganito na lang pagalitan ng lola niya? Para itong bata na kakamot-kamot sa ulo. Marahil napansin nito na dumating na ako kaya sumulyap ito sa pinto. I saw relieved in his face when he saw me. Tila nakahanap ito ng kakampi ng makita ako kasabay ang pagsilay ng ngiti sa labi nito. "Lola," agaw ko sa atensyon ni Lola Amor na siya namang ikinalingon nito. Ngumiti ito sa akin ng makita ako. Lumapit ako sa mga ito at nagmano kay Lola Amor bago ito niyakap. Pasimple kong sinulyapan si Lucas na malawak ang pagkakangiti. "Halika apo, ma-upo ka muna," yaya nito sa akin. Umupo ako sa sofa, tila naman nakalimutan na nito ang apo na pinapagalitan. Nang tingnan ko si Lucas ay nakangisi ito at dahan-dahang umalis sa pwesto nito para hindi mapansin ni Lola Amor. Napapailing na lang ako sa ginagawa nito. Para itong batang tumatakas sa magulang dahil gustong-gusto nang maglaro sa labas. Ngunit sadyang malakas ang pakiramdam ni Lola Amor. Nilingon nito si Lucas na nasa ikalawang baitang palang ng hagdan. "At saan ka pupunta, Lucas?" tawag dito ni Lola Amor. Huminto ito sa tangkang pag-akyat ng hagdan. Awtomatikong napalingon siya sa gawi namin ni Lola Amor. Sumilay ang ngisi ko sa labi ng sulyapan ko ito. "Hindi kita kakampihan ngayon," sabi ng utak ko. Tumingin si Lucas sa amin partikular sa akin. Ang tingin nito na humihingi ng saklolo sa akin. Pero dahil gusto ko makitang pagalitan ito ay patay malisya na nag-iwas ako ng tingin. "I'm going to my room, Lola. I have to finish my work," pagda-dahilan nito. "Anong work? linggo ngayon, Lucas. Nandito si Jaydee magtatrabaho ka?" pagalit na wika ni Lola Amor sa apo. Napangiwi naman ito sa narinig. Kung iniisip nito na makakatakas ito sa Lola nito ay nagkakamali ito. Walang nagawa si Lucas kun'di ang bumalik at pasalampak na naupo sa sofa. Pinipigilan ko lang ang sarili na matawa dahil nasa harapan pa namin si Lola Amor. "O siya sige Iha, maghahanda ako ng meryenda para sa'yo," sabi ni Lola Amor saka tumayo. "Dito ka na rin maghapunan, ha. Sasabihan ko si Lucy para umuwi ng maaga," tukoy nito sa mama ni Lucas. "And you, young man. Huwag kang aalis d'yan kun'di makakatikim ka sa'kin," baling nito sa kaibigan na tahimik nang nakaupo sa sofa na may pagbabanta sa boses nito. Pasimpleng umikot ang mata ni Lucas. "Yes, lola," walang ganang sagot nito. Nang makaalis si Lola Amor ay pasalampak naman itong nahiga sa sofa. "Bakit ba napapaligiran ako ng mga babaeng bayolente?" reklamo nito ng hindi ako sinusulyapan. Tumawa ako sa sinabi nito. Ilang beses ko na iyong narinig sa kan'ya. Ilang beses na rin na hindi ako nagsasawa na pakinggan iyon. Alam ko na isa ako sa tinutukoy nito na gano'ng babae. Pero dahil kaibigan niya ako simula ng bata pa kami ay wala siyang magagawa kun'di pagtiisan ang pagiging bayolente ko sa kan'ya. Lalo naman na wala siyang magagawa kung palagi siyang sinisermunan ni Lola Amor. Malas n'ya at si Lola Amor ang naging lola niya. Bukod sa palagi siyang pinapagalitan lalo na sa harap ko ay bayolente rin talaga ito pagdating sa kan'ya. "Eh di maghanap ka ng babaeng hindi bayolente," sambit ko na hindi nawawala ang ngiti sa labi. Kampante kasi ako na hindi nito kaya maghanap ng babaeng makakatiis sa ugali nito. As if naman na may magtatyaga sa ugali niya na may pagka-isip bata. "Hmm, sounds good," sang-ayon nito na hindi ko inaasahan. "Seryoso ba siya?" anang ng bahagi ng utak ko. "Pero mas gusto ko 'yung babaeng nanabunot sa 'kin kanina," sabay banat nito at pilyong sumulyap sa akin. Here we go again. Dahil may unan sa tabi ko ay mabilis kong kinuha iyon at inihagis sa kan'ya. Sinalag naman nito ang bawat unan na mahablot ko na binabato kay Lucas. Panay tawa naman nito habang ginagawa iyon. "Nagsisimula ka na naman Lucas ha," sabi ko na hindi naitago ang pagkainis. Tumawa lang ito sa sinabi ko. "Sorry na po," malambing nitong wika at lumapit sa 'kin. "Dee, what do you think. Mag-girlfriend na kaya ako para hindi na kita inaasar?" tanong nito at inihilig ang ulo sa balikat ko. "Tapos ang aasarin mo 'yung girlfriend mo gan'on?" sagot ko sa tanong nito. "Oo. I will test her kung kaya niya ang pang-aasar ko. Kapag hindi, I will broke up with her. It's just as simple as that," katwiran nito. Siraulong lalaki talaga. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na naging kaibigan ko ito. Puro kalokohan ang nasa isip. Gamit ang aking hintuturo ay tinapat ko iyon sa sintido nito at dahan-dahang inilayo ko ang ulo niya sa balikat ko. "Napakataba ng utak mo talaga, Lucas Connery," sita ko rito. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga pinagsasabi nito. Matalino naman ito, pero ang mag-isip ng ganito ay nakaka-praning. Hindi ito normal mag-isip. Mabuti na lang at matagal ko nang kilala ito. Kung iba ang nakakarinig sa sinabi nito ay baka seryosohin at mainis sa kan'ya. "What? Tama naman ako, hindi ba? Doon ko rin malalaman kung mahal niya ako o hindi," dagdag pa nito. Umikot ang mata ko sa sinabi nito. "Ewan ko sayo. Isa pa nga pala, ang dami mong girlfriends, wala pa bang nakakapasa sa panlasa mo?" banggit ko sa mga babaeng halos linggo-linggo na pinapakilala sa akin. Sumimangot naman ito. "I don't like them," tugon nito. "Hmp! Pinapaasa mo lang sila ganon ba?" pagkukumpirma ko rito. "Parang hindi mo naman ako kilala, Dee. I was just a friendly and a nice guy," sabi nito at nagpa-cute pa sa akin. "Baliw! Friendly mo mukha mo," sabi ko at hinampas ito sa braso. Sabay-sabay kami nag-hapunan. Si Tita Lucy naman ay alas-singko y medya pa lang ng hapon ay dumating na kaya nakasabay ito ng hapunan sa amin. Galing ito ng shop nito na Beauty Salon. Kumuha ito ng pwesto sa isang mall. Iyon ang negosyo ni Tita Lucy simula ng mawala ang asawa nito. Tinawagan ko na rin si mommy para hindi na nila ako hintayin ng hapunan. "Jaydee, kumusta naman ang shop mo?" tanong ni Tita Lucy sa akin. "Maganda naman po ang takbo tita. Mabuti na lang at na-suggest ni Lucas na sa tabi ng school ako mag-open. Marami po ang kumakain and of course umo-order kahit hindi mga estudyante," paliwanag ko. Sinulyapan ko si Lucas. Panay ngiti nito habang kumakain. Katabi ko lang ito, katapat ko naman si Tita Lucy. Tinaasan ko ito ng kilay nang bumaling ito ng tingin sa akin. "Hmm, that's good," saad ni Tita Lucy at tumango-tango ito. "Wala naman bang mga pasaway sa shop mo?" muling tanong nito. "Wala naman po tita. May grupo lang po ng mga estudyante na maingay pero kaya naman po sawayin. Dito rin po sila sa lugar ninyo nakatira," magalang kong sagot. "You should hire security guard para may nagsasaway sa kanila," suhestiyon nito. Sinulyapan kong muli si Lucas. Tahimik lang itong kumakain pero panay pa rin ang ngiti. "Problema ng lalaking ito?" tanong ng bahagi ng utak ko. Dahil gusto ko mapukaw ang atensyon nito ay pasimple ko itong sinipa sa ilalim ng mesa ngunit napalakas yata ang ginawa ko. "Ahw!" daing nito sabay tingin sa gawi ko. Binigyan ko ito ng nakakalokong ngiti. "Okay ka lang anak?" nag-aalalang tanong ni Tita Lucy. "Yes ma, I'm fine, may lamok lang na nangagat sa 'kin. We should call pest Terminator. Dumadami na sila," sabi nito pero ng sinabi niya ang pest ay tumingin siya sa 'kin. Lalo pa akong inatake ng kapilyahan ko kaya naman ay sinipa ko ulit ito. "Naku! Makakatiris talaga ako ng insekto," reklamo nito at matalim ang tingin na ipinukol sa akin. Kung wala lang kami sa hapag-kainan ay humagalpak na ako ng tawa dahil sa reaksyon ni Lucas. Hindi na ito makapagpigil na tirisin ako. Animo'y kulang na lang ay sunggaban ako ngunit pinipigilan lang ang sarili dahil kaharap namin ang mama at lola nito. Kinuha ko ang baso na may lamang tubig at ininom ko iyon para na rin maiwasan ang pagpipigil na tumawa. "Bakit hindi na lang kayo magpakasal ng mawala ang asaran ninyong dalawa?" singit ni Lola Amor na ikinasamid ko. Muntik ko ng maibuga ang iniinom kong tubig. "Dee, are you alright?" nag-aalalang tanong sa 'kin ni Lucas habang hinahagod ang likod ko. "Ma naman, huwag n'yo ngang binibigla si Jaydee ng gan'yan," sita ni Tita Lucy sa ina. Anong naisipan ni Lola Amor at nasabi niya ang bagay na iyon? Mababaliw ako pati sa kan'ya. Mag-lola nga silang dalawa ni Lucas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD